14th Confrontation

2.9K 138 15
                                    

NANG magmulat ng mga mata si Lilac, ang guwapo at nag-aalalang mukha ni Tyrus ang unang sumalubong sa kanya.

Ilang segundo siyang nakatitig lang sa Bloodkeeper hanggang sa maalala niya ang lahat ng nangyari. Napasinghap siya at biglang napabangon. Marami sana siyang gustong itanong pero napansin niyang nakabalik na siya sa kuwarto niya sa mansiyon.

"Nakatakas siya," nanlulumong realisasyon ni Lilac. Napasandal siya sa headboard dala ng panghihina. "Natakasan niya tayo."

Tumangi si Tyrus. Hindi siya sigurado, pero parang sobrang stiff nito habang nakaupo sa stool sa gilid ng kama. Hindi rin ito kumukurap habang nakatitig sa kanya. "Alam ko kung gaano mo kagustong makompronta ang traidor na Bloodkeeper. I'm sorry I wasn't able to capture him."

Marahang umiling si Lilac. "Hindi mo naman kasalanan 'yon. Naiintindihan ko ang nangyari kagabi. Pareho kaming injured ni Eton kaya inuna mo kaming iuwi kaysa habulin ang kalaban, 'di ba?"

Muli, tumango lang si Tyrus.

Bigla namang nailang si Lilac. Nakakapagtaka kasi ang kakaibang stiffness ni Tyrus ngayon na para bang hindi rin ito komportable sa kanya ngayon. Pero hindi na siguro siya dapat magtaka dahil may kasalanan naman talaga siya sa lalaki. "Tyrus, galit ka ba sa'kin dahil pinilit kitang painumin ng dugo ko?"

Tumaas ang kilay ni Tyrus. "Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Na-mention kasi ni Eton sa'kin na twenty years ka na raw hindi umiinom ng dugo ng tao."

Nagtagis ang mga bagang ni Tyrus at tumingin sa direksyon ng pinto. "I'm gonna kill you later for being a big mouth, Ethan."

Napapiksi si Lilac dahil sa pagbabanta sa boses ni Tyrus. "Ethan ba ang totoong pangalan ni Eton?"

Humarap uli sa kanya si Tyrus, kalmado na. Saka ito marahang tumango. "Yes. He was born Ethan Albert Rousell."

"Bakit siya nagpalit ng pangalan?"

"Bloodkeepers usually change names every mission we get," sagot ni Tyrus, pantay pa rin ang boses. "Ilang beses kaming nadedestino sa iba't ibang panig ng mundo kung saan naninirahan kami ng maraming taon. Siyempre, hindi maiiwasang magkaro'n kami ng koneksyon sa mga mortal sa paligid namin. Pero hindi puwedeng malaman ng mga taong nakakakilala sa'min na matagal kaming tumanda, kaya normal lang na nag-iiba kami ng pangalan. Lalo na 'yong mga kabilang sa squad para sa proteksyon ng grupo."

"Eh ikaw? Code name mo rin ba ang 'Tyrus?'"

Umiling si Tyrus. "Hindi. Nagpapalit ako ng second name at apelyido, pero hindi ang pangalan."

Tumango-tango lang si Lilac, saka siya tumikhim at nagpakaseryoso na. "Bakit ayaw mong uminom ng dugo ng tao, Tyrus? Mukhang seryoso ka sa dahilan mo kasi willing kang mamatay sa gutom, eh."

Bumuntong-hininga si Tyrus. "Lilac, ipapaliwanag ko muna sa'yo ang hierarchy ng mga bampira sa mundo namin. Nabanggit ko na sa'yo ang aming hari na si Estevan at reynang si Esperanza, hindi ba?"

Tumango naman si Lilac, naging sobrang interesado na sa mga sinasabi ni Tyrus. "Sila 'yong nag-utos na pumasok ang mga purong bampira sa Eternal Sleep, 'di ba?"

"Correct," tumatango-tangong sagot ni Tyrus. "The king and the queen of the vampire race are the purest among the pure full vampires. They are called 'Rarebloods' because they are almost extinct even before the Eternal Sleep era. Napapanatili nila ang purong dugo ng kanilang lahi dahil karaniwan naman, hindi sila nagpapakasal sa labas ng kanilang angkan.

"Ang huling hari't reyna ng lahi ng mga bampira ay magkapatid. Ang kambal na anak nila na sina Prince Estefan at Princess Esmeralda ay nakatakda rin sanang ikasal, pero inabot 'yon ng kautusang habambuhay na pagtulog para sa mga bampira."

Bad Blood/Bad RomanceWhere stories live. Discover now