16th Confrontation

2.5K 128 12
                                    

A TELESERYE with Denim. A movie with Denim and Finn. And solo endorsements.

Hindi makapaniwala si Lilac na gano'n kabongga ang naka-line up na projects para sa kanya kahit bagong talent lang siya mula sa isang maliit na acting agency.

Pero kung makakatrabaho ng baguhang artista na gaya niya ang top actress na si Denim Blue Benitez, baka nga may himalang ginagawa ang Star Crib. Ngayon ay lalong lumakas ang hinala niya na konektado nga ang acting agency na 'yon kay Miguel Lorenzon Benitez na posibleng Helper ng mga Stratton.

"I just can't believe what happened," halos pabulong na sabi ni Lilac no'ng silang dalawa na lang ni Tyrus ang naiwan sa conference room. "Kahit na sabihing supporting role lang ang ibibigay sa'kin, malaking exposure pa rin 'yon dahil si Denim ang makakasama ko. Lahat ng drama at movies niya simula no'ng thirteen years old pa lang siya, nag-record ng matataas na rating at box office hit. Gano'n siya kasikat."

Tapos na ang contract signing at lahat ng executives ng Star Crib na nando'n kanina, umalis na at nagpunta sa susunod na meeting ng mga ito kasama naman si Denim at ang management ng sikat na artista. 'Yon ang dahilan kung bakit nasa building na 'yon din ang babae.

"'Yon ang pinagtataka ko," seryosong sabi naman ni Tyrus. "Hindi ganito kalalaking project ang ibinigay sa previous talents ng Star Crib. Lahat ng TV appearance ng mga biktima, maliit lang kaya hindi rin sila tumatak sa publiko. But the acting agency looks like they want to make your name big in the industry. May binabalak sila, Lilac, kaya kailangan nating doblehin ang pag-iingat."

Tumango si Lilac. "Alam ko naman 'yon, Tyrus."

"Wala ka bang nakitang kakaiba kanina?"

Umiling si Lilac. "Lahat ng kasama natin dito kanina, normal na tao. Wala rin akong nakitang nagtatagong Bloodkeeper o mga full vampire. The building looks safe."

Halatang may sasabihin pa si Tyrus, pero natigilan ito, saka nito dinukot mula sa bulsa ng pantalon ang phone nito. May sinagot itong tawag. "Yes, Vice-captain Eton?"

Nangalumbaba si Lilac at nag-iwas ng tingin para bigyan ng privacy si Tyrus. Kapag ganito kapormal ang lalaki, trabaho ang dahilan. Pero hindi niya maiwasang pasimpleng sulyapan ang Bloodkeeper.

Tyrus was very protective of her earlier. Nasabi niya 'yon dahil binasa talaga ng lalaki ang buong kontrata at naitanong din yata nito kay Lorraine Dy sa lahat ng puwedeng itanong sa mga clause na nakapaloob do'n. Hindi pinakialamanan ng lalaki ang talent fee niya, pero mas naging concern ito sa schedule niya. Nag-request pa nga ang lalaki na huwag gawing toxic ang schedule niya.

Ayaw niyang aminin 'to, pero kahit alam niyang ginagawa lang ni Tyrus ang front nito bilang manager niya, natuwa pa rin siya na inaalala nito ang kaligtasan at kapakanan niya. Matagal-tagal na rin siyang namumuhay na mag-isa kaya masaya siya na maramdaman uli kung paano may mag-alaga sa kanya.

"Miguel Lorenzo Benitez and Finn Lee Mancini are on their way here," deklara ni Tyrus matapos makipag-usap kay Eton. "Pinasundan ko kay Eton si Miguel at ayon sa kakambal ko, kasama ng matanda ang traidor na Bloodkeeper. Papunta raw ang dalawa dito ngayon."

"Anong gagawin natin, Tyrus?" tanong ni Lilac sa medyo kabadong boses. "Hihintayin ba natin sila o aalis na tayo?"

Natigilan si Tyrus, saka nito inangat ang kamay nito na parang pinapahinto siya sa pagsasalita. Pagkatapos ay lumingon ito sa pintuan. Ng mga sandaling 'yon, papalakas na papalakas ang tunog ng mga yabag mula sa labas. Ilang segundo ang lumipas, may kumatok na sa pinto na bigla ring bumukas.

Denim entered the conference room like a superstar that she was. Maingay na pagtama ng takong sa marmol na sahig, nakakaakit na paggalaw ng baywang sa paglalakad, at mayabang na naka-chin up.

Bad Blood/Bad RomanceWhere stories live. Discover now