Chapter 12

10.5K 336 3
                                    

ISA SA mga privilege ng isang manager ng Territorio ang libreng pagkain habang nasa shift pa. They could eat at any of the twelve restaurants all over the place. Sa hotel pa lang ay mayroon nang apat na restaurants, kaso broken hour ang isa roon. Ang isa naman ay piano bar sa gabi, ang isa ay nagse-serve ng buffet dinner and lunch, at ang huli ay nasa poolside. May snack bar din sa golf course at sa lake.

Nang linggong iyon ay dumagsa ang mga bisita sa hotel. Bukod sa mayroong international conference na doon ginanap ay summer na rin. Noon lang nakita ni Fate ang ibang mga miyembro ng Territorio—mga senador, kongresista, matataas na opisyal ng gobyerno, both local and international pala ang mga iyon. Mayroon ding mangilan-ngilang celebrities at business personalities. Even President Dimetrio de la Cruz was a member, the president of the republic.

Naging abala si Fate sa trabaho. Nagpapahatid na lang siya ng pagkain sa opisina. Palagi rin siyang kasama sa meeting ng mga chef. They had three international chefs, and ten of the best Filipino chefs. Paroo't parito rin siya sa purchasing offices sa buong Territorio, maging sa mga restaurant and several different kitchens. Bukod sa mga kitchen ng bawat restaurant ay may working kitchens din sa hilera ng function rooms na nakabukod sa hotel. Those were banquet kitchens, espesyal para sa bangkete kapag may functions. Good thing she was assigned a golf car.

Sa araw na iyon, pasado ala-una na nang maalala niyang kumain. Magpapadala na lang sana siya ng lunch sa opisina nang dumating si Antonio. Nakangiti ito.

"Busy week, huh?"

"Oh, don't even get me started."

Tumawa ang binata. "Masanay ka na. Ganito hanggang matapos na ang taon, and on Valentine's week. Medyo relaxed tayo nang dalawang buwan kapag tag-ulan, pero marami pa ring tao."

"I was surprised. Akala ko, kaunti lang ang members."

"Yeah. But their families and friends can come here, too."

Tumango si Fate. Kung puwede lang siguro siyang mag-member ay nag-member na siya. It was a very wise investment. May yearly dues lang ang isang member, kasama siyempre ang mga nakukunsumong pagkain. All a member should bring to have fun there was his card.

Sapat na ang dues ng miyembro at ang kaunting tubo para maalagaan ang lugar. Iyon nga lang, kung hindi miyembro ng Territorio ang papasok at magtse-check in, umaatikabo ang babayaran nito. And she couldn't believe how many walk-ins and international reservations they had. Their tariff rates were in US dollars.

"Have you had lunch yet, Fate? You're working too hard."

"Magpapadala na lang ako dito. I have to finish my report. Alam mo naman, strict ang operations manager." Napaismid siya.

Burt never ceased to tease her. Sa bawat engkuwentro nila ay hindi puwedeng hindi siya nito tuksuhin at minsan pa nga, halikan. At wala itong pinipiling lugar! Noong nasa cold kitchen siya ay hinila siya nito sa walk-in chiller. Tumigil lang si Burt sa paghalik sa kanya nang bumukas iyon. Hiyang-hiya siya nang makita sila ng cook. Pero si Burt, walang pakialam. Parang proud na proud pa nga ito. Mabuti na lang at hindi mukhang tsismoso ang cook at nasabihan niyang huwag nang makarating sa iba ang nakita.

Wala naman silang memo o patakaran na bawal ang interoffice affairs pero nahihiya pa rin si Fate. Well, hindi naman masasabing affair iyon. Hindi rin naman siya pinagsasabihan ni Antonio kahit alam niyang alam nito ang mga ginagawa ni Burt—malamang ay dahil walang pakialam sa security cameras si Burt—but just the same. She hated Burt for always kissing her as if he owned her already. Damn the man.

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Where stories live. Discover now