Dalawampu

177 5 0
                                    

Its almost a month since I last saw Boni. Tapos nung nag kita na kami yun na yon? Not that I'm expecting him to treat me the same way like before. Its just that...

What do I expect anyway?

Okay I get it, I better stay away from him too. We need to give each other space. It's for our good.

"So babalik ka na bang Manila?"
Tanong ni Kuya saka sumubo ng pagkain.

"Pinapalayas mo na ba ako?"
I asked.

"No, its just that this is the last day of the school year. Hindi mo na kailangan bantayan si Ate Eva mo."
Paliwanag nito.

"Siguro papa lipas muna akong isang linggo tapos balik Manila na ako. Sisimulan ko ng mag hanap ulit ng trabaho."
I answered.

"Mabuti siguro kung mag lalabas ka sa bahay. Masyado ka ng nakulong dito, lumanghap ka naman ng sariwang hangin."
He suggested, I just nodded.

"Siya nga pala bukas tanggalin mo yung mga halaman diyan sa silong."
Sabi ni Kuya sa akin.

"Bakit?"
Takhang tanong ko.

"Para maarawan. Saka nakiusap sa akin si Boni na kung pwedeng makilagay sila diyan ng bigas. Para mas malapit lang ang mapag imbakan nila. Nag ani na kasi sila. Pumayag naman ako tutal di naman natin ginagamit."
He casually said.

Ipinag kibit balikat ko na lang ito.

Kinabukasan maaga akong nagising para sundin ang utos ni Kuya. Kesa naman tumunganga lang ako mag hapon, mabuti na yung may ipinag kaka abalahan.

Buti na lang medyo magaan lang ang mga halaman. Ang mabigat lang ay yung mga paso nila.

"Mayap a abak!"
Group of farmers said in chorus, I just nodded at them and sit in the near chair.

Hinayaan ko muna silang ilagay ang mga bitbit nilang sako ng bigas sa walang halamang parte ng silong.

Nung maka alis na sila ay ipinag patuloy ko na ang naudlot kong ginagawa kanina.

Pa isa-isa o dalawa na lang ang mga mag sasakang nag lalagay ng sako. Hanggang sa makita ko si Boni na may buhat na isang sakong bigas.

Hindi ko maiwasang mapa titig sa kanya. Hindi ko naman kasi siya nakita sa mga bumati sa akin kanina. Basa pa ang kanyang buhok, halatang kaliligo lang. Napa yuko ako nung lumingon siya sa akin. Pinag patuloy ko ang pag wawalis, sa natanggalan ko na ng halaman.

"Mayap a abak."
Mahina nitong sabi, bago pa ako maka sagot ay tumalikod na siya paalis.

"Darn what was that?"
Bulong ko sa sarili ko.

Apat na mag sasaka ang lumipas bago muling bumalik si Boni. Hindi ko siya sinulyapan nung nilagay niya yung sako. Saka lang ako bumaling ng tingin sa kanya nung naka talikod na siya. Basang-basa na yung likod niya, nag mamarka na sa damit niya.

Nung sumunod na balik niya ay hindi ko na siya mapigilang lingunin. Wala na siyang damit pang itaas. Kagat niya pa ng ibabang labi niya habang hawak ang isang sakong bigas sa balikat niya.

Napa sulyap siya sa akin dahil siguro naramdaman niya ang paninitig ko. Hindi ko alam pero biglang dumulas sa kamay ko ang magaspang na paso.

"Darn, anong kagagahan yan Tiffany?"
Bulong ko sa sarili ko at sinimulang pulutin ang nabasag na bahagi ng paso.

"Mag iingat ka kasi."
Seryosong sabi niya, hindi ko siya nilingon sa halip ay pinag patuloy ang pag pupulot ng bubog.

Inis na napa iling ako at nag pakawala ng buntong hininga. Nung madaplisan ko ang sarili kong daliri. Pina nood ko pa kung paano umagos ang dugo mula sa kamay ko.

LureWhere stories live. Discover now