5th Confrontation

3.7K 161 5
                                    

"HERE's the necklace we found in the victim."

"Call Marigold Hamilton by her name," utos ni Tyrus kay Eton habang kinukuha mula sa kakambal ang kuwintas na may pendant na silver horn na nakapaloob sa safety plastic.

Bago niya iniwan si Lilac sa hospital room kanina, nakiusap ang dalaga sa kanya na ibigay dito ang kuwintas ni Marigold. Dahil kailangan niyang mapasagot si Lilac sa mga itatanong niya rito sa oras na matapos na itong magluksa, naisip niyang pagbigyan ang mortal nang hindi muna kinukuwestiyon kung bakit kailangan nito ang kuwintas na 'yon.

"Wala namang nakita ang forensic team na kakaiba sa kuwintas ni Marigold Hamilton," blangkong sabi ni Eton mayamaya. "Fingerprints lang niya ang nand'yan. But why does Lilac Alonzo need that?"

"I will find out when Lilac's in the right shape to answer my questions," sagot ni Tyrus.

Saka siya tumingin pababa sa chapel kung saan nakaburol si Marigold, at kung sa'n abala rin si Lilac sa pag-aasikaso sa mga bisita. Siya at si Eton naman, nasa rooftop ng apartment building sa tapat ng chapel para mabantayan nila si Lilac Alonzo na hinihinala nilang hindi ordinaryong mortal.

"Bakit hindi mo pa tinanong sa kanya kanina?" nagtatakang tanong naman ni Eton. "It's so unlike you to miss the opportunity to get the answers you want to hear."

"I'm giving her time to mourn," sagot naman ni Tyrus, nakatitig sa chapel. "Muntik ko nang makalimutan na kailangan nga pala ng mga purong mortal ng oras para magluksa sa pagkawala ng kaibigan. In the world we live in right now, we don't have that luxury. Masyadong maraming kaaway tayong hinahabol para magpahinga at magluksa."

"Ah."

Nilingon ni Tyrus si Eton at tinaasan ng kilay.

Fraternal twins sila ng kakambal niya kaya hindi sila magkamukhang-magkamukha. In fact, Eton looked older than he was because of his brother's mature face and more muscular built. But the stoic face they often wore looked identitcal.

"What?" reklamo ni Tyrus kay Eton. "Kung may gusto kang ikomento tungkol sa personal kong buhay, sabihin mo na."

"This is the first time I saw you being considerate to a mortal after a long time."

Nag-iwas si Tyrus ng tingin. Hindi na siya dapat nagtanong. "Ituloy mo na ang report mo."

"Nag-match ang dugo ng sanggol na isinilang ni Marigold Hamilton sa sample ng DNA ni Magnus Cadmus Stratton na meron tayo," pagpapatuloy ni Eton sa report nito. "Tyrus, hindi ordinaryong mortal si Marigold Hamilton. Nabuhay ang sanggol sa sinapupunan niya sa loob ng siyam na buwan nang walang problema, hindi gaya ng ibang babaeng mortal na linggo lang ang tinatagal ng fetus sa sinapupunan. Hindi rin namatay ang sanggol sa loob ng tiyan ni Hamilton. The infant was killed after she was born. Ang mag-ina, parehong sinaksak ng patalim sa puso. Isa lang ang ibig sabihin nito, 'di ba?"

"Ipinanganak si Marigold Hamilton na may pulang buwan," sagot ni Tyrus sa tanong ni Eton. Pero mabilis ding kumunot ang noo niya. "Gusto ni Magnus na magkaro'n ng anak sa isang mortal na babae, kaya bakit kung kailan naman nagtagumpay siya, saka pa pinatay ang sanggol?" Kunot-noong binalingan niya ang kakambal. "Ibig bang sabihin nito, may ibang nilalang na tumapos kay Marigold Hamilton at sa sanggol? May iba pa bang kaaway si Magnus bukod sa mga tulad nating Keeper?"

"Marami nang kaaway na Nobleblood si Magnus bago pa man din magrebelde ang grupo nila nina Victor. Idagdag pa na karamihan sa mga nag-traidor, hindi rin kasundo ng baliw na 'yon," sagot naman ni Eton sa pantay na boses. "Nakakuha nga tayo ng sample DNA niya dahil sa paglalaban nila ng Nobleblood na si Francis Armulo de Leon no'ng nasa France sila, hindi ba?"

Napasimangot si Tyrus nang maalala 'yon.

Sampung taon na ang lumilipas, nakadestino siya at si Eton sa France para hulihin ang traidor na si Francis na nabalitaan nilang sinakop ang isang maliit na bayan sa bansang iyon. Pero sa pagkagulat nilang kambal, pagdating nila sa base ng Nobleblood ay naabutan nilang nakikipaglaban ito kay Magus.

Hindi nila ala m ni Eton kung bakit naglaban sina Francis at Magnus, pero naisip nila na hayaang magpatayan ang dalawang Nobleblood. Kung sino ang matitirang buhay, 'yon naman ang aatakihin nila.

Nagtagumpay si Magnus na tapusin si Francis. Pero hindi sila nagtagumpay ni Eton na patayin si Magnus dahil sa kabila ng mga pinsala ng Nobleblood, malakas pa rin ito para sa kanilang magkapatid. Pero mukhang nasindak din naman ang matandang bampira dahil hindi sila nito nagawang tapusin at sa halip, tumakas na lang ito.

Mula sa insidenteng 'yon, kinuha nila ni Eton ang dugong naiwan nina Magnus at Francis dahil kailangan nilang tukuyin kung kaninong dugo ang ginagamit noon ni Ylona para sapilitang gawing bampira ang mga nawawalang estudyante.

"Hindi pa natin alam kung ano talaga ang balak ni Magnus kaya posible rin namang sinadya niyang tapusin ang sanggol. Maliit din ang posibilidad na hahayaan niyang masira ang plano niya ng kung sinong nilalang. Pero siyempre, kailangan nating tingnan ang lahat ng anggulo," sabi ni Tyrus pagkatapos bumalik sa nakaraan ang diwa niya. "Sa ngayon, kailangan ko munang makausap si Lilac Alonzo. Mukhang marami siyang alam tungkol sa mga bampira. Posibleng nakilala niya si Magnus bilang ang ama ng pinagbubuntis ng kaibigan niyang si Marigold Hamilton. I have a feeling that Lilac and Marigold have a deeper connection than what they had shown to other people."

"Ah, nagawa ko na rin pala ang isa mo pang utos," sabi ni Eton, saka inabot sa kanya ang isang brown envelope. "Na-background check ko na sina Marigold Hamilton at Lilac Alonzo. Nand'yan ang resulta ng imbestigasyon ko."

Binuksan ni Tyrus ang envelope at nilabas ang papeles na nasa loob. Kung kailan hawak na niya ang papeles, bigla namang nanlabo ang paningin niya dala ng muling panghihina. Umiling-iling siya para pilitin ang sarili na bumalik sa huwisyo.

"You should drink blood, Rus," maingat na sabi ni Eton gamit ang palayaw niya noon sa tunay niyang pangalan na 'Tyrus.' Mahihimigan din ng kaunti ang pag-aalala sa boses nito. "Simula nang nagising ka, hindi ka pa umiinom ng dugo. Bumabagal ang paggaling mo kaya nanghihina ka ng ganyan ngayon."

"I'm fine," paiwas na sagot ni Tyrus, saka niya binasa ang mga papeles na hawak niya. Naroon ang birth certificate nina Marigold at Lilac. Wala naman siyang nakitang kakaiba ro'n, hanggang sa nabasa niya ang nakapaloob pang report na naglalaman naman ng resulta ng imbestigasyon ni Eton. Kunot-noong nilingon niya ang kakambal. "Peke ang mga impormasyon sa birth certificate nila?"


***

Next Update: Saturday (January 6), evening. Thank you. :)

Bad Blood/Bad RomanceWhere stories live. Discover now