Pangsampo

209 6 0
                                    

"Dahan-dahan naman!"
I shout at the top of my lungs. Aatakihin yata ako sa pinag gagawa ng lalaking ito.

"Chill."
Naka ngising sabi ni Kleo.

How can I calm down? Konting uga na lang sa puno ng mangga tutumba na ito.

Knowing Boni and how much weight he has, hindi ako mapakali.

"Sige Kuya kunin mo yan!"
Karylle shout while pointing her fingers in pile of mangoes.

"Konting ingat."
Hindi ko mapigilang usal.

"Your over reacting there."
Kleo pointed out, inirapan ko na lamang siya. Kahit alam kong hindi ko siya mapapa tahimik sa ginawa kong iyon.

Dahil lang sa pesteng mangga na yan aatakihin ako sa puso. Binalingan ko ng tingin si Karylle na naka tingala. Para lang talaga masunod ang kapritsyo niya? Gusto kong isatinig ito pero wala ako sa lugar. Wala akong karapatan para pakelaman siya.

Ni hindi ko nga alam kung anong pinuputok ng butsi ko at nag kakaganito ako. Damn.

Unti-unting nalaglag ang iilang mangga ng inuga ni Boni ang isang sanga. Napa pikit ako ng mariin dahil sa kilos niyang iyon.

"Andaming antik Kuya, ingat ka baka matamaan mo!"
Puna ni Karylle sabay turo sa kumpol ng dahon na may malalaking pulang antik.

Bumuga ako ng isang malalim na hininga. Okay, I shouldn't react this fvcking way.

"Kleo hugasan mo iyan!"
Utos ni Boni na nasa taas parin. Wala pang ilang segundo ay nag pupulot na si Kleo ng mangga at nilalagay sa timba.

"Ayos na siguro to Kuya."

-
"Don't you like it?"
Seryosong tanong ni Kleo pero may naka tagong ngisi sa labi.

"I just don't like the way he get it."
Mariin kong sabi, bago kumuha ng isang mangga sa timba.

Nilapitan ko si Boni na abalang nag babalat ng mangga sa kubo kasama si Karylle. Iniwan ko roon si Kleo na nag pupulot pa.

"Hindi talaga papasakop yang si Riell. Gusto niyang siya ang nag de-desisyon."
Rinig kong sabi ni Boni kay Karylle.

"Ewan ko ba dun kay Kuya, hindi tumalad sayo! Ilang beses ng sinabihan ni tatang."
Nag susumamong sabi ni Karylle.

"Ate oh?"
Sabi ni Karylle sabay lahad sa akin ng unang manggang binalatan ni Boni.

Nag dadalawang isip ako kung aabutin ko ba o hindi. Hindi ko maiwasang tingnan si Boni na naka tingin na rin sa akin. Wari mo'y naninimbang.

"Uh, no thanks."
Sagot ko dahilan kung bakit naiwan sa ere ang kamay ni Karylle na may hawak na mangga.

Pinasadahan ko ng tingin si Boni na naninitig parin. Nag buhol ang kaniyang kilay, kasabay ng pag-awang ng kaniyang bibig.

"I thought you want it?"
Muntik ng malaglag ang panga ko sa biglaan niyang tanong.

Muntik ko ng makalimutan na ako nga pala ang nag push sa kanya na kumuha nito. Aside from that kay Karylle ko pa na ibunton ang sisi sa aking isip.

"A-ayos na ako sa walang balat."
Maagap kong sagot, darn bakit ako na utal?

Agad kong inangat ang manggang nasa kaliwang kamay ko. Bahagya niyang tinagilid ang kanyang ulo, parang may sasabihin pa pero hindi na tuloy.

"Boni!"
Agad na nangibabawbaw ang isang tinig na pinaka iinisan ko.

Hindi ba pwedeng lumipas ang araw na hindi ko siya nakikita? Laging panira e. Wala ba siyang sariling buhay? Wala ba siyang trabaho? Palamunin, psh.

LureHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin