Chapter 14

10.6K 283 1
                                    

GAYA nang nagdaang araw, abala si Fate sa trabaho. But when lunchtime came and she ordered from the restaurant, Burt was the one who brought the food.

"Lunch for two?"

Ganoon na lang ang kaligayahang naramdaman niya. Naiinis siya. Bakit ba wala siyang best friend na puwedeng mapagsabihan? Nang nagdaang gabi ay tinawagan niya ang ina. Nag-usap sila at kinumpirma nito ang mga sinabi ni Burt. Kinumpirma rin ng ina ang hinala niyang kaya hindi nito sinabi ang tungkol doon ay dahil nag-alala ito sa kalagayan niya. Her mom was worried when she found out she was now working for the man. Pinauuwi na nga siya nito. Pero nang ikuwento naman niya ang ginawa kay Burt ay tawa ito nang tawa. Naghabilin ang ina na mag-enjoy siya nang husto at kung makakapagbakasyon daw ito ay magpupunta rin sa Territorio.

Hindi masabi ni Fate ang mga latest na nangyari sa kanya. Siguradong mag-aalala na naman ito at baka pauwiin uli siya. Tama nang ang impresyon nito ay ginagantihan pa rin niya si Burt. Ang sabi kasi niya, kahit na nag-apologize na ang binata ay galit pa rin siya rito. Her mother believed her. Ayaw sana niyang magsinungaling pero ayaw rin naman niyang umalis ng Territorio.

"Pasok," nakangiting sabi niya.

"Working too hard again, kitten?"

"Just doing the deed."

"You look lovely today, by the way."

Nag-init ang mga pisngi ni Fate. Hindi siya sanay sa mga papuri at hindi na yata masasanay. Ang tagal kasi niyang naging wallflower. Ang tagal naging mataba at hindi pinagpapapansin. kung pansinin man ay pinagkakatuwaan lang.

"T-thank you."

Ngumiti lang si Burt at pinagmasdan siya. Mayamaya ay yumukod ito at hinalikan siya sa pisngi. "Let's eat."

Habang kumakain ay nagkakatinginan at nagkakangitian sila. Masyadong bago sa kanya iyon at maya't mayang nag-iinit ang mga pisngi niya. Kung napapansin ni Burt ay hindi naman nito sinasabi. Daig pa niya ang isang teenager. Sa edad na iyon, nakakahiya na siya.

"Can I see you tonight, kitten?"

"S-sure."

Ngumiti ito. "Pupuntahan kita."

Pagkataposnilang kumain ay hinalikan uli siya ni Burt sa pisngi, saka dinala na sa labasang pinagkainan nila. There were butterflies in her stomach.    


LEMON yellow dress at sandals ang isinuot ni Fate nang gabing iyon. Sobrang excited siya sa pagdating ni Burt. Wala naman itong binanggit na oras pero kanina pa siya naghihintay sa sala. Nakarinig siya ng katok sa pinto nang mag-seven thirty na. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kanya si Burt na may hawak na bouquet ng tulips.

"Lovely flowers for the lovely lady," sabi nito.

"Oh, you really needn't bother. Thank you so much."

"You're welcome!"

"Pasok ka. I ordered dinner. Hindi na ako nakapagluto." Sobrang tensed ako.

Ngumiti lang si Burt at pumasok na. Hinalikan siya nito sa pisngi. Sumama ito hanggang sa kitchenette. Gaya ng dati, tinulungan siya ni Burt sa paghahanda. At gaya rin ng dati, they had candlelit dinner.

They had red wine afterwards. Masayang-masaya si Fate. She had never been that happy. Just being with Burt made her so very happy. And being with him over candlelit dinner and wine was more than she ever dreamed of.

"I have to tell you something, kitten," sabi nito mayamaya. "Come here." Inilahad nito ang kamay na inabot naman niya.

He stood up and held her other hand. She was afraid he might hear the loud thumping of her heart.

"Fate, I don't want you to freak out, okay?"

"W-what is it?" Bahagyang nanginig ang boses niya.

"Promise me you won't freak out."

"H-how could I promise something I'm not sure I won't do? Y-you're starting to make me nervous, Burt."

"All right. This is kinda insane, really."

"What is it already?"

Nakita niyang butil-butil na ang pawis sa noo ng binata. Binitiwan nito ang isang kamay niya at dumako ang kamay nito sa kanyang baba. Itinaas nito ang mukha niya, saka bumulong sa kanyang tainga.

"I... I... I love you."

Napaawang ang mga labi ni Fate. Hihimatayin na yata siya sa saya.


"BURT?" Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ni Fate pagkatapos ng deklarasyong narinig. Nanginginig ang kanyang mga tuhod.

"I know it's insane. But I do. I love you."

"What about Rosanne?"

Ngumiti si Burt. "Sabi ko na nga ba, nagselos ka, eh. Rosanne's just a nice girl. We're not an item."

"Really?"

"Really."

"I love you, too." Siya na mismo ang humalik sa binata.

His kiss was very gentle but only at first. Soon, they were both taking off each other's clothes. They were all over the place, parehong nagmamadali. And when she finally ran her fingers over his smooth abs, she felt so blessed.

"Burt, you're gorgeous," sabi niya mayamaya, out of breath.

Pumailanlang sa maliit na cabin ang halakhak nito. "And so are you, my love. So are you."

Naglapat uli ang mga labi nila. He started feeling her. Mangingisay yata siya sa kuryenteng dumadaloy sa ugat niya at naiipon sa kanyang gulugod. He pinned her against the wall, and took the tip of her breast into his wonderful mouth.

That fueled Fate's desire. Minutes later, he was kneeling in front of her, her leg over his shoulder. She was ready to tumble over any time. Her knees were shaking, her limbs felt weak. That was when he stood up and carried her to the couch.

Burt kept pleasuring her until she couldn't take it anymore. She was panting for precious air, screaming his name out loud.

Twobodies became one. And it was, oh, so beautiful.

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon