👻XVII : Room Of Dolls💀

185 12 4
                                    

A Killer's Steps


Chapter 17 : Room Of Dolls


AUTHOR 'S POV

Samantala...

Kanina pa nababahala si Janneth sa kaligtasan niya. Alam niyang di siya ligtas mag isa, pero kailangan niyang manatiling buhay para sa pagbabalik ng mga kasama.

"Janneth..." nanginig na siya ng tuluyan nang marinig niya ang nakaka-kilabot na boses ng isang babae. Agad siyang lumingon sa likod at nanginginig na inilawan ng flashlight pero tanging yung piano lang ang nakita niya.

"S-sino k-ka?!" nauutal pero pasigaw at buong loob na isinigaw ni Janneth pero walang sumagot sa kanya.

Nagulat siya nang marinig niyang magisang tumutunog ng piano ng tugtog na di niya maintindihan kung ano ang tunog pero napakaganda at nakakarelax na tunog.

Kinakabahan at naginginig niyang nilapitan yung piano.

Dahan-dahan niyang nilapit ang kamay niya sa isa sa mga tiles ng piano at dahan dahan nang nakapikit niyang pinindot yun.

Pagkapindot niya ay kasabay ang pagtigil sa pagtugtog sa piano.

Napahinga siya ng maluwag nang magtigil ang piano marahan siyang napahawak sa dibdib niya at naghabol ng hininga.

"Ahh!" Malakas na sigaw niya nang isang malakas, nakakarindi at mabilis na balibag ang ipinarinig sa kanya na nanggaling sa piano.

Halos maiyak niya siya habang paatras pero agad niyang pinunasan yun. Kailangan niyang maging matatag, kailangan niyang manatiling buhay.

Pero di niya alam kung magagawa ba niya.

Nanigas siya nang makarinig muli siya.

Pero hindi na piano ngayon, isang music box.

Nakakatakot na tunog ang lumalabas sa music box na yun. Nanginginig niyang nilingon yung music box na may sumasayaw na mangkukulam.

Ang creepy pero tama. Isang Itim na mangkukulam. Yung may hawak na stick na halatang makapang-yarihan at para siyang ballerina.

Wala sa sariling Dahan dahan nilapitan ang music box. Sinasabi ng isip at puso niya na wag lumapit pero yun ang sinasabi ng katawan niya.

Paulit ulit siyang umiling kasabay ang pagtulo ng luha niya pero di siya sinusunod ng katawan niya. Tila ba ay may sariling isip ito na patuloy na lumalapit sa music box na yun.

Hanggang sa tumigil ang music box kasabay ang paghinto mg katawan niya. Napahinga siya ng maluwag nang tumigil nga.

Tumalikod siya pero nagulat siya sa nakita niya.

"Ahhh!" tili niya kasabay ang pag atras niya. Kasabay ang pagdampi ng paa niya sa isang sinulid.

Di niya alam na ang dulo ng sinulid na yun at isang mahabang kutsilyo sa ulohan niya. Kaya sa pagdamping yun ay ang kasabay ng paglaglag ng kutsilyo sa ulo niya

ALLIAH POV

*Bzzt Bzzt

Bigla akong nanlamig ng walang dahilan. Heto na ba? Di ko namalayan ang pagtulo ng luha ko sa naiisip ko. Sigurado ako, base na sa kabang nararamdaman ko ngayon.

"Alli? Ok ka lang?" Nilingon ko si Mae at ang buong barkadang nakatingin sa akin. Agad kong pinunasan yung luha ko saka ako ngumiti sa kanila ng mapait. Nilapitan naman ako ni Johara.

"Ayos ka lang? Anong Nangyare?" Umiling ako sa tanong ni Johara saka ako humarap kay Liam.

"Pwede bang ilabas mo ang cellphone mo?" tanong ko kay Liam bahagya siyang tumayo saka niya inilabas yung cellphone niya at ibinigay sa akin.

Killer's StepsWhere stories live. Discover now