Chapter 13

10.7K 288 2
                                    

NAHINTO si Fate sa paglalakad nang makitang makakasalubong niya si Burt. Kasama nito ang aerobics instructress na si Rosanne. Nitong mga nakaraang huling araw ay hindi sila gaanong nakakapag-usap ni Burt. Mukhang masyado itong abala. And it was no wonder, too. Nandoon na si Rosanne, the slutty bitch. Hindi pa niya ito nakita nang hindi nababalutan ng Lycra, as if she wanted to show the world how perfect her curves were.

Nabawasan tuloy ang paghangang nararamdaman niya kay Burt nang magkausap sila ni Antonio. Hayun na naman kasi si Burt, proving what a slimy bastard he was. Pagkatapos siyang halik-halikan ay tumigil bigla nang makilala ang buwisit na si Rosanne!

Tatalikod sana si Fate pero naisip niyang mahahalata naman ni Burt ang pag-iwas niya. Besides, hindi siya nai-insecure sa katawan ng babae. She had a nice figure, too. At produkto iyon ng mga ehersisyong sa tingin niya ay hindi pa nagagawa ni Rosanne sa tanang buhay nito. Roseanne was probably born slim. While she had to lose pound after pound of fat.

"Fate," bati ni Burt. "I believe you've met Rosanne."

"Yes. Antonio introduced her to me. Hi," plastic na baling niya sa babae. Wala man itong ginagawang masama sa kanya pero naiirita siya rito.

"Hello." bineso pa siya ng babae. Gusto niya itong sipain.

"Can I talk to you, Fate?"

"S-sure."

"I'll see you around, Rosanne."

"Not if I see you first!"

Not if I see you first. sa loob-loob ni Fate ay nag-mimic at nag-make a face siya, ginagaya ang babae. Nang tumalikod si Rosanne ay inakbayan siya ni Burt.

"Get your filthy hands off of me!" sikmat niya, pilit inilayo ang braso nito. How dare him!

"Whoa! Honey, I've missed you."

"Shut your trap!" Pinandilatan niya ito.

Kumunot ang noo ni Burt at humalukipkip. He was just looking at her with that perfect pose as if he was ready for the camera. And she hated him! Ngayon ay siya na naman ang pinagtitripan nito. Bukas ay si Rosanne na naman. Kapag may dumating na bagong magandang babae ay iyon naman. Buwisit!

"Alam ko na. Nagseselos ka, 'no?" tukso nito mayamaya.

"At bakit? Kaano-ano ba kita? And I will never like you, FYI."

"Yeah, right."

"Yeah, right your face!"

Tinalikuran na niya si Burt. Wala naman yata itong sasabihin sa kanya. Ang buong akala niya, tungkol sa trabaho ang sasabihin nito, iyon pala ay lalandiin lang siya! Pagkatapos nitong makasama si Rosanne na hindi naman nito dapat kasama. Nasa opisina dapat si Burt at ang babae naman ay dapat na nasa gym!

Dere-deretso si Fate sa main kitchen ng hotel. Kailangan niyang inspeksiyunin ang ginagawa sa banquet. Nagngingitngit ang kanyang loob. Ang akala niya ay hindi na siya sinundan pa ni Burt kaya napapitlag siya nang hawakan nito ang kanyang braso.

"Kitten, what are you so angry about?"

Fate didn't want to argue anymore. Ayaw rin naman niyang sabihin ang mga rason niya. Nagkibit-balikat na lang siya. "Nothing, I'm just tired. Now, if you have nothing else to say."

"Busy week, huh? Why don't you take the rest of the day off?"

"And what? Give you the satisfaction of not getting my report on time?"

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Where stories live. Discover now