Chapter 10

10.3K 299 0
                                    

MABILIS na naayos ni Fate ang mga dokumentong hinihingi ni Antonio. Pina-freight service na lang niya ang mga iyon sa ina. Ipinaliwanag niyang nakahanap siya ng magandang trabaho sa Pilipinas na ang suweldo ay tulad din ng nakukuha niya sa Manhattan. Pumayag naman ang ina pero pinapangako siyang uuwi sa Pasko.

Isang linggo na siya sa trabaho pero hindi pa rin niya nakikita uli si Burt. Si Antonio mismo ang tumutulong sa kanya, ang nagte-train. Nang araw lang na iyon ito wala sa opisina niya dahil lumuwas sa Maynila.

Madali naman ang trabaho ni Fate. She dealt more with numbers than anything else. Hindi naman naging mahirap ang ibang duties niya. She knew which food was good, which would sell.

Inaayos na niya ang desk bago siya mag-lunch nang sabihin ng kanyang secretary na nandoon daw si Burt. Pinapasok naman niya ang binata. He was wearing a business suit. Alam niyang ito na ang bagong operations manager. Nabasa niya iyon sa memo kanina. The man really was gorgeous. Lihim siyang napabuntong-hininga.

"Anything I can do for you?"

"Give me your report at the end of the day," sabi nito.

"Why?"

"I'm the new operations manager."

"And you're adjusting my deadline?"

"Yes."

Fate rolled her eyes. "Sure, Mr. Operations Manager."

Naupo ito sa visitor's chair, nagde-kuwatro. "Alam mo, naisip kong puwede naman tayong maging magkaibigan. After all, mayroon naman tayong pinagsamahan, 'di ba?" He smiled.

"See, I don't want to be your friend."

"Why not? I could be a good friend."

Inirapan uli niya ito. "I'm having lunch now. The report will be on your desk by five later."

"Wanna have lunch with me?"

"No, thanks." May inilulutong kung ano siguro si Burt. Alam naman niyang inis ito sa kanya, pagkatapos ngayon bigla na lang naging friendly. Kung inaakala ni Burt na madadaan siya nito sa pa-charming effect, puwes, nagkakamali ito.

Palagi nang magiging cautious si Fate basta sa lalaking ito. Sa tingin niya, masyadong malaki ang ego ni Burt na nasaling niya at hindi ito papayag na matapos ang laban na nasa kanya ang huling halakhak. Typical male.

"Can I ask you a question? You see, I've been trying to figure out if all these time, you only faked all those moans when we were kissing. And I thought, nobody could fake that good. Am I right?"

Hindi agad nakasagot si Fate. Napaka talaga ng lalaking ito. Hindi na nga niya maisip kung anong adjective ang gagamitin. Talagang gusto pa yata nitong ipamukha na nadala rin siya sa halik nito. Pero hindi na dapat iyon malaman ni Burt. She was not a damn fool to admit that to him.

"What can I say? I fake really good."

"How about we try it again? This time, don't fake it."

She snorted. "Leave me alone, Burt."

"Scared all of a sudden, baby doll?"

"Don't call me that stupid name, all right? I ain't your baby doll and won't ever be!" Pinandilatan na niya ito. napakabilis na ng tibok ng puso niya. Kinakabahan siya sa isiping hahalikan uli siya ni Burt. How could she "not fake" it? Sumayad pa lang ang mga labi nito sa kanya ay nanginginig na ang mga tuhod niya. Blame his genes. Burt was so good-looking, that was why. Plus, he smelled so damn good.

"All right, how about 'kitten'?" Tumayo ito at lumapit sa kanya. Awtomatikong napaatras siya. "I'm gonna kiss you, and this time, you don't have to fake it."

"You can't kiss me." Mabilis niyang binuksan ang drawer at inilabas ang pepper spray. "I'm gonna use this to you, I swear."

Nagkibit-balikat na lang si Burt, saka tumalikod. Nakahinga siya nang maluwang. Pero kaagad itong pumihit at kinabig siya. Iyon lang at magkalapat na ang mga labi nila.

Noong una ay gustong itulak ni Fate ang lalaki. Nakarating naman hanggang sa dibdib nito ang mga kamay niyang gusto itong itulak. Pero imbes na gawin ang purpose ay nanatiling nakalapat iyon doon. Nagsimulang mamigat ang mga mata niya. Isang ungol ang kumawala sa kanyang bibig.

Burt's lips were intoxicating. How did he learn to kiss so well? Damn him!

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay marahang idinilat ni Fate ang mga mata. She was afraid of what she might see, a teasing look perhaps. But Burt was just looking at her tenderly. Tumaas pa nga ang isang kamay nito sa kanyang pisngi at hinaplos iyon.

"B-Burt..."

Ngumisi ito. "I knew it." Tumalikod na ito, pasipol-sipol pa. Bago tuluyang makalabas ng kanyang opisina ay pumalatak pa ito.

"I faked it!" pahabol niya.

"Yeah, yeah, you faked it, whatever," sabi nito habang pinagagalaw-galaw ang mga kamay na parang puppet, astang hindi naniniwala sa kanya. At sino nga ba ang niloloko ni Fate sa ganoon katinding pagtugon niya?

Pasadlak na napaupo siya sa silya, natutop ang noo. Damn the man!

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang