Chapter 5

11.1K 290 0
                                    

FATE was spinning round and round into the universe. It was her second kiss and it took her by surprise. At hayun nga, paikot-ikot siya sa kalawakan. Hindi siya nahihilo pero umiikot siya. Siya ba o ang paligid?

And just when she was enjoying the kiss, Jared pulled back. "I'm sorry, I can't do this. I promised Antonio I won't ever do this."

Nakaawang lang ang mga labi niya, hindi malaman ang sasabihin. Bahagya pa siyang high sa halik nito. Nang ma-realize ang sinabi nito ay mabilis na gumana ang isip niya.

"Anong this?" Ipinaikot ni Fate ang mga braso sa leeg ni Jared. "Ito ba ang sinasabi mo?" Idinikit niya ang mga labi sa mga labi nito. She stuck out her tongue and ever so gently teased his lips.

"Oh, Jeez!" sabi nito, parang kinakapos sa paghinga. Lihim naman siyang napangiti. Lalo pa niyang idinikit ang katawan dito. She breathed on his neck. "Stop," halos bulong nito.

Marahan naman siyang kumalas kay Jared. Yumuko siya para hindi nito makita ang maluwang na ngiti sa kanyang mga labi.

"Huwag mo nang uulitin 'yon. Pakiusap lang."

"Bakit naman?" painosenteng tanong niya, saka ito nginisihan.

"M-magkaiba tayo. Mapapagalitan ako ni Antonio kapag nalaman niya ang ginawa ko. So, please, please..." Ipinagdikit pa nito ang mga kamay. "Huwag mo namang sasabihin kay Antonio, please? At 'wag mo sanang mabanggit kahit kanino."

"Siyempre, hindi ko sasabihin kahit kanino." Tiningnan niya ang relo. "Mag-aala-una na pala. Bakit hindi ka sumama sa akin?"

"Saan?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Jared.

"Sa quarter ko."

Lalong nanlaki ang mga mata nito, sabay tayo. Panay ang pag-iling. "H-hindi puwede, eh."

Tumayo rin siya. "Bakit naman hindi?"

"Akala ko, nalinaw ko na ang mga dahilan?"

"Hindi ko naintindihan masyado."

Inalis ni Fate ang suot na balabal. She was wearing a white shirt underneath and she didn't wear a bra. Makapal man ang T-shirt, malamig naman ang simoy ng hangin. Something was bound to show, even a bit. She didn't see anything wrong with that. They almost did it one time. Sure, that was debatable, but she needed for him to see the goodies to keep him salivating over her. Parte iyon ng plano.

"Do you know that you look so damned sexy even in that T-shirt?"

I know. Thanks to you, you narrow-minded schmuck. "Thank you. Ikaw rin." Nilapitan niya si Jared pero atras naman ito nang atras. Base sa ekspresyon sa mukha nito, parang hindi na nito alam ang gagawin.

"Stop!"

"Ayoko."

"Stop! Right now, Faye!"

"Ayoko."

"All right, all right." Natutop nito ang noo. "I've got to think for a second here. For God's sake. Why is this happening to me?"

Hindi na napigilan ni Fate ang halakhak. Jared was like a vulnerable adolescent at the prime of his puberty. Napatingin ito sa kanya, nakakunot ang noo.

She grinned. "Bakit ba kailangan mo pang mag-isip? Sumama ka na sa akin."

"You're right! You're absolutely right. I mean, pareho naman tayong nasa tamang edad, pareho naman nating gusto ito, at pareho naman nating hindi sasabihin kahit kanino, 'di ba?"

"Tama."

"Then I'm all yours, baby."


MULA sa personal refrigerator ay naglabas ng isang canned fruit juice si Fate at iniabot kay Jared. May personal refrigerator sa bawat quarter ng empleyado.

Tinanggap naman nito iyon at naupo sa gilid ng kama.

"Komportable ka ba?" nakangiting tanong niya.

"Oo naman. Ikaw?"

Tumango si Fate, lumapit sa switch at pinatay ang ilaw. Ang lampshade lang ang nakasindi. She stood a few meters away from him. Unti-unti niyang hinubad ang sweatpants. Her lacy underwear showed. She now felt comfortable showing off her curves. As a matter of fact, ang huling naging workout niya ay swimming.

"Come here," sabi ni Jared, parang kumikiskis ang mga salita sa lalamunan.

"Sshh..." Umiimbay pa ang balakang niya habang lumalapit dito. Bahagyang madilim sa kuwarto pero sapat na ang liwanag para makita siya nito at matukso sa kabuuan niya.

"Oh, you're so beautiful..."

"Thank you."

"Come here," ulit ni Jared.

Nang nasa tapat na si Fate, inabot nito ang kanyang kamay at hinigit siya palapit. Napakandong siya kay Jared. She placed her hands on his shoulders and then kissed his forehead.

Hinalikan ni Jared ang kanyang leeg. Nag-init agad ang pakiramdam niya. She used to have fantasies about him kissing her passionately. Although this was a lot more intense. Tumayo agad siya at lumayo.

"Anything wrong?" nagtatakang tanong nito.

"Naku, ang sama naman ng timing mo." Napapitik pa si Fate sa ere, saka tumakbo sa banyo. Ini-lock niya iyon. Umupo siya sa toilet, ngiting-ngiti.

Mayamaya ay kinatok na siya ni Jared. "Okay ka lang ba diyan, Faye?"

"Yes. Lalabas na ako."

Nang lumabas ay nakaroba na siya, nakasimangot. "Sayang."

"Bakit? Ano'ng nangyari?" tulirong tanong nito.

"Bigla akong nagkaro'n, eh." Lalo pang pinalungkot ni Fate ang mukha. Kailangang maantala ang gabing iyon para lalong ma-excite si Jared at para gawin nito ang lahat ng naiisip niyang ipagawa rito.

"Oh, man." Pumalatak pa ito, hinayang na hinayang. She would sure remember that look on his face when she left him humiliated.

"Sa susunod na lang, ha?"

"Ano pa nga ba?" Hindi pa rin nawawala ang panghihinayang sa guwapong mukha ni Jared. "Okay lang."

"Sure ka?"

"Oo naman."

"'Di bale, babawi ako sa 'yo. At kapag ako ang bumawi, mag-e-enjoy ka talaga."

Ngumiti na ito, parang batang nabigyan ng candy. "Talaga?"

"Sulit ang ipaghihintay mo."

"Sige. Aalis na rin ako. Baka may makatunog pang nandito ako."

Inihatid niya si Jared hanggang sa pinto. Bago ito tuluyang lumabas ay inangkin nito ang mga labi niya. Fate was breathless after the kiss. Hindi na niya namalayang nakasalikop na sa leeg ni Jared ang kanyang mga kamay. And then there was a familiar pain in her chest. She didn't know what was that for.

"Good night, baby doll," Jared said with a grin on his face. Most guys wouldn't be able to get away with such corny endearment. He just did.

"G-good night."

Shewasn't able to sleep a wink.

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Where stories live. Discover now