Chapter 9

10.4K 305 0
                                    

NAKANGANGA si Burt habang nakasilip pa rin sa pinto. Mas nakakabigla ang sinabi ng babae kaysa sa katotohanang nagtatayuan na ang mga balahibo niya sa binti sa sobrang lamig sa banyo.

So that was why Faye seemed familiar. That was why she tasted familiar. He had kissed her before. Ganoon ba katindi ang ginawa niya para gumanti na lang ito nang ganoon sa kanya? But he apologized to her mom. Ngayon ay nagpunta pa ito sa Pilipinas para gantihan siya. And God, she had lost so much weight.

Bakit hindi man lang hinintay ni Faye na marinig ang panig niya? Paanong naging katatawanan ito sa New York? Hindi na niya alam ang mga nangyari dahil umuwi na siya kinabukasan sa Pilipinas. He completely forgot his old life there.

Burt never really had real friends in the modeling world. Iilan lang ang naging kaibigan niya roon, hindi pa modelo lahat. He hated most models. It was either they were too vain or too out of control, or both. At ni isa sa mga kaibigan niya mula roon ay wala namang sinabi tungkol sa insidente pagkatapos ng gabing iyon.

Dahil siguro sinabi niya sa mga ito na iibahin na niya ang takbo ng buhay, that he had enough of the glamour, the gossips, the life.

Tulirong pumasok na uli si Burt sa restroom. Naghanap siya ng puwedeng ipantakip sa sarili. Ang tagal-tagal niya sa loob ng restroom. Nakita naman niya ang malapad na hand tissue paper. Ipinaikot niya iyon nang ipinaikot sa baywang. Mabuti na lang at wala pa ring pumapasok, kung hindi ay baka matakot sa hitsura niya. He looked like a pervert.

Nang sa tingin niya sapat na ang takip na nailagay sa katawan ay lumabas na siya. Noon may isang grupo ng matatandang babae na palapit sa kanya. Napanganga ang mga ito nang makita siya.

"Good evening, good evening," bati ni Burt, saka ipinagpatuloy ang taas-noong paglalakad. Dinampot niya ang folder na iniwan ni Faye kanina. Mamaya na niya babasahin iyon. Itinakip niya iyon sa kanyang harapan.

Mayamaya pa ay nakasalubong na niya sa lobby si Antonio. Namumula ang mukha nito, parang kagagaling lang sa matinding pagtawa. Inabutan siya nito ng roba. Nakita siguro siya nito sa security camera. He didn't even know Antonio was there. Ang akala niya, bukas pa ito pupunta roon.

"What happened—"

"Don't ask!" angil niya.

"Faye, or Fate, is still in my office."

"I'm gonna strangle that witch!" Nagmartsa si Burt papunta sa opisina ng kaibigan. Naabutan nga niya roon ang babae, nakahalukipkip, nakataas ang noo. Nang makita siya ay pinagtaasan lang siya nito ng kilay. "Don't you do that eyebrow thing at me."

"Why not? I hate perverts, you know."

Natawa nang malakas si Antonio. Isang matalim na sulyap ang natanggap nito mula sa kanya. Si Faye naman ay nakataas pa rin ang isang kilay habang tatawa-tawa. Inis na inabot niya ang bag nito na nakapatong sa isang silya. Nagpunta siya sa restroom ni Antonio at doon nagpalit ng damit. He collected himself before going back out.

Nang makabalik sa opisina, kumunot uli ang noo ni Burt. Nandoon na ang maletang nahuhulaan niyang pag-aari ni Faye. Mukhang masayang nag-uusap ito at ang kaibigan niya. She really would pay for making him wear the hideous thong.

Malaki ang pagkakaiba ng ginawa nila sa isa't isa. Hindi naman niya sinadya ang nagawa kay Faye. He even apologized to her mother. Imposible namang hindi nito alam iyon. Pero hindi pa pala sapat iyon para dito. Intentional ang ginawa nito.

Tumikhim si Burt. Napatingin agad sa kanya ang dalawa. Ngumisi si Antonio.

"Why did you change? You look good in a red thong." Nagkatinginan ang dalawa, saka sabay na naghagalpakan ng tawa.

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Where stories live. Discover now