👻II : Bestfriend💀

443 19 15
                                    

A killer's Step

Chapter 2 : Bestfriend

5 Years Later

ALLIAH POV

"Bilis" Sabi ni Lucio sa akin sabay hila.

"Malapit na sila Lu!" Sigaw ko kaya lalo lang niyang hinigpitan ang kapit niya sa akin.

"Wag kang mag alala Alicia ako ang bahala sayo" sabi niya. Patuloy parin kami sa pagtakbo at iniiwasang makita kami ng mga naghahabol sa amin.

"Ayun sila! Bilis!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan nila. Hala! malapit na nila kaming abutan!

Biglang hinigpitan ni Lu ang hawak niya sa akin saka kami nagtakbo sa gubat. Pareho kaming hingal na hingal at ubos na rin ang lakas namin.

Napatingin ako sa kanya at seryoso parin siya sa pagtakbo.

Hanggang sa...

Makarinig ako ng isang malakas na paputok.

Naramdaman ko ang pagbagsak ni Lu. Nanlaki ang mata ko at agad na lumuhod para saluhin siya.

Nakapatong yung ulo niya sa tuhod Ko. dinig na dinig ko ang pagtakbo ng mga tao. Medyo madilim kaya di kami agad mahahanap ng mga taong naghahabol sa amin.

"Lu! Lu! Gumising ka!" Naiiyak na sabi ko. Dahan dahan naman niyang minulat ang mga mata niya. Napangiti siya ang bahagya saka hinawakan yung pisngi ko. Hinawakan ko naman yung kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Kasabaya ng paghikbi ko.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagbagsak ng kamay niya. Di na ako naawat at patuloy sa pagiyak.

"Napagisipan mo na ba ang desisyon mo?" Napalingon ako at nakita ko nanaman siya. Nakatayo siya sa harap namin.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Nangingiyak parin ako.

"Sabi ko. Napagisipan mo na ba ang Desisyon mo sa gusto ko?" Nakangising saad niya. Alam kong di madali ang pinapasok namin ngayon.

Ewan ko pero biglang nabigyan ako ng pag asa. Di ko kakayaning mawala si Lu

"Pag nilagdaan ko ba yan? Mabubuhay kami ni Lu? Pagkatapos ng isang daang taon?" Umiiyak na tanong ko sa kanya. Napangiti naman siya. Isang nakakalokong ngiti.

Agad niyang itinaas ang kamay niya at lumabas mula doon ang isang papel.

May ibinigay siya sa aking panulat. Nilagdaan ko yun. Kasabay ang pagsuka ko ng dugo.

Nabaril na pala ako.

Wag kang mag alala Lu. Magkikuta muli tayo.

***

Napamulat ang Mata ko

Panaginip nanaman? Paulit ulit ko nang napapanaginipan yun! Sino ba si Lu? Sino ba si Alicia? At sino yung babaeng may Powers na yun? Nakakaloka ha!. Walang kwentang panaginip na paulit ulit ko nalang napapanaginipan!

Agad ko namang kinuha yung Cellphone ko sa Lampshade saka ko sinagot

"Hel~" Di ko na nasabi ang sasabihin ko nang sumigaw na siya sa kabilang linya

("Alliah! Ano na?! Di pa ba tayo aalis?! 8:30 na! Shete ka naman!") Nailayo ko yung cellphone ko sa tenga ko. Haist! Si Rica nanaman. Si Rica nga pala ang bestfriend ko. 5 years ko na siyang bestfriend since nag move kami at namatay ang ate ko

Killer's StepsKde žijí příběhy. Začni objevovat