Dalawampu't pito

147 5 0
                                    

Lumipas ang mag hapon na ni anino ni Boni hindi bumalik. Not that I'm waiting for him to comeback, sure he can do whatever he want. Wala akong karapatan makialam.

"Simangot na simangot girl? Be happy tapos na ang shift natin!"
Amanda said then tap my shoulder.

Bumuga ako ng isang malalim na hininga saka umakyat na sa kwarto ko. Pag tapos kong mag bihis ay sinimulan ko ng mag linis ng kwarto. Ayokong magpa bisita dito, wala na nga akong binabayaran. Saka ayoko na ang kapwa empleyado ko pa sa hotel ang mag lilinis dito.

"Kamusta naman kayo diyan?"
Tanong ko sa kabilang linya habang pinupunasan ang bintana.

"Ayos naman kami dito Any, ikaw?"
Tanong ni Kuya Teo.

Tumagal ng halos kalahating oras ang kamustahan namin. Hanggang sa mag paalam na siya dahil lowbat na ang kaniyang phone.

Kinabukasan kahit hindi sinasadya pakiramdam ko ay pusturang-pustura ako. Maybe I'm expecting to bump with Boni again? But nah, it didn't happen. Hanggang sa makarating na ako sa pwesto ko wala paring Boni.

"Good day! How can I help you?"
Tanong ko pagkasagot ko mula sa kabilang linya.

"This is from room 503, Pzeo Bonifacio."
Sagot nito mula sa matigas na inggles.

"Oh, Sir Boni how may I help you?"
Nag papasalamat ako dahil diretso ko itong nasabi na walang utal. Kahit na ang totoo ay nanginginig ang kamay ko na may hawak ng telepono.

"So it's you Tiffany. Can you please have someone pick up my laundry?"
Sabi nito na parang wala lang.

"I will ask the bell boy to get it. Please put your dirty clothes in a basket and leave it by the door. Is that all Sir Boni?"
Parang hindi ako sanay sa pagiging pormal sa kanya.

"Yes, thank you Tiffany."
Sabi niya at binaba na ang tawag.

Ang isang tawag na iyon ang siyang bumuo ng araw ko. Darn Boni, anong ginawa niya sa akin?

Bakit parang nag iba ang ihip ng hangin?

Akala ko yun na yon pero bago matapos ang shift ko ay naka tanggap ulit ako ng tawag mula sa kanya. Mali, naka tanggap ang front desk ng tawag.

"Why is my shower not working?"
Tanong nito.

"The hot water of my shower isn't working at all."
Muling sabi nito.

"Don't worry Sir I'll let the management know about this as soon as possible. For now I'll send someone to check on it. Thank you for informing us."
Tugon ko.

And that's it. Ginawan ko muna ng paraan ang shower niya. Nag hagilap ako ng titingin dito. Binilin ko rin ito sa kapalitan ko ng shift incase na tumawag ulit siya.

Saka na ako umakyat sa kwarto ko. Ganito na lang lagi ang routine ko. Di na ba mababago? Napa singhap ako ng madatnan ko si Boni at isang babeng mukhang modelo.

Be careful what you wish for nga naman. Ibang-iba nga ito sa mga nakalipas na araw. Hindi naka ligtas sa paningin ko ang kamay ni Boni na naka hawak sa bewang noong babae.

Ang haba nung biyas ng babae at hapit na hapit ang pulang damit nitong suot. Napansin ni Boni ang presensya ko kung kaya pumasok sila sa loob ng babae.

Dito kasi sa labas nag haharutan tapos kapag may naka kita aalis! Mukha tuloy na ako pa ang istorbo sa kanila.

Wala ako sa wisyo pag pasok ko sa kwarto. Nakaka walang gana, lalo na at katabi ko lang sila ng kwarto.

Like seriously? Asan na yung 'I love you Tiffany' niya? Nawala kasabay ng pag luwas ko dito sa Manila? kalokohan.

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o ano. Pero tinapat ko lang naman yung tenga ko sa dingding. Umaasa na may marinig mula kila Boni.

"Soundproof ba dito?"
Bulong ko sa sarili ko.

Ay bahala nga sila diyan! Pake ko ba sa kanila diba?

Sa sumunod na araw ay naka tanggap muli ako ng tawag sa kwarto nila Boni. Hindi ko alam kung anong sira pa meron ang kwarto na iyon.

"Bakit hindi parin gumagana ang hot shower sa banyo ko?"
Tanong nito, napa sapo ako sa aking noo.

"It will be fixed Sir, sorry for the inconvenience."
Pag hingi ko ng tawad.

"Dapat lang."
Sagot nito sa' kin. Tumaas yata ang dugo ko nung may narinig akong humalakhak na babae mula sa background ng tawag.

"Kung hindi naman kabawasan, kung pwe-pwede lang ay pag tiyagaan niyo na ang tubig. Mukhang maliligo lang naman kayo ng sabay edi kayo na ang mag painit."
Sabi ko saka umirap kahit alam kong hindi niya nakikita.

"Excuse me?"
Hindi makapaniwalang sabi niya.

"What I'm trying to say Sir Boni you shouldn't worry that much. Atleast you have enough water to take a bath."

"No, pine personal mo ba ako?"
Tanong niya.

Aba! Matapang lang naman siya pag nasa telepono. Ewan ko lang kung masabi niya yan sakin ng harapan. Kumakapal na yata ang mukha niya ah.

Ng tumungtong ang tanghalian ay muli na naman siyang tumawag. Ang dami niyang problema sa buhay!

"Yes Sir?"

"Can you please send someone to have a service in my room?"
He asked.

"Okay Sir."
Sagot ko at agad na binaba ang tawag. Ayoko ng pahabain ang usapan namin na iinis lang ako.

"Amanda na ayos na ba yung shower sa room 503?"
Tanong ko kay Amanda.

"Hindi ko alam girl, ayan oh tanong mo kay Josh."
Sabi niya saka inginuso sa akin ang bell boy na pa daan.

"Josh!"
Pag tawag ko rito.

"Yes Ms. Tiffany?"
Naka ngiti nitong sabi.

"Yung shower ba sa room 503 na ayos na? Tumawag ulit kasi kanina, diba ibinilin ko na yon kahapon?"
Sabi ko sa kanya.

"Po? Pag punta namin don wala naman pong sira. Sure po ba kayong sa 503 yon? Nag punta po kami doon kahapon maayos talaga. Tapos pinapunta po kami ni Ms. Amanda kanina wala talagang sira."
Pa iling-iling na sabi nito.

"Ganon ba? Sige salamat Josh."
Sagot ko saka ngumiti.

Naging pala isipan sa akin yun. Bakit naman siya mag rereklamo dito kung hindi sira diba? Saka finollow up niya pa sa akin.

Hanggang sa nag pasya na akong tawagan siya. Pero tingnan mo nga naman, siya pa talaga ang tumawag.

"Ano na namang complain o utos ang meron ka Sir Boni?"
Tanong ko na punong-puno ng sarcasm.

"A-ano?"
Na uutal niyang tanong, now his back with his usual self? Ang gulo niya seryoso.

"Wala."
Sagot ko.

"So like what I was saying..." Naputol ang sinasabi niya. "Marga don't touch that!" Pigil nito saka sinundan ng munting ungol.

Touch what?

"What the fvck Boni?"
Hindi ko mapigilang usal kaya binalingan ako ng tingin ni Amanda.

"I'm sorry Tiffany. Can you please arrange me a..."
He said hanging his sentence and escape another obscene moan.

"I can't take this anymore. Ikaw na ang kumausap dito."
Kahit nag tatakha ay tinanggap ni Amanda ang telepono.

LureOnde histórias criam vida. Descubra agora