10th Confrontation

3.3K 151 4
                                    

NAGULAT pa si Lilac nang paglabas niya ng building, madilim na. Pero kung sabagay, hapon na rin naman nagsimula ang audition niya. Hindi niya namalayan ang oras habang nasa loob siya.

Narinig niyang bumuga ng hangin si Tyrus kaya nilingon niya ito.

The Bloodkeeper still looked gorgeous even after she made him look like her personal bodyguard by making him wear sunglasses, blue polo, black slacks, and leather shoes. To make it more realistic, she also made him wear bluetooth earpiece which really worked because it was connected to Eton's phone which, on the other hand, acted like her personal driver.

"Masama ba ang loob mo dahil pinag-pose kita as my personal bodyguard?" tanong ni Lilac. "Ginawa ko 'yon kasi ayaw mo namang mawala ako sa paningin mo. Saka kailangan 'yon para isipin ng mga producer na sikat na ko kaya kailangan ko ng bodyguard." Bumungisngis siya. Aaminin niya na medyo mayabang at mapanlinlang ang ginawa niyang 'yon. Pero nang may maalala siya, mabilis din siyang naging seryoso. "Sorry, ha? Kailangan ko talagang makapasok bilang talent ng BBS dahil sa TV network na 'to nagtrabaho noon si Marigold. Dito ako maghahanap ng clue para mahanap ang ex-fiancé niya."

"Hindi naman 'yon ang problema ko," sagot ni Tyrus, deretso lang ang tingin at pantay ang boses. "Napagod lang ako sa kakatanggi sa offer ng mga talent scout na lumapit sa'kin kanina habang nasa audition room ka. They are kind of persistent, you know."

Eksaheradong sumimangot si Lilac. Aware naman siya na naging center of attention si Tyrus kanina dahil kahit naka-uniform ito, mukha pa rin itong modelo dahil sa kaguwapuhan at tangkad nito. Hindi naman nakakapagtakang nakuha nito ang atensiyon ng mga talent scout sa TV network na 'yon.

Kaya nga hindi dapat nagsasama ng iba kapag may audition ka. Most likely than not, 'yong kasama mo ang makukuha at hindi ikaw.

Nag-iisip siya ng magandang retort sa "humble bragging" ni Tyrus nang mapansin niyang totoong mukha itong pagod. Parang mas maputla ito kaysa normal at pansin din niyang parang hinahabol nito ang hininga kahit wala naman itong ibang ginawa kanina kundi ang tumayo.

"We should go home," nag-aalalang sabi ni Lilac. "Nasa'n ba si Eton?"

"Kinuha ni Eton ang sasakyan sa parking space," sagot ni Tyrus sa pagod na boses. "Dadaanan na lang niya tayo dito sa harap ng building."

Tumango si Lilac. "Okay. Pero sigurado ka bang okay ka lang? You look really tired, Tyrus."

Bahagya siyang nilingon ni Tyrus. Kahit naka-shades ito, ramdam niyang sa kanya ito nakatingin. "How do you do it, Lilac?"

"Do what?"

"Worry about other beings when you have so much on your plate already."

Nilagay ni Lilac ang mga kamay sa likuran niya saka siya dumeretso ng tingin. Mula sa kinatatayuan niya, kita niya ang malaking main gate ng building. Sa labas no'n, may mga avid fans na naghihintay sa posibleng pagdating ng big stars ng network. Nakakatuwa ang dedication ng mga ganitong tao dahil kahit gabi na, talagang nagtitiyaga ang mga ito.

Sinong artista kaya ang dadating?

Anyway...

"Maaga akong nawalan ng mahal sa buhay, Tyrus," pagkukuwento ni Lilac. "I was only eight when our biological parents died. I wasn't able to afford mourning for a long time because I had to worry about Marigold. Do'n ko natutunan na hindi hihinto ang mundo kahit sino pa ang mawala sa'kin o kahit gaano pa ko maging kalungkot. I still have a life to live even if I lose all the reasons to." Bumuga siya ng hangin para lumuwag ang dibdib niya na biglang nanikip. "Gano'n din ngayon. Kahit na wala na si Marigold na nag-iisang dahilan kung bakit ako nabubuhay, hindi pa rin ako puwedeng magpatalo sa lungkot at galit ko. I had to get a hold of myself after I mourned for my sister and nephew because I have to find their murderer and make him pay." Nilingon niya si Tyrus at nginitian ang lalaki kahit alam niyang hindi magiging maganda ang dating ng ngiti niya dahil sa nararamdaman niyang kalungkutan. "Pero bukod do'n, kailangan ko rin maging matatag para sa sarili ko. Mababaliw ako kung puro paghihiganti at lungkot lang ang iisipin ko. Kaya mas gusto ko nang isipin na lang ang mga tao o pangyayari sa paligid ko. Plus, part of living is caring about other people, right? There can't be "too much" on your plate to lose your humanity."

"Not everyone can be as nice, Lilac," iiling-iling na sabi naman ni Tyrus. "Decent human beings are very rare in this era." Umangat ang kamay nito at sa pagkagulat niya, dinikit uli nito ang palad sa noo niya. "Hindi ako komportable na meron kang matinding pagnanais na dumihan ang kamay mo para maiganti ang kakambal at pamangkin mo. But knowing that you are helping yourself to be okay comforts me."

Ngumiti lang si Lilac at hinimas-himas ang kanyang noo. May sasabihin pa sana siya, pero natigilan siya nang marinig ang malakas na tilian.

Nalingunan niya ang grupo ng mga fans na nakita niya kanina. Sa pagkakataong 'yon, bukas na ang gate at may isang luxury car ang pinagkakaguluhan. Siguro, sakay ng kotse na 'yon ang artistang kanina pa hinihintay ng mga tao sa labas. Karamihan sa mga 'yon, babae.

Napangiti siya habang iiling-iling. Guwapo siguro 'yong artistang tinitilian ng fangirls.

Bumukas ang pinto sa driver's side at lumabas ang isang matangkad at guwapong lalaki na mukhang may lahing Koreano. Nang ngumiti ang lalaki, halos mabaliw na sa pagtili ang mga kababaihan. Hindi siya pamilyar dito kaya hindi niya alam kung sino ang artistang 'yon.

Pero sigurado siyang nakita na niya ang nilalang na 'yon.

Mabilis nawala ang ngiti ni Lilac kasabay ng panlalamig ng kanyang buong katawan. Mabilis niyang hinawakan ang laylayan ng polo ni Tyrus para kuhanin ang atensiyon nito. "The color of his blood..."

"What about it?" alertong tanong ni Tyrus, nakatingin sa lalaking mukhang Koreano.

"It's the same hue I saw in the unseen Bloodkeeper in the condo," pabulong na sagot ni Lilac. Hindi rin niya alam kung paano niya nasabi 'yon. Kahit pare-pareho lang ang kulay na nakikita niya, nasasabi pa rin niya ang difference sa bawat isa ng mga dugong nakita na niya. Lalo na ang mga tinandaan niya.

And then suddenly, amid the fangirls screaming and asking for the Korean-looking guy's attention, he turned to her and gave her a knowing smirk as if telling her that he heard what she just said.

Nanlaki ang mga mata ni Lilac sa gulat. "Siya nga..."

Tyrus growled lowly. Maybe he had seen the other guy smirk, too. "I'll catch him."

Mukhang naririnig sila ng lalaking mukhang Koreano dahil mabilis itong bumalik sa loob ng kotse nito at nagmaneho papasok sa driveway papunta sa parking space ng building. Hinarang naman ng mga bodyguard ang mga fans na sinubukang habulin ang artista.

Nakaramdam ng pagkataranta si Lilac nang unti-unti nang mawala sa paningin niya ang kotse ng lalaking mukhang Koreano kaya tumakbo siya para habulin ito. Inaasahan niyang susunod sa kanya si Tyrus at baka nga maunahan pa siya nito. Pero natigilan siya nang mapansing walang sumunod sa kanya.

Napilitan siyang huminto sa pagtakbo para kunot-noong lingunin si Tyrus. Pero mabilis ding nawala ang kunot ng kanyang noo nang mapansing nakahawak ang Bloodkeeper sa dibdib nito na para bang nasasaktan ito. Then much to her shock, he dropped to the ground, unmoving.

"Tyrus!" nag-aalalang sigaw ni Lilac, saka siya patakbong bumalik kay Tyrus at lumuhod sa tabi nito. Natanggal ang suot nitong shades nang bumagsak ito kaya nakita niyang nakapikit ito. O mas tamang sabihing walang malay. Niyugyog niya ang mga balikat nito pero hindi ito nagising. "Tyrus!"

"What's happening?"

Napatingin si Lilac sa bluetooth earpiece na malapit sa ulo ni Tyrus. Do'n nagmumula ang boses ni Eton na halatang nag-aalala. Kinuha niya ang gadget at kinabit 'yon sa tainga niya. "Eton, nasa parking space ka pa ba ngayon?"

"Palabas pa lang. Bakit?"

Binigay agad ni Lilac ang plate number ng kotse ng lalaking mukhang Koreano bago pa niya makalimutan. "Hulihin mo ang Bloodkeeper na nagmamaneho ng kotseng 'yon. Please!"

Bad Blood/Bad RomanceМесто, где живут истории. Откройте их для себя