13th Confrontation

2.6K 145 9
                                    

DUGO ng tao.

Nakatulog si Tyrus sa loob ng mahabang panahon matapos siyang malinlang ng isang mortal na inibig at pinagkatiwalaan niya. Nang nagising siya, wala na ang babae pero nanatiling puno ng galit at pait ang dibdib niya. Lalo na para sa lahi ng mga tao, 'yon man ang pinagmulan ng kanyang ina.

Kakaiba ang epekto sa kanya kapag uminom siya ng dugo ng tao, kaya nang nagising siya, nangako siya sa sariling hindi na muli iinom ng dugo. Sa loob ng dalawampung taon, nakayanan niyang tiisin ang uhaw. Kaya naman niyang mabuhay sa normal na pagkain. Nahihirapan lang naman siya kapag nauubos ang lakas niya at nagtatamo siya ng malalang pinsala. Kailangan ng mga Bloodkeeper ng dugo ng tao para sa mabilis na paggaling. Pero dahil sa pangako niya sa sarili, tiniis niya ang kanyang pagkauhaw.

But... what's this?

May kakaibang nalalasahan si Tyrus. Ang likido na gumagapang sa lalamunan niya, matamis at makinis. Hindi niya mapigilan ang sariling sipsipin 'yon ng sipisipin. Gusto pa niya. Habang tumatagal at mas maraming likido ang natitikman niya, naaalala na niya kung ano ang masarap na lasa na 'yon...

Ah. I almost forgot how good human blood tastes.

Human blood?

Biglang nagmulat ng mga mata si Tyrus. Sa pagkagulat niya, sumalubong sa kanya ang magandang mukha ni Lilac. Nakapikit ang babae, nakakunot ang noo, at kagat-kagat ang ibabang labi na para bang nahihirapan ito. Ang mas nakakapagtaka pa, napakaputla na ng balat nito.

He was about to ask her if she was okay but he realized that there was something stuffing his mouth. Nang tumingin siya sa pababa, nagulat na lang siya nang makitang kagat-kagat niya ang pupulsuhan ni Lilac at dugo ng babae ang sinisipsip niya. Hawak pa nga niya ang braso nito na para bang ayaw niya itong pakawalan. Dahil maputla ang mortal, kitang-kita niya ang pasa nito dahil sa pagkakahawak niya rito.

Shit!

Mabilis na tinigilan ni Tyrus ang pagsipsip sa dugo ni Lilac, saka niya binitawan ang babae. Pagkatapos, bumangon siya at gumulong palayo sa mortal. Nang lingunin niya si Lilac, napansin niyang nakayuko ito at nakatukod ang mga kamay sa kalsada, halatang hinang-hina.

Napasobra ang sinipsip niyang dugo kay Lilac!

Pero paano nangyari 'to?

Nang-angat si Lilac ng tingin sa kanya. Sobrang putla ng maganda nitong mukha. Her face became apologetic when she saw him looking at her. "I'm sorry, Tyrus. I had to make you drink my blood because I don't want you to die. Plus..."

Nanlaki ang mga mata ni Tyrus nang bigla-bigla, may dalawang bampira ang bumagsak mula sa itaas. Mabilis na hinawakan ng mga ito si Lilac sa magkabilang-braso, saka walang kaingat-ingat na hinila patayo ang babae na napasinghap sa sakit. Malamang, nabali ang braso ng mortal.

Umangil siya sa galit pero nang tangkain niyang tumayo, may naramdaman siyang bampira sa likuran niya na bigla siyang tinarakan ng patalim sa likod.

"Tyrus!" nag-aalalang sigaw naman ni Lilac na nagpupumiglas mula sa mga bampirang may hawak at pumilit na humihila dito.

Sumigaw si Tyrus hindi dahil sa sakit, kundi para pakawalan ang kanyang kapangyarihan. Kasabay ng pagiging pula ng kanyang mga mata at paglabas ng pangil at mahahabang kuko, ang sumirit na dugo mula sa butas na bahagi ng katawan niya ay naging apoy ayon sa kagustuhan niya.

Narinig niya ang pagsigaw ng bampira sa likuran niya na malamang ay tinupok ng kanyang apoy dahil bigla ring nagliwanag sa paligid niya. His flame came from his witch blood, so he was pretty sure the Bloodsucker had already turned into ashes.

Bad Blood/Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon