Chapter 3

12.4K 346 6
                                    

KAILANGAN ni Burt na i-maintain ang pangangatawan. Ayaw na niyang bumalik sa pagiging Burt noon na sandamakmak ang bilbil sa katawan. Isa pa, ayaw naman niyang mabalitang mula nang mag-quit siya sa pagmomodelo ay nag-deteriorate na ang kanyang pangangatawan. At lalong hindi puwedeng mangyari iyon dahil lahat ng mga kaibigan niya ay pinagkakaguluhan ng mga chicks.

Magdadalawang taon na siya sa Pakyit-pakyitan. Higit pa sa inaasahan niya ang buhay doon. Unang pagkakataon niyang nakarating sa Territorio de los Hombres noong umuwi siya dalawang taon na ang nakararaan. Mahigit tatlong taon nang naitatayo noon ang Territorio pero dahil sobrang abala sa New York ay hindi siya agad nakauwi.

At nasorpresa nang husto si Burt sa nakita. Halos hindi na niya nakilala ang lugar, maliban na lang sa lumang bahay na nagawang i-preserve ng mga kaibigan niya. Ang lumang bahay kung saan nila nakita ang "ginto ng Hapon" at nagbigay ng mas malalim na pagkakaibigan hindi lang sa kanilang apat nina Urbino, Wulfredo, at Cholo, kundi maging sa grupo ni Jose Maria.

Ang bahay na iyon ang ugat ng Territorio de los Hombres.

Ang naaalala niyang gubat noong bata pa ay hindi pa rin patag, malawak pa rin, at puno ng nagtataasang puno. Ang ipinagkaiba lang ngayon, nandoon na ang naglalakihang bahay ng lahat ng may-ari ng Territorio, isang golf course, log cabins, hotel, tennis court, basketball court, badminton court, baseball field, swimming pools, lahat ng amenities ng isang leisure park, at ang lake na nasakop ng lupa ay in-improve. And Burt was part-owner of it.

Nagulat na lang siya isang araw sa New York nang makita si Wulfredo. They met and discussed the venture. That was years ago. Naubos ang laman ng bank account niya. But he never worried. The leadership he saw in Wulfredo as a child had become more apparent. He was a successful corporate lawyer and businessman at that time. Wala ni isang taga-Pakyit-pakyitan noon ang mag-aakalang magiging ganoon ang batang nagnakaw ng pera ng simbahan. Hanggang ngayon, hindi niya alam ang side ni Wulfredo pero para sa kanya, hindi na iyon mahalaga pa.

Sa kanilang magbabarkada, si Wulfredo ang sa tingin ni Burt na kailangan nang mag-asawa. Masyado kasi itong lulong sa trabaho. Bihira nga niya itong makita sa Territorio kahit ang tatay at mga kapatid nito ay doon na nakatira at hindi na sa city jail.

Ang malaking bahagi ng Pakyit-pakyitan ay nasakop na ng Territorio. Ilang hektarya ang lupaing kinailangan sa pagbuo ng kanilang mga batang pangarap at pangako noon. Pero sulit naman. Exclusive para sa mga miyembro ang lugar pero tumatanggap din sila ng reservations sa hotel.

Ipinagpatuloy ni Burt ang pagda-dumbbell. May malaking gym din sa Territorio. Nilapitan siya ng kapatid ni Wulfredo na nagtatrabaho roon bilang gym instructor. Hindi tulad noong kabataan nito, mukhang nag-mellow na ang lalaki. Hindi na ito mukhang sanggano.

"Kuya," sabi niyang bahagyang tumango.

"Nakikita mo ba ang kapatid ko?"

"Noong isang araw, sumaglit dito para sa meeting." Sa Maynila madalas na nananatili si Wulfredo, kahit ito ang presidente ng Territorio. Workaholic ito. Kahit na puwede naman nang mag-resign sa kompanyang pinagtatrabahuhan ay ayaw ni Wulfredo, lalo na at naging partner na ito roon.

"Puwede bang pagsabihan mo 'yang kapatid ko? Alam mo kasi, hindi nakikinig sa 'min 'yon ni Tatay, eh. Baka sakaling makinig sa 'yo."

"May problema ba, Kuya?"

"Wala ba sa tingin mo? Pumayat siya nitong nakaraan sa sobrang trabaho. Nagkasakit nga raw 'yan, sabi n'ong katulong niya. Alam kong mataas ang pangarap niya noon pang bata siya, pero noong nakuha, ayaw nang tumigil. Nag-aalala kami ni Tatay. Sa 'min, wala namang problema. Malaki nga ang pasasalamat namin diyan, eh. Kung wala ba siya, sa tingin mo, wala kami sa Bilibid ng mga tatay?"

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Where stories live. Discover now