Chapter 1

15.9K 409 11
                                    

PARANG tinusok ng aspile ang dibdib ni Fate nang marinig ang sinabi ng kanyang mommy. Her mother just announced Jared Burt's plan to quit modeling. Her whole world was suddenly falling apart. Lalo na nang idagdag ng mommy niya na plano ni Jared na bumalik na sa Pilipinas.

"Why did you tell me this only now, Mom?" tanong niya. Nitong nakaraang ilang taon ay umikot ang kanyang mundo sa binata. Hindi man alam ni Jared, siya ang number one fan nito. Pinapantasya niya ito gabi-gabi. She was so in love with Jared Burt.

Ngumiti ang kanyang ina at lumapit sa kanya. "Sweetie, it's not the end of the world. I know you feel something for him. I've seen you through the years. But believe me, you'll get over him. Three months tops."

Lumaylay ang mga balikat ni Fate. Alam niya na hindi lubos na naiintindihan ng sariling ina—ang PR person ni Jared Burt—kung ano ang nararamdaman niya para sa binata. "Y-yeah," sang-ayon na lang niya, bahagyang pumiyok.

Naiiyak na siya. Gusto niyang tumakbo sa kuwarto at mag-iiyak. She was so brokenhearted. She loved Jared! At gagawin niya ang lahat para manatili ito sa Manhattan. Pero ano ang magagawa ng isang tulad niya? Ni hindi nga yata alam ni Jared na may isang Fate na humihinga sa mundo.

Jared Burt was one of her mother's most important clients. Nagtatrabaho sa isang malaking PR company ang kanyang ina. Jared Burt was one of the big names her mother was handling alongside Hollywood's finest.

Isang Pilipina ang ina ni Fate pero sa New York na nagkaisip. Produkto siya ng love affair nito sa isang Pilipino rin na Navy Seal. Fate was one hundred percent Filipino. Namatay ang kanyang ama sa isang misyon noong dalawang taong gulang pa lang siya. Mula noon, sila na lang ng kanyang ina ang magkasama. Sa New York siya ipinanganak, at doon nakilala ang lalaking pinapangarap na sa loob ng halos limang taon ay laman ng kanyang puso.

Itinaas ng mommy niya ang kanyang baba. "Look, there are more gorgeous men to come."

"And you think I like Jared just because he's good-looking?"

"Yes."

"How could you?"

"You haven't even talked to the guy."

"That's not true."

But Fate was lying. Kahit kailan ay hindi pa niya nakakausap si Jared sa paraang tinutukoy ng kanyang ina. She was twenty-five years old and had been her mother's assistant for three years now. At sa loob ng panahong iyon, iilan pa lang ang palitan nila ng salita ni Jared. She was always watching him from afar, though. Wala siyang pinalampas na fashion show nito maski isa.

Time and again, she would be backstage, staring at him, sometimes even assisting the PAs. Sa loob ng ilang taon ay may anim na pagkakataon lang silang nag-usap. At tandang-tanda niya ang bawat pagkakataong iyon.

Ang una ay noong ipakilala siya ng kanyang ina kay Jared. Since si Jared technically ang employer ng kanyang ina, kaswal na palitan lang ng "hello" ang naging interaction nila. Sa dalawang sumunod na pagkakataon, ni hindi naalala ni Jared ang kanyang pangalan. Sa ikaapat, napagkamalan siya nitong PA. Sa ikalima, nang hindi pa rin siya maalala ni Jared ay siniguro niyang ipakilala uli ang sarili. He said "hello," and didn't pay her a second glance. Ang huling pagkakataon ay tinanguan lang siya nito. But she understood. Sa dami ng mga taong nakikilala ni Jared sa araw-araw, malamang na hindi nga siya maalala nito. Hers was an ordinary face. Kahit pa nga ang figure niya ay extraordinary, lalo na ngayon.

Fate weighed a hundred and seventy-five pounds. Five-five naman ang taas niya. She was obese. Sa bawat pagkakataon kasing hindi siya napapansin ni Jared, pagkain ang pinagbabalingan niya. In two years, she gained a total of thirty pounds. Sadya kasing mataba na siya noon at lumala pa dahil sa nararamdaman niya para sa binata. At ngayong nalaman nga na aalis na si Jared ng New York, pakiramdam niya ay lalo siyang tataba. Where else would she find comfort but in those junk foods?

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Where stories live. Discover now