Chapter 2

11.9K 369 5
                                    

HAGULHOL nang hagulhol si Fate nang mabasa ang laman ng tabloid kinabukasan. May picture siya roon. Maliit lang ang picture pero kitang-kita na hawak niya ang kanyang underwear. May caption sa ilalim: Fat fan tries to give her underwear to retiring supermodel Jared Burt.

Hindi lang sa isang tabloid lumabas ang picture niya. Hindi na nga niya mabilang kung ilang ulit nakita iyon. Sa lahat ng kuha ay nandoon ang kanyang mukha, at ang kanyang salawal. She looked pathetic. Walang masamang naisulat tungkol kay Jared, pinagtawanan lang siya sa mga article. One tabloid even labeled her a stalker.

Nang kausapin si Fate ng ina ay hiyang-hiya siya rito. Galit na galit din siya kay Jared. He didn't even exert any effort last night to lessen her humiliation. Kasalanan naman nito ang lahat. Kung sinipot siya ni Jared sa restaurant, wala na sana siyang naging problema.

Mukhang nauunawaan naman ng kanyang ina na mapapahiya siya kung magpapaliwanag pa nang maigi kaya hinayaan na lang siya nito. Ang sabi niya, misunderstanding lang ang lahat. Ang sabi nito ay idemanda raw nila ang tabloids, pero tumanggi na siya. It wasn't their fault. It was Jared's. That son of a bitch.

Gaya ng nakagawian, ang pagkain ang pinagbalingan ni Fate. At gaya ng karaniwang araw, sumama siya sa lakad ng ina. Only to be laughed at by everybody. Nang gabing iyon, habang naghahalungkat ng pagkain sa refrigerator ay natigilan siya. She didn't need those foods.

Those foods would not comfort her anymore. Only Jared humiliated like she had been would comfort her. In front of the refrigerator, she made her decision: she would make Jared pay.


"Oh, you poor fat girl. Where's your giant bikini now? At the cleaner's?"

"The next time you try to stalk someone, make sure you don't completely scare him away with your bikini."

"Eew, that's so gross! That's like Jared Burt, you stupid fat girl."

Paatras nang paatras si Fate habang palapit nang palapit sa kanya ang mga tao. Hindi niya kilala ang mga ito pero inuusig siya. Panay ang paliwanag niya sa totoong nangyari pero walang naniniwala sa kanya. Napaiyak na siya sa mga kamay pero patuloy ang pangungutya ng lahat.

Hanggang sa may humawak sa mga balikat niya. Napapihit siya. Nabungaran niya ang kanyang ina na nakangiti sa kanya.

"Sweetie, it's going to be all right."

"No, it won't, Mommy. They don't believe me. They all think I was stalking Jared. I really was not, Mommy. You believe me, right?"

"Of course, I believe you. Hush now, sweetie. Everything's cool."

"It is?"

"No, it's not, you stupid lard ass!" biglang hiyaw nito, nilipad pa ang buhok niya sa pagtama ng hininga nito sa kanyang mukha.

Napaatras uli si Fate papunta sa grupong kumukutya sa kanya. Takot na takot siya, nanliliit, at parang gusto nang mamatay. "Mommy, you're scaring me."

"That's because you're stupid! I set you up on a date with Jared but you stalked him instead and tried to give him your underwear. Have you got no sense, fat girl? Napahiya ako. Ipinahiya mo ako sa lahat ng colleagues ko. Nakakahiya ka!"

Mayamaya pa ay na-corner na siya ng ina at ng mga taong hindi niya kilala habang patuloy ang pag-aakusa sa kanya hanggang sa unti-unting nahawi ang mga ito. Dumating si Jared. Naka-suit habang nakatingin sa kanya.

"She's not my girlfriend, are you kidding me? All she needs is a blowhole and she could join Moby Dick. But don't frighten Moby Dick and give him your bikini, all right, fat girl?"

Nagtawanan ang lahat. Pinakamalakas ang tawa ng kanyang ina. Humagulhol na lang si Fate sa mga kamay, parang hihimatayin na sa sama ng loob.

NASALAT ni Fate ang kanyang pisngi, tahimik pala siyang umiiyak habang natutulog. It took a while before she finally realized it was all just a bad dream. It was her worst nightmare ever since that incident at the Waldorf Astoria happened a year and a half ago. Sariwang-sariwa pa rin iyon sa kanyang alaala.

Hindi na bumalik sa dati ang buhay niya magmula nang mangyari iyon. Noong mga unang buwan, hindi siya nagtagumpay sa planong pagda-diet. Tuwing manggagaling kasi siya sa opisina ng ina ay napapakain siya nang marami para lunurin ang depression niya sa trabaho, sa mga officemates na lantarang pinagtatawanan siya.

Alam ng mga ito na hindi iyon masasabi ni Fate sa kanyang mommy. Mula kasi nang mamatay ang kanyang ama, tuwing magkakaroon siya ng problema ay sinasarili na lang niya. Palagi niyang naiisip na mabigat na para sa mommy niya ang pag-iisa sa buhay at kailangang huwag na siyang dumagdag sa alalahanin nito.

Tuwing umaga o pagkatapos ng break ay nakakatanggap si Fate ng notes tungkol sa nangyari. Pupunta na lang siya sa restroom at iiyak sa isang cubicle. Pagbalik niya sa desk, deretso ang kamay niya sa telepono. She would usually order a box of pizza to appease herself. At pag-uwi niya, isang bucket ng fried chicken ang lalantakan niya, o minsan ice cream. Hindi siya tumitigil hangga't hindi busog na busog at halos hindi na makahinga.

And then she realized she was making Jared win again by being that vulnerable fat girl. Nagiging tama ang lahat ng akusasyon sa kanya kung ipagpapatuloy niya ang pag-descend sa lard country. She was destroying herself and her health. That was when she acquired another vice.

Her mother's phone bills skyrocketed when she started calling up those twenty-four-hour hotlines that gave advice on life. Parang Dial-a-friend iyon, kaya lang may bayad. She would usually weep until the early hours of the morning. And oddly enough, it paid off. One morning, she woke up and talked to her mother.

Sinabi ni Fate na kailangan niyang mag-resign pansamantala. That she needed to take care of her personal and weight problems that started when her father died. Mukhang natuwa naman ito at sinuportahan pa siya. Ang unang destinasyon niya noon ay isang personal fitness instructor. Pagkatapos ng meeting doon ay nagpunta siya sa grocery at bumili ng fat-free foods.

Sa sumunod na taon, wala siyang ginawa kundi mag-work out at mag-diet. Hirap na hirap siya, pero pagkalipas lang ng ilang buwan ay nasanay na siya. Hinanap na ng katawan niya ang ehersisyo at ayaw na ring tumanggap ng sikmura niya ng maraming pagkain.

Sa loob ng isang taon, mula sa pagiging one hundred ninety pounds ay na-achieve ni Fate ang weight goal. She went through a small cosmetic surgery to remove all her stretch marks.

Fortunately for her, hindi na niya kinailangan ng tummy tuck. Her doctor said she was very lucky.

At ngayon, kalahating taon na siyang sexy. Marami sa mga dating kakilala niya ang hindi na siya makilala. Her skin was glowing, her body felt great, her muscles were developed.

And it was really time for payback.

"Get ready, Jared Burt. You're going down," Fate whispered and grinned.

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Where stories live. Discover now