3rd Confrontation

4K 182 12
                                    

TYRUS couldn't believe the range of emotions this Lilac Alonzo managed to make him feel in less than ten minutes. For a pure mortal, that was a feat.

Nang dumating si Lilac, una niyang naramdaman ang gulat dahil sa mabilis at malakas na pag-atake nito kina Hyacinth at Saffron gamit ang orasyon ng mga malalakas na salamangkera.

Pangalawa, nakaramdam siya ng paghanga nang hindi natinag si Lilac sa pagbabanta ni Onyx. Nadagdagan 'yon nang ihagis pa ng babae ang mayabang niyang tauhan. Naramdaman niyang hindi niya ito mapipigilan kaya hindi na siya nagtangkang kumilos.

Sa kabutihang palad, hindi rin kumilos ang kakambal niyang si Eton at gaya niya, binantayan lang din nito ang mortal.

At pangatlo, awa. Nang sumigaw si Lilac na puno ng sakit at bumagsak ito habang umiiyak, nakaramdaman siya ng kirot sa puso niya. Nang magsimula naman ang mortal na buhayin si Marigold Hamilton, parang may sumuntok na sa dibdib niya. Dahil do'n, natinag ang damdamin niya.

Kaya nga pinigilan na ni Tyrus si Lilac sa ginagawa nitong orasyon. Totoo ang sinabi niyang madudurog na ang puso ni Marigold Hamilton kapag hindi pa ito huminto. Ginawa niya 'yon dala ng simpatya.

Empathy was something he thought he had forgotten a long time ago.

Hindi tuloy niya alam kung ano ang mararamdaman ngayong binuhay ni Lilac ang isang klase ng emosyong hindi siya komportableng maranasan uli.

"Hindi na dapat ako umalis sa tabi mo," umiiyak na bulong ni Lilac kay Marigold.

Muli, may sumuntok na naman sa dibdib ni Tyrus. Hindi niya gustong marinig ang bulong ni Lilac sa kaibigan nito. Pero dahil sa matalas niyang pandinig, hindi niya naiwasan 'yon.

"I'm sorry, Marigold. I should have protected you while keeping you beside me. I'm so sorry..."

Hindi alam ni Tyrus ang nangyayari sa kanya, pero kusang umangat ang kamay niya at akmang ipapatong 'yon sa balikat ni Lilac. Pero nanigas siya na parang estatwa nang bigla na lang bumangon ang mortal mula sa pagkakayakap sa kaibigan nito, sabay lingon sa kanya.

He was stunned by her wonderful ash gray eyes. When she entered the condo, he was sure that she had dark orbs. But right now, they were the color of one of the lightest shades of gray he had seen in his long life. It felt like he was staring right through the window of her soul. He could almost see dark forming clouds, and the tears falling from her eyes seemed like tiny raindrops. Beautiful, yet sad.

"Ilang half-breeds ang kasama mo?" deretsang tanong ni Lilac sa kanya.

Irritation. That was the fourth emotion this mortal made him feel in a span of eight minutes.

Binaba ni Tyrus ang kamay niya na balak sanang makisimpatya sa Lilac Alonzo na 'to, pero mabuti na lang at mabilis siyang natauhan. Nagtagis ang mga bagang niya habang kinakalma ang sarili. Hindi nga rin niya alam kung bakit sumagot pa siya sa mortal na 'to. "Lima kaming Bloodkeepers na nandito ngayon. You knocked three of us down, so only my brother and I are left standing."

Kumunot ang noo ni Lilac, pagkatapos ay may itinuro ito sa tabi ng salaming bintana. "Then, who's that half-breed?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Tyrus at nilingon ang tinuro ni Lilac. Pero wala siyang nakita o naramdamang ibang Bloodkeeper sa paligid. Imposible namang may makita o maramdaman ang isang mortal na hindi niya kayang tukuyin. He was a squad captain, for fuck's sake!

"You're just hallucinating," deklara ni Tyrus. "Alam kong shocked ka sa nangya– hey!"

Tumayo si Lilac at tumakbo ng mabilis papunta sa salaming bintana.

Bad Blood/Bad RomanceWhere stories live. Discover now