17th Confrontation

2.5K 130 13
                                    

Note: Hi. Hindi ko alam kung napapansin niyo pero marami nang cut scenes dito sa Wattpad version ng Bad Blood pero sana nasusundan niyo pa rin ng maayos ang story. Don't worry, 'yong mga tinanggal kong highlights and more exciting scenes, makikita niyo rin naman sa  book. Thank you. :)

***


NAGISING si Denim nang may marinig na malakas na busina.

Nang imulat niya ang mga mata, nagulat pa siya nang makitang nasa loob siya ng kanyang pulang sports car na naka-park sa harap ng isang maliit at hindi pamilyar na grocery store: Isabel's Mart.

Hala. Where am I?

Biglang kumirot ang sentido niya kaya nasapo niya ng kamay ang kanyang noo. Nang pumikit siya, narinig naman niya sa isipan ang boses ni Tyrus, ang manager ni Lilac.

"Eton is my twin brother. We're supposed to meet later but something came up. Tutal gusto mo namang makita ang kakambal ko, puwede bang ikaw na lang ang pumunta sa kanya at magsabing hindi kami makakarating ni Lilac? Ibibigay ko sa'yo ang address kung sa'n siya nag-pa-part time job."

Nagmulat ng mga mata si Denim at napatitig sa entrance ng grocery store. Napangiti siya. "Nando'n ang Baby E ko."

Nagmamadaling kinuha niya ang bullcap at sunglasses niya sa compartment. Sinuot niya muna ang mga 'yon para hindi makilala ng mga tao bago siya bumaba ng kotse niya. No'n lang niya na-realize na hapon na pala, pero hindi niya gaanong matandaan ang mga nangyari kanina habang nasa mall siya.

Alam niyang nakausap niya sina Lilac at Tyrus, pero hindi niya masyadong maalala ang sumunod na mga nangyari. Posible bang nakatulog siya sa kotse niya pagkatapos niyang mag-drive?

Well, puyat ako kagabi dahil sa sunud-sunod na pictorial kaya siguro scatterbrain ako ngayon.

Inalis na lang 'yon ni Denim sa isipan niya nang nasa loob na siya ng grocery store. Wala masyadong tao at in fairness, airconditioned ang lugar kahit maliit lang kumpara sa nakasanayan niya. So far ay wala pa namang nakakakilala sa kanya habang palibot-libot siya sa mga aisle. Halos manakit na rin ang leeg niya sa kakahanap kay Eton. Sa laki at guwapo ng lalaki, siguradong mag-i-stand out ito.

Where are you, Baby E?

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang matalisod siya sa kahon na hindi niya napansing nakaharang sa daan niya dahil kung saan-saan siya nakatingin. Napatili siya at hinanda na ang sarili sa pagbagsak sa sahig nang bigla-bigla, may matigas na brasong pumalupot sa baywang niya at kasabay no'n ay ang pagtama ng tungki ng ilong niya sa matigas na dibdib ng kung sino.

Labag man sa kalooban ni Denim, bigla niyang nasinghot ang yellow polo shirt kung saan nakadikit ang ilong niya ngayon dahil sa bango ng nagmamay-ari niyon. Para siyang men's fragrance heir!

"Be careful, will you?"

Napasinghap si Denim sa kilabot nang marinig ang malalim at sobrang sexy na boses na 'yon. Nang tumingala siya, napangiti siya nang sumalubong sa kanya ang pinakaguwapong lalaki sa paningin niya. "Eton, baby!"

Kumunot ang noo ni Eton pero hindi naman nagkomento. Inalis lang nito ang braso sa baywang niya. Pagkatapos, nag-squat ito at binuksan ang kahon na tumalisod sa kanya kanina.

Napakurap-kurap si Denim habang pinapanood si Eton at hinihintay itong kausapin siya, pero lumipas ang ilang segundo, ni hindi siya nilingon ng lalaki. Mukhang lantaran siya nitong dinededma, ha! "Are you ignoring me, Eton? Pagkatapos kitang puntahan dito, hindi mo ko papansinin?"

Muli, hindi siya pinansin ni Eton. Inabala nito ang sarili sa paglalabas ng mga de-lata mula sa kahon at pag-aayos ng mga 'yon sa pinakailalim na estante kaya nanatili rin itong naka-squat sa marmol na sahig.

Bad Blood/Bad RomanceWhere stories live. Discover now