Chapter 16

10.2K 284 3
                                    

BANDANG alas-siyete ay nakarinig ng mahinang katok sa pinto ng cabin si Fate. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kanya si Lola Pasyang. Pinatuloy naman niya agad ang matanda dahil malamig sa labas.

"N-nadalaw po kayo, Lola?" tanong niya.

"Ako'y mangungumusta lamang naman, apo. Hindi ka nadadalaw sa amin."

"Mabuti naman po ako, Lola. Kayo po?"

"Ay, naiinip na. Ako'y naiinip na sa inyo ni Burt. Kailan ba ang kasalan?"

"Nagkakamali kayo, 'La. Wala pong kasalang magaganap. Naghapunan na po ba kayo?"

"Hindi pa nga."

"Magpapadala lang po ako ng pagkain, Lola, ha? Pasensiya na kayo't hindi ako nakapagluto."

"Iyak ka kasi nang iyak, apo. Namumugto ang mga mata mo. Ano ba ang nangyari? Inaway ka ba ng magaling kong apo? Aba'y malilintikan sa akin ang isang iyon!"

"H-hindi po, 'La."

Um-order na nga si Fate ng pagkain sa pinakamalapit na restaurant. Habang hinihintay iyon ay tinanong siya nang tinanong ng matanda. Ang sabi pa nito, nitong nakaraang ilang araw daw ay palaging ginagabi ng uwi si Burt, hindi naman nito malaman kung saan nagpupunta. Ang akala raw ni Lola Pasyang ay siya ang kasama.

Hindi na niya ginatungan ang pantasya ng matanda tungkol sa kanila ni Burt. Ayaw rin naman niyang mapahiya ito kaya hindi na lang niya kinontra ang mga sinabi nito. Nang dumating ang pagkain ay sabay na silang naghapunan. Halos hindi niya nagalaw ang pagkain.

"Naku, 'wag mong pakaisipin ang apo ko, Fate. Kumain ka nang kumain."

Ngumiti na lang siya. Nang matapos ay nagpaalam na si Lola Pasyang. Hindi naman niya matiis na mag-isa lang itong maglakad pauwi kaya sinamahan na niya. Nang makarating sa bahay ng mga ito ay naabutan niya si Burt sa labas. Pambahay na ang damit nito.

Nagpaalam na si Fate sa matanda at umalis na rin agad. Malayo-layo na rin ang nalalakad niya nang marinig ang boses ni Burt.

"Fate, wait!" Tumigil siya at nilingon ito. Humahangos ito. "Listen, I don't want you putting any ideas in my Lola's head, you understand that? There's no us and there never will be."

"Go to hell," malamyang balik niya, saka muling pumihit.

"No, I'm serious, dammit! Pinagalitan niya ako. You're obviously—"

"I'm not putting anything in her head, for crying out loud, Burt! Kung may nakakaalam dito na hindi magiging tayo kahit kailan, ako 'yon."

Natahimik ito, mayamaya ay nagsalita uli. "I want you to resign. Just resign. I'm sorry, I just think it's for the best." Nawala ang bagsik sa mukha nito. As a matter of fact, he really looked sorry.

"I did. But Antonio said I had to stay for a while."

"Of course he'd say that." Dumilim na naman ang mukha nito. "But I can take care of things. I really think it's for the best. I'm sorry."

"Don't be. I'm resigning first thing tomorrow."

"Fate?"

"Yes?" Bahagyang pumiyok ang boses niya. Yumuko siya. Ayaw niyang makita ni Burt ang mga luhang nag-uunahang tumulo sa kanyang mga pisngi.

"Oh, my God, I'm so sorry." Hinawakan nito ang mga braso niya, tinitigan siya sa mukha pero sa huli ay parang napasong binitiwan siya. Tumalikod na ito at lumayo na.

And there went the love of her life. He was only a fantasy from the very start.

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Where stories live. Discover now