25th Confrontation

2.3K 115 4
                                    

DERE-deretso lang ang pagmamaneho niya hanggang sa matanaw na niya ang maliit na ospital. It was just a plain white two-story building and it seemed so quiet inside.

Pagkaparada ni Denim sa harap ng ospital, bumaba agad siya ng kotse at tumakbo papunta sa main entrance ng building. Pero hindi pa man din niya nahahawakan ang glass double doors, may bumagsak nang tatlong bampirang may barcode sa leeg sa kanyang harapan.

Dahan-dahan siyang umatras habang pinagmamasdan ang mga Bloodsucker na nakaharang sa daan niya. Iba ang mga ito sa nakasanayan niyang mga bampira na kalmado. Ang tatlo sa harap niya ngayon, mababangis ang anyo. Itim ang mga mata na may ginintuang bilog sa gitna, payat at naka-crouch na parang handa nang umatake, at tumutulo ang laway na parang gutom na gutom na.

Hindi nila ko puwedeng kagatin, 'di ba?

Umangil ang mga Bloodsucker at nagsitalunan para sugurin siya.

Mabilis namang tumakbo si Denim palayo. Hindi nga nila ko puwedeng kagatin, pero puwede naman nila kong patayin sa ibang paraan!

May kung anong lumipad sa itaas niya.

Natigilan siya sa pagtakbo. Nang pumihit siya paharap sa mga humahabol sa kanya, nakahinga siya ng maluwag nang makita ang malapad at sexy na likod ni Eton habang nakikipaglaban ito sa mga bampira.

Alam ni Denim na hindi 'yon ang tamang oras para mag-daydream, pero hindi niya mapigilang mapatitig kay Eton. Sobrang tight ng puwitan nito na na-a-accentuate sa tuwing mag-ha-high kick ito. Lalo ring naninikip ang manggas ng jacket nito sa pag-flex ng biceps nito sa bawat pagsuntok. 'Yong huling sipa ni Eton, tumagos sa dibdib ng Bloodsucker dahilan para maglaho 'yon at maging abo na lang. Napapikit naman siya nang makitang dinukot ng baby boy niya ang puso no'ng isa pang bampira at malamang, dinurog nito 'yon sa kamay nito. Kahit hindi niya nakita, sigurado siyang naging abo ang Bloodsucker. Sa sobrang bilis ng pagkilos ni Eton, hindi na nagkaro'n ng pagkakataong sumigaw ang mga kalaban nito.

Nang magmulat siya ng mga mata, nagulat siya nang mapansing nawala si Eton sa paningin niya pero nakahinga rin siya ng maluwag nang mabilis din itong sumulpot sa likuran ng bampirang nakaharap sa kanya, kaya nakikita na niya ang mukha ng Bloodkeeper ngayon. Wow, sobrang guwapo at kalmado pa rin ni Eton habang nakikipaglaban na para bang hindi ito nahihirapan.

Go, Baby E!

In-armlock ni Eton sa leeg ang bampira sa harap nito na umungol na parang nasasaktan. With one solid twist, he broke the Bloodsucker's neck and... and...

Nag-iwas ng tingin si Denim nang mapugutan ng leeg ang bampira.

"You can look now," deklara ni Eton mayamaya.

Tumingin naman si Denim kay Eton. Hindi man pinagpawisan ang lalaki, may talsik naman ng dugo ang pisngi, T-shirt, at jacket nito. Siyempre, puno rin ng dugo ang kamay nitong pinangdukot nito ng puso kanina. Iiling-iling na lumapit siya sa lalaki habang may dinudukot sa bulsa ng ripped jeans niya.

"Let's go," aya sa kanya ni Eton.

Hinawakan naman ni Denim ang malinis na kamay ni Eton para pigilan ito. Nang kunot-noong lingunin siya ng lalaki, walang sabi-sabi at marahan niyang pinunasan ang talsik ng dugo sa pisngi nito. Pagkatapos, nilagay niya ang panyo sa duguang kamay nito na halatang ikinagulat nito. "Let's go."

Nagpauna na siya sa pagtakbo pero bago pa niya mahawakan ang pinto, nasa harap na niya si Eton at ito ang nagbukas ng glass double doors para sa kanya. Napangiti tuloy siya.

Ohh. Gentleman din pala si Baby E.

Mabilis ding nawala ang ngiti ni Denim nang makitang wala nang katao-tao sa reception area pa lang ng ospital. Sa sobrang tahimik ng lugar, sigurado siyang nakatakas na ang lahat ng residente do'n. Mukhang naunahan na naman sila ng mga kalaban.

Bad Blood/Bad RomanceWhere stories live. Discover now