Chapter 11

10.8K 301 1
                                    

OFF NI Fate. Nasa bahay lang siya at nagbabasa ng libro. It was a lovely day but she decided to spend it indoors. Ayaw niyang makita si Burt na malamang makita pa niya kung lalabas siya.

Mula noong halikan siya ng lalaki ay palagi na siyang tinutukso nito. Panay ang tanggi niya kaya dalawang ulit pang pinatunayan uli ni Burt na tama ito. Ang buwisit na mga labi niya, tugon naman nang tugon. Parang naglalaho ang utak niya tuwing hahalikan siya ni Burt.

Alas-dos na ng hapon. Masyadong peaceful sa Territorio at kahit hindi niya linya ang trabaho, natuklasan niyang masaya siya sa ginagawa. Nakilala na rin niya ang lahat ng may-ari ng Territorio at mababait ang mga ito. And all of them were handsome. Ang karamihan din sa mga ito ay sa Maynila naglalagi.

At hindi makapaniwala si Fate sa mga lalaki. Most of them were only in their thirties. Iisa lang ang nasa late twenties, ang bunsong kapatid ni Antonio, si Julian. Si Antonio ang pinakakasundo niya. Ito kasi ang pinakanakakausap niya, bukod kay Burt. Palabiro din ito. And she had a suspicion that he told his friends what she did to Burt. Kakaiba kasi ang tingin ng lahat sa kanya. Si Cholo nga ay nagbiro pa na ipupuslit kay Burt ang picture nitong naka-thong at gagawing palamuti sa bawat kuwarto ng hotel.

Doon man nagtatrabaho si Fate, wala siyang gaanong alam tungkol sa mga may-ari ng lugar. Ang alam lang niya ay magkakaibigan ang mga ito. Hindi nga niya alam kung paano napasali si Burt sa grupo na sa pagkakaalam niya, teenager pa lang ay nasa Amerika na.

Mayamaya ay nakarinig siya ng pagkatok sa pinto. Nang buksan niya iyon ay isang matandang babae ang tumambad sa kanya. May dala itong basket na naglalaman ng mga prutas.

"Magandang hapon sa iyo, ineng."

"Magandang hapon naman po, Lola."

"Para sa iyo ito." Iniabot ng matanda ang basket. "Ako nga pala si Lola Pasyang. Apo ko si Burt."

"Oh! Maraming salamat po dito. Tuloy po kayo." Ngayon lang nakita ni Fate ang matanda pero alam niyang kasama ito ni Burt sa bahay. Nabanggit na iyon sa kanya ni Antonio.

Hindi inaasahan ni Fate na matandang-matanda na pala ito. Lola Pasyang looked about seventy-five to eighty years old. Maliit na babae lang ito, parang kasabay ng panahon ang mga pileges sa mukha. Pero mukha namang malakas pa rin. May hawak itong tungkod na hindi naman masyadong ginagamit. Itinayo nito iyon sa isang tabi nang makapasok na sa maliit na bahay niya.

"Ako nga po pala si Fate."

Ngumiti ito. "Alam ko ang pangalan mo, apo."

Pinaupo niya ito. "Gusto po ba ninyo ng tsa? Kape?"

"Huwag na, apo. Ako naman ay nadalaw lang sa iyo. Nabanggit sa akin ni Antonio na ikaw ang bagong nagtatrabaho dito. Nagkita kayo ni Burt noong..." Sinabi nito ang date.

Ilang sandali pa niyang inisip kung noon nga sila nagkita uli ni Burt. "Oho. Iyon nga ho yata ang date."

Ngumiti ito at tumango. "Ikaw ba'y naistorbo ko, ineng?"

"Hindi naman po. Wala naman po akong ginagawa."

"Napakaganda sa labas. Maganda ang panahon. Si Burt nga'y isinama nina Wulfredo, Cholo, at Urbino. Maglalaro daw ng kung ano. Alam mo, ang apat na iyon ang orihinal na magkakabarkada noon pa mang elementarya at high school."

Noon nasagot ang tanong ni Fate kung paano nasali sa barkada si Burt.

Mukhang mabait naman si Lola Pasyang. Mukhang napaka-gentle na babae nito, kabaligtaran ni Burt.

"Bakit ika'y naririto lamang, apo?"

Nagkibit-balikat siya. "Nagpapahinga lang po, Lola."

"Maaari ba kitang mayaya sa bahay?"

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin