7th Confrontation

4K 162 15
                                    

NAKATAYO si Tyrus sa sanga ng matabang puno at nakapatong ang isang braso sa katawan niyon habang sinusundan niya ng tingin si Lilac na halatang hinahanap siya.

Kanina, nang makalagpas sila ng cabin, pinababa niya ng kotse si Lilac at iniwan ito ng walang pasabi. Saka siya nagtatatalon sa mga puno sa kakahuyan na kailangan munang daanan bago marating ang mansiyon na nagsisilbing kampo ng squad niya.

Oo, dinala niya si Lilac sa campbase ng squad niya dahil hindi niya nagawang tanggihan ang desperadang pakiusap ng mortal na sumali sa paghahanap sa nilalang na pumatay sa kakambal nito. Alam niyang mali na idamay ang isang ordinaryong tao sa misyon ng mga gaya niyang Bloodkeeper, pero hindi niya nagawang tanggihan ang babae. Kung dahil sa nakikusap nitong mga mata na puno ng lungkot, o dahil sa boses nitong puno ng desperasyon, hindi niya sigurado.

But it looked like she wouldn't accept a 'no' for an answer anyway.

Napailing na lang si Tyrus nang maalala na pagkatapos niyang ihatid si Lilac sa apartment nito, wala pang sampung minuto ay lumabas na ito dala ang malaking maleta at malaking backpack. Mukhang nakapaghanda na ang dalaga na tumira kasama ang squad niya kaya nag-empake na ito bago pa man din sila mag-usap. Come to think of it, it seemed like she had planned this out carefully.

Females are scary.

Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Tyrus nang may maliit na batong tumama sa noo niya. Hindi naman siya nasaktan, pero nainis siya na makitang si Lilac ang naghagis ng bato na 'yon.

First, that woman slapped me. Now, she hit me with a pebble! Baka sa susunod, saksakin na lang ako ng mortal na 'to.

Binigyan niya ng matalim na tingin si Lilac na nakatayo at nakatingala sa harap ng matayog na punong pinagtataguan niya. Hindi siya nakikita ng mortal dahil sa makakapal na dahon at matatabang sanga na nagkukubli sa kanya. Pero malamang, ginamit ng babae ang abilidad nitong makita ang kulay ng dugo ng ibang nilalang kaya alam nito kung saan direksyon siya babatuhin.

'Yon lang naman ang gustong subukin ni Tyrus kaya tumalon na siya pababa. Kahit mataas ang sanga na pinanggalingan niya, bumagsak pa rin siya na nakatayo sa lupa.

"Tinamaan ba kita?" excited na tanong ni Lilac nang tumakbo ito habang hila-hila ang maleta nito.

"Bakit parang masaya ka pang tinamaan mo ko?" reklamo ni Tyrus. Natigilan siya nang mahimigan niya ang iritasyon sa boses niya kaya tumikhim siya at kinalma ang sarili. As a squad captain, he had to maintain his cool all the time. And his squad could hear him from the mansion. "Oo, tinamaan mo ko."

Huminto si Lilac sa tapat niya at tumingala, nakatitig sa noo niya. Kinagat nito ang ibabang labi na parang nagpipigil ngumiti nang malamang, nakita nito ang pamumula ng parteng tinamaan ng bato kanina.

Magrereklamo sana si Tyrus, pero napansin niyang mas maaliwalas na ang mukha ni Lilac ngayon kaysa no'ng unang beses silang nagkita. Alam naman niyang pinupuwersa lang ng babae ang sarili nito na umarteng masigla at alam din niyang ginagamit lang siya nito bilang distraction, pero aaminin niyang gumaang ang kalooban niya sa panibagong disposisyon na ipinapakita nito ngayon.

Baka nga maging ang pagpipilit ni Lilac na hanapin ang pumatay sa kapatid nito ay ginagawa lang nitong distraction para makalimutan nito ang sakit sa pagkamatay ng kakambal.

"Lilac, naiintindihan mo ba kung gaano kaseryoso at kadelikado ang pagsama mo sa squad ko para hanapin ang nilalang na pumatay kay Marigold Hamilton?" seryosong tanong ni Tyrus.

Bumaba ang tingin ni Lilac sa mukha niya. Naging seryoso rin ito. "My life has never been safe, Tyrus. Mas gugustuhin ko nang mapahamak na may ginagawang makabuluhan, kesa naman mapahamak ako dahil lang sa mga bampirang may masamang balak sa'kin."

Bad Blood/Bad RomanceWhere stories live. Discover now