Chapter 15

10.6K 271 6
                                    

NAKANGITI pa rin si Fate habang naglalakad sila ni Antonio papunta sa opisina ni Burt. Pero nanlaki ang mga mata niya sa naabutang eksena sa opisina nito. Kahalikan ni Burt si Rosanne. Napakapit siya sa braso ni Antonio na sumama sa kanya para batiin pa mandin daw sila ng congratulations. Hihimatayin yata siya. Mukhang hindi pa sila napapansin ni Burt. Dadaklutin pa sana nito ang puwitan ng babae.

"Burt!" bulalas ni Antonio bago pa tuluyang lumapat ang kamay ni Burt doon. Noon lang ito bumaling sa kanila. Mukhang hindi na nabigla si Burt na makita sila. Ngumiti pa nga ito.

"Well, hello, you two."

Nalaglag ang mga panga ni Fate. This couldn't be happening. Not after what just happened last night. Burt couldn't do this to her. Oh, her heart was breaking slowly. Nang tingnan niya si Rosanne ay ngumiti pa ito sa kanila. Gusto niyang sugurin ang babae. Gusto niyang pagkakalmutin ang mukha.

Tiningnan niya si Burt. Nakangiti pa rin ito na parang walang ginawang mali. Oh, he was breaking her heart, tearing her apart.

"Pare, what the hell are you doing?" Si Antonio uli ang nagsalita, umakto nang speaker para sa kanya.

"What's the big fuss about? Uh, Rossane, can you meet me outside?"

"No, Rossane, you come with me in my office," sabi ni Antonio.

"Everything's gonna be fine, baby doll," pahabol na sabi naman dito ni Burt. Nang wala na ang dalawa ay nanatiling nakatayo roon si Fate, unable to move a muscle. Si Burt na ang unang nagsalita. "So, how are you?"

Nagbalik ang lakas niya. Tinakbo niya ito at sinampal sa pisngi. "How dare you! You're a pig!"

Sasampalin uli sana niya si Burt pero nakaiwas ito at hinagip pa ang magkabilang kamay niya. Nakita niya sa mga mata ng lalaki ang galit na ipinagtaka niya nang husto. Bakit si Burt pa ang may ganang magalit?

"Don't you slap me again, you... you... you... b-bitch!" bulyaw nito.

Nayanig si Fate. Nanginig yata maging ang kanyang buto. Bigla na lang siyang napahagulhol. "Ikaw pa ang galit? Ikaw pa ang galit, ha, Burt?"

"Alam mo, 'wag kang magsalita sa akin na parang wala kang atraso sa akin, babae ka. Ang tindi mo! Fuck! Fuck!" Pinakawalan nito ang mga kamay niya, saka tumalikod. Sinipa pa nito ang isang magazine rack sa isang tabi. "I don't want to see your face ever again! Get out of my office! Get out!"

Patuloy lang siyang umiyak, hindi malaman ang gagawin. So, everything he said was just a lie? But she couldn't understand a damned thing. None of it made sense to her.

"W-why?" tanong niya mayamaya. "Y-you told me you love me."

"I did, huh? I just said that to get in your pants without you stopping midway. And they came off really easy, your pants. What, you think I really loved you? That I fell in love with you after what you did to me, having me wear that stupid red thing? You've got to be kidding me."

"All this for that? How dare you! That's the lowest of low. Even for someone as cheap as you." Tumalikod na si Fate at pabalabag na isinara ang pinto.

Herwhole world just went crashing down on her. 


MAGRE-RESIGN na sana si Fate pero kinausap siya ni Antonio. Nakiusap itong huwag muna sana sa kalagitnaan ng season na iyon. Nahihiya rin naman siya sa binata kaya nagpasya siyang manatili.

Everything was so unfair. Ni wala siyang oras na magngitngit. Pero tama rin siguro iyon. Si Burt ang tipo ng taong hindi na kailangan pang pagluksaan. She hated him so much. He was cheaper than cheap. If all he wanted was sex, he didn't need to say those things. She was always weak under his spell. All this time, he was holding grudge against her. He was a monster.

Nang mag-usap sila ni Antonio, ang sabi lang nito ay hindi rin daw nito alam kung ano ang nangyari sa kaibigan. Nang tangkain daw nitong kausapin si Burt ay mukhang si Burt pa ang nagalit. Dahil doon, mukhang nag-away pa ang dalawa. Sinabihan niya si Antonio na huwag nang tangkain uli na kausapin pa si Burt. Para saan pa? Lalo lang siyang magmumukhang kawawa.

Excited nang sumakay si Fate ng eroplano pabalik sa New York. She could now imagine arriving at JFK Airport and hugging her mother tight. Her mom would console her, she would make her feel better.

Impiyerno ang buhay niya sa paraisong iyon. Tuwing makikita niya si Burt ay nag-iinit ang kanyang mga mata. Palaging malamig ang pakikitungo sa kanya ng binata. Parang pagkatapos ng lahat ng ginawa ay galit pa rin ito. Hindi niya alam na may tao palang ganoon katindi magtanim ng galit.

Still, it didn't make much sense to her. Wala naman siyang damage na nagawa kay Burt. Nakita lang ito ng ilang tauhan at ni Antonio nang naka-thong. Kung ikokompara iyon sa ginawa ni Burt sa kanya, mas mabigat ang nagawa nito. May utak naman si Burt, pero bakit parang hindi nito iyon naiisip?

Naisip tuloy ni Fate, baka paraan lang nito iyon para makaiwas sa kanya. Naisip niyang baka naman nabigla lang si Burt nang sabihing mahal siya nito at para makatakas, ganoon ang ginawa. That was the most logical explanation. It made better sense.

Still, if that was the case, then she still found his way cheap. Wala itong bayag para sabihin sa kanya ang katotohanan. Mas pinili pa nitong magalit sa kanya.

Madalas niya itong nakikita kasama si Rosanne at hindi na rin niya iyon ikinabigla. Magsama ang dalawa. Saglit na lang naman siya sa Territorio at magpapaalam na rin. Kailangan lang matapos ng sunod-sunod na functions. Maybe a couple of months. She could stand seeing them for a couple of months. She had faced worse stuff.

Nang hapong iyon ay nasa opisina si Fate nang pumasok si Burt. Madilim ang mukha nito.

"I'm adjusting your deadlines," sabi nito.

"Again?"

"Yes. This time, it's not just a one-time thing. Three days earlier than usual."

"Sure."

Lumabasdin ito agad. Nag-init uli ang mga mata ni Fate. Pero hindi siya magpapadaig.She wouldn't give him the satisfaction. That night, she was exhausted but shewas able to finish her report. Alas-dose na siya nakauwi sa bahay. Bagsak angkatawan niya sa kama. 

Territorio de los Hombres 1: Burt Sullen (Published by PHR, COMPLETED)Where stories live. Discover now