27th Confrontation

2.4K 104 1
                                    

NANG masiguro ni Eton na maayos namang nagagawa nina Hyacinth, Saffron, at Onyx ang pamumuno sa ibang mga Bloodkeeper sa paglalabas ng mga biktima mula sa laboratory at paglalagay sa mga bangkay sa bodybag, iniwan na niya ang tatlo.

Palabas na siya ng ospital nang matigilan siya. Mula sa basag na salaming pinto, nakita niya si Denim na nakatayo lang sa labas habang nakatingala. Napansin din niyang yakap ng babae ang sarili nito. Sabagay, malamig ang hangin dahil malalim na ang gabi. Saka manipis din ang suot nitong T-shirt.

Huhubarin sana niya ang suot niyang jacket, pero napansin niyang puro talsik ng dugo 'yon.

This won't do.

Hinarang ni Eton si Saffron na dumaan sa gilid niya habang may dalang bodybag na wala pa namang laman. "Take off your jacket, kid."

Nanlaki ang mga mata ni Saffron at niyakap nito ang sarili. Pero nang angilan niya 'to, natawa ito at hinubad ang itim nitong jacket na mabilis din nitong inabot sa kanya. Tinapik pa siya nito sa balikat. "Please tell Denim to give it back later. I kinda like that one," nakangising sabi ni Saffron bago siya nito layasan.

Sa tandang 'yon ni Eton, hindi niya akalaing makakaramdam pa siya ng pagkapahiya. Gano'n ba siya kahalata sa naiisip niyang gawin?

Whatever.

Lumabas si Eton at tumayo sa tabi ni Denim. Nang naramdaman niyang lumingon sa kanya ang babae, inangat niya ang hawak niyang jacket nang hindi ito tinitingnan. "Para hindi ka lamigin."

"Mas kailangan ko yata ng yakap mo, Baby E," magaang na sabi ni Denim. "Mas mainit naman ang mga Bloodkeeper kaysa sa normal na tao."

Hinagis ni Eton ang jacket ni Saffron na wala naman palang silbi. Pero hindi naman siya kumilos para gawin ang inaasahan ni Denim. Mukha namang okay ang babae dahil nakakapagbiro pa ito. "Ano bang ginagawa mo rito? Nangako naman ako sa'yong makakarating ng maayos ang katawan ng mga biktima sa mga pamilya nila, kaya hindi mo kami kailangang bantayan."

"Hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit nag-stay ako," pabulong na sagot ni Denim. "Umaasa pa rin yata ako na lahat ng nangyari ngayong gabi, shooting lang para sa bago kong action movie. Naghihintay ako na may sumigaw ng 'cut!' para matapos ko na ang eksenang 'to. How can reality be this bad?"

"Reality is stranger than fiction, so they say."

"Bakit hindi mo hinabol si Finn kanina?" nagtatakang tanong ni Denim. "May chance ka pa sanang maabutan siya dahil hindi pa naman nakakalayo ang chopper no'ng dumating ka."

'Yon nga rin ang pinagtataka ni Eton sa sarili. Balak naman sana niya talagang habulin si Finn dahil ang lalaki ang siguradong nakakaalam kung nasaan sina Lilac at Tyrus. Pero nang makita niyang umiiyak si Denim, hindi na niya nagawang umalis sa tabi ng babae.

He felt the strong urge to protect her and to keep her away from Finn. Kung bakit, hindi niya alam.

"Eton?" untag ni Denim sa kanya.

"Narinig ko 'yong sinabi mo kay Finn na babalik ka lang sa kanya kung sasabihin niya kung nasaan sina Lilac at Tyrus," pagsisinungaling ni Eton. "Nagdesisyon akong magtiwala sa naisip mong plano dahil nakita ko kung gaano kalaki ang kumpiyansa mo na mapapasunod mo ang kaibigan mo."

Bumuntong-hininga si Denim. "Kung siya pa rin ang Finn na kilala ko, sigurado akong hindi niya ko matitiis." Nagkuskos ito ng mga mata at nang muli itong magsalita, halatang inaantok at pagod na ito. "Kailangan lang niya ng oras para kumalma."

"Magpahinga ka na, Denim..." Natigilan si Eton nang mapansing hindi lang basta kinukusot ni Denim ang mga mata. Tinatago nito mula sa kanya ang pag-iyak. Bumuga siya ng hangin at namaywang. "Kung iiyak ka ng ganyan, sana sumama ka na lang kay Finn kanina. He was right. You didn't have to get involved here. Mortal ka kaya hindi ka madadamay sa parusa ng grupo nila."

"Sinabi nang may konsensiya ako, eh," parang batang pagmamaktol ni Denim. Naghalo-halo na siguro ang takot, pagod, at lungkot nito kaya naging bugnutin bigla. "Hindi ko mapipigilan sa pagiging masama si Finn kung sumama ako sa kanya dahil siguradong buburahin niya ang memories ko. Ayoko nang maging clueless uli sa nangyayari. So don't you dare try to erase my memory, too."

Well, tungkulin ng Bloodkeeper na tulad ni Eton na siguraduhing walang alam ang mga mortal tungkol sa mapanganib na mundo nila kaya nga may kakayahan silang manipulahin ang isipan ng mga tao. Pero hindi niya magagawa kay Denim ang bagay na 'yon. The information she had was valuable. Plus, she still had the memory card they needed. "Hostage ka na namin ngayon laban kay Finn Lee Mancini kaya hindi ko puwedeng burahin ang mga alaala mo."

Bumuga ng hangin si Denim. "May konsensiya ako kaya makakaasa kayo sa full cooperation ko."

"You hold grudges, don't you?" iiling-iling pero naaaliw na tanong ni Eton.

Nagkibit-balikat lang si Denim. "Basta ako, malinis ang konsensiya ko. Marunong din akong mag-sorry kapag napapatunayan kong mali ang judgment ko sa ibang tao."

"Fine," pagsuko naman ni Eton. "I'm sorry for judging you wrongly before. For thinking the worse about your character. And for accusing you of betraying the human race. Mali ako. Okay na?"

Marahang tinapik-tapik ni Denim ang mga tainga at lumingon-lingon ito sa paligid. "What was that? Parang may naririnig akong bumulong. But I can't hear it clearly."

Much to Eton's annoyance, he heard all the Bloodkeepers in the area laugh. His team was obviously amused by his little banter with Denim.

Lagot kayo sa'kin mamaya.

"Nawala na 'yong boses," mayamaya ay sabi ni Denim sa painosenteng boses. "Makaalis na nga."

Humarang si Eton sa daan ni Denim. Bago pa 'to makapagreklamo na naman, pinalupot na niya ang isang braso sa mga balikat nito at kinabig ito palapit sa katawan niya. Ang isang kamay naman niya, pinasok niya sa bulsa ng kanyang jacket. Baka kasi aksidenteng mapipi niya ang babae kung dalawang braso ang gagamitin niya. Nakalimutan na niya kung ano ang tamang lakas na gagamitin dahil matagal na no'ng huling beses na may yakapin siyang mortal.

I'm not crushing her, am I?

Mukhang hindi naman dahil narinig at naramdaman niyang bumuntong-hininga si Denim, bago nito sinubsob ang mukha sa dibdib niya at ipalupot pa ang mga braso sa baywang niya. Knowing that he was doing the embrace right, he eventually relaxed.

"Kung hindi ka lang mainit, iisipin kong poste ang yakap ko," reklamo ni Denim sa basag na boses. "Bakit ka ba biglang nangyayakap d'yan? Gusto mo rin ba ko?"

Hindi na lang pinansin ni Eton 'yon. Unti-unti niyang napapansin na dumadaldal si Denim para itago ang takot o sakit na nararamdaman nito. She was forcing herself to sound okay probably because she didn't want other people to worry about her. "Pinahiram mo ko ng panyo mo kanina. Kaya ngayon, papahiram ko sa'yo ang katawan ko para iyakan mo. I won't judge you. Humans are naturally emotional."

After a few seconds of silence, Denim eventually broke down. Umiyak ito. Iyak na parang bata.

"I'm sorry that you have to get caught up in this chaos," bulong ni Eton, sinusuntok ng konsensiya ang dibdib, habang marahan niyang tinatapik-tapik ang likod ng babae. "But you have to be strong, Denim. Things are just about to get uglier."

Bad Blood/Bad RomanceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora