11th Confrontation

3.3K 158 13
                                    

GINAWANG salamin ni Denim ang pinto ng elevator kung saan nakikita niya ang reflection niya. Naglalagay siya ng lipstick na matingkad ang pagiging pula. Kahit na pauwi na siya at pagod mula sa maghapong story conference, kailangan fresh-looking pa rin siya.

Big news sa showbiz ang pagbalik niya ng Pilipinas dahil siya ang top actress ng kanilang network. Ngayong tapos na siya sa bakasyon niya, balik trabaho na rin siya. Sisimulan na rin niya ang shooting para sa bago niyang drama ngayong tapos na ang story conference.

Pinagdikit niya ang mga labi niya at nang makuntento na sa hitsura niya, binalik niya na niya ang lipstick sa bag niya. Masaya rin siya habang tinititigan ang reflection niya.

Narcissist na kung narcissist pero confident si Denim na maganda siya. May Spanish blood ang mga ninuno niya kaya mestiza siya. Natural din ang pagiging burgundy ng kanyang buhok na wavy ang dulo. Bilugan ang "sparkling" ang amber eyes niya, matangos ang ilong, maliit at manipis ang mga labi, at natural ang rosy cheeks. Matangkad at slim din siya kaya maganda siyang magdala ng damit.

But what she loved most about her body were her creamy long legs that she liked showing off by wearing skimpy dresses like what she wore tonight.

Denim Blue Benitez, you are one gorgeous mortal, aren't you?

Natawa si Denim sa sariling kayabangan. Pero mabilis din siyang naging seryoso nang bumukas ang elevator nang makarating siya sa underground. Private parking space para sa mga VIP na tulad niya. Susunduin siya ni Finn dahil inaya siya nito na mag-dinner sa favorite restaurant nila.

Pag-apak na pag-apak pa lang niya sa labas, bigla siyang may narinig na malakas na kalabog kasabay ng malakas na pag-angil na nakapagpatayo sa maninipis na balahibo niya. Ang boses na 'yon...

Finn?!

Mabilis na tumakbo si Denim sa kabila ng suot niyang stilettos habang tumitingin sa paligid at hinahanap si Finn. 'Yong ungol na narinig niya kanina, halatang nasasaktan ito. Madalas man niyang awayin ang lalaki dahil sa mood swings niya, hindi niya maipagkakailang ito ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya ngayon. He was her best friend and the older brother she never had.

Another loud bang.

Sa pagkagulat ni Denim, nakita niya si Finn na nakadikit na sa pader. Kung paano at kung saan ito nanggaling, hindi niya alam dahil ordinaryong mortal lang naman siya. Pero hindi na 'yon ang mahalaga ngayon. Tatakbo sana siya palapit kay Finn pero napasinghap at natigilan siya nang may isang nilalang ang biglang bumagsak mula sa itaas.

The man facing Finn was tall and more muscular than her best friend. Kita sa suot nitong gray long-sleeved shirt ang malapad nitong likod at ang medyo umbok na biceps. Ang kagandahan sa bulto ng lalaki, bagay 'yon sa tangkad nito. The other guy was even taller than Finn who already stood six feet tall.

At ang malaking lalaki, bigla na lang sinakal si Finn!

Who is that giant?!

Pero hindi 'yon ang oras para tumunganga at mag-isip. Hindi siya papayag na basta na lang sakalin ng kung ano si Finn sa mismong harap pa niya!

"Finn!" sigaw ni Denim, saka niya muling tinangkang lapitan ang best friend niya.

"Stop!" saway ni Finn sa kanya na nakapagpahinto sa paglalakad niya. Normal pa naman ang hitsura nito at hindi pa inilalabas ang kapangyarihan bilang kalahating-bampira, pero nakikita niya sa singkit nitong mga mata ang babala. Ibig sabihin, seryoso ang sitwasyon. "Stay right there, baby girl."

As if.

Ipinaikot lang ni Denim ang mga mata, saka siya tumakbo palapit sa dalawa. "Hey, let go of Finn!" utos niya sa lalaking kaaway ni Finn, sabay suntok sa braso nito. Napasinghap siya nang tumunog ang mga buto sa kamao niya kasabay ng matinding sakit. Para siyang sumuntok ng bakal! She might have sprained her wrist! She bit herself to stop herself from crying, but the pain was too much to bear. "Damn..."

Bad Blood/Bad RomanceWhere stories live. Discover now