Labing-isa

215 4 0
                                    

"Ima, kapilan ka muli?"
(Mama, kailan ka uuwi?)
Tanong ni Kuya Teo habang busy sa kanyang laptop.

"Ali ku pa balu Teo! Ika naman Any komusta naka? Nokarin ya'y Eva?"
(Hindi ko pa alam Teo! Ikaw naman Any kamusta ka na? Nasan si Eva?)
Sunod-sunod na tanong ni Ima.

"I'm fine, nasan na yung asawa mo?"
Tanong ko kay Ima at tinatapat ang Ipad sa parteng kita si Kuya Teo.

"Nasa trabaho pa, pauwi palang."
Sagot nito habang may kung anong cream na nilalagay sa mukha.

"Buti na pa video call ka!"
Sabi ko rito at umusog ng konti para makita sa screen.

"Bawal bang kamustahin ang mga anak ko? Hays, miss ko na nga diyan sa Pinas e!"
Madramang sagot nito.

"Edi umuwi ka na."
Pabirong sagot ko, but I meant what I said.

Ima, my Mother was in abroad for a long time. Huling uwi niya ay noong gumraduate pa ako ng high school. Eh ilang taon na ako ngayon diba? Ilang beses na namin siyang pinilit na umuwi dahil wala na naman siyang pinag aaral. Pero sadyang napamahal na yata siya roon.

And luckily she found her new partner in life. We never agree about his foreigner husband. But we never disagree with it, we love Ima so much. That's why we let her do what she love, love what she love. Matanda na rin siya, hindi naman habang-buhay ay kasama namin siya. I mean Kuya Teo starts to build his own family. While me na single parin hanggang ngayon ay baka bumuo narin ng pamilya. Pero syempre kung gusto niya sa amin we're more than willing to let her live with us.

"Alam mo naman ang sagot ko diyan Any!"
Makahulugan nitong sabi.

Yes I maybe know her stand, pero baka lang naman gustuhin niya na rito.

Panandaliang kaming natahimik, kahit na si Kuya Teo na kanina pa busy sa kanyang laptop ay napa angat ng tingin.

Kahit sa screen lang kami nag kikita ni Ima, bigla kong naramdaman ang tensyon.

Sakto naman ang dating ni Ate Eva na galing sa kusina.

"Mayap a napun Ima!"
(Magandang hapon Mama!)
Agad siyang lumapit sa screen, at doon na nga nag simulang umingay.

Nag kwentuhan sila ni Ate Eva tungkol sa pinag bubuntis niya. Minsan ay nakikisali kami ni Kuya Teo sa usapan at biglang tatawa. Hanggang sa humupa na ang numuong tensyon.

I have this kind of family na hindi ganon ka close pero may tight bond. I grew from distant, wala lagi si Ima. Dahil nga nag tra-trabaho siya abroad, while si Kuya Teo na tanging kasama ko dati busy sa school at pag pa-part time job.

"Any samahan mo nga muna si Ate Eva mo."
Sabi ni Kuya Teo na naka tutok na naman sa laptop niya, may kino-compute yata na grades.

"Kung ayos lang sayo Tiffany."
Sabi ni Ate Eva na katatapos lang maligo.

"Sige syempre ayos lang!"
Maagap kong tugon.

"Kanina pa sana e, tumawag lang si Ima. Hindi ko kasi maiwan to e."
Sabi ni Kuya Teo habang di nag aangat ng tingin. Sabado ngayon pero ang dami niyang tinatrabaho.

"Mag bibihis lang ako."
Sabi ko at agad na pumunta sa kwarto ko.

Nag palit ako ng isang matinong damit kesa dito sa pambahay ko. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Pero si Ate Eva kasi naka maternity dress, hindi naman ako mahilig mag dress kaya nag shorts na lang ako saka isang sweat shirt.

"Tara na Ate, ako na po yan."
Sabi ko sabay kuha sa kanya nung bag.

Pag labas namin ng bahay medyo nag taka ako nung lumapit si Ate Eva sa isang single.

LureWhere stories live. Discover now