👻XIII : Destined?💀

187 14 10
                                    

A Killer's Steps

Chapter 13 : Destined?

Di ako nakatulog kagabi. Patuloy akong binabagabag ng mga sinabi ni Lucas.

Kung ganun siya pala yung lalaking ubod ng yabang noon? Siya yung lalaking ilang beses akong inirapan?

Nasa tapat na ako ng bahay namin at hinihintay ang pagdating ng Van naming magbabarkada. Wala na si Kuya Cjay dahil nasa school na nila. Actually kanina pa. Maaga kasi siyang pumapasok e. Tapos si daddy naman ay nasa Japan para sa isang Business.

Hayy...

"Alli" Agad kong tinignan ang taong nasa harapan ko ngayon. Walang iba kundi ang nakatira sa tapat ng bahay namin..

Si Lucas.

"Uy! Sorry na" sabi niya sabay pakita nung pa box na smile niya jusko.

"Bakit ka naman nagsosorry" Tanong ko habang nangingiwi na nakatingin sa pa box na ngiti niya.

"kasi di ko sinabi na ako yun?" patanong na tanong niya sabay pout. Natawa naman ako sa kanya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan haha. Akala ko kasi lagi lang siyang seryoso. Di ko alam na may pagka childish din pala siyang side.

"Ano kaba! Ok lang" sabi ko sabay palo ng mahina sa balikat niya kaya napangiti siya "Pero di Counted yung ilang beses mo akong inirapan noon ah? Ang sunget sunget mo nga noon e akala ko nga baklang menopause ka" natatawang sabi ko kita ko naman ang pagkunot ng noo niya kaya lalo akong natuwa.

"Sa gwapo kong to bakla? Di ba pwedwng bata pa ako nun? Saka ganun kasi ako sa mga taong di ko kilala. Ang gwapo ko kasi"

"Wow ang hangin Lucas! Ang Hangin nililipad na ako grabe!" React ko saka galaw galaw na parang nililipad talaga natawa naman siya.

"Pero Alli" natingin naman ako sa kanya. Bigla kasi siyang sumeryoso e.

"Sa Tingin mo ba Sinadya lahat to?" kumunot naman ang noo ko sa mga sinabi niya.

"What Do you mean, sinadya?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumango lang siya.

"Kasi Pareho tayo ng kakayahan. Nakakakita tayo ng mga multo. At halos pareho tayo ng kwento sa buhay" natingin ako sa kanya nang madinig ko yun..

"Anong ibig mong sabihin na pareho ng kwento ng buhay?" tanong ko pero nginitian lang niya ako sabay sabi na.

"5 Years old ako sa saktong kaarawan ko nang namatay ang Parents ko sa isang car accident. 10 Years Old naman ako at birthdayday ko rin ay namatay ang Ate ko sa isang sakit na di naman alam kung ano. At 15 bday ko naman ay namatay ang tita ko, which mommy ni Seb. Nakatira ako sa bahay kasama ang mga katulong. So basically ako lang magisa dyan. Pero alam kong safe ako. Ayoko kasi ng kasama at ayokong matulog sa bahay nina Seb " natigil ako nang madinig ko ang mga sinabi niya "Pareho Tayo Alli. After 5 years ng buhay natin ay may isang namamatay na mahal natin sa buhay na hanggang ngayon ay di natin alam kung bakit at kung ano ang dahilan" pagtutuloy niya tumingala siya para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo galing sa mga mata niya.

"Alli sa tingin ko Itinakda ito. Itinakda tauong magkita para sabay nating masulusyunan at masagot ang mga tanong na bumabagabag sa ating isipan. Malakas din ang kutob ko na matagal na tayong nagkakilala. Di ko lang alam kung saan at kailan" sabi niya nang nakayuko "kagabi ko lang to naisip nung ini-stalk kita sa Facebppk. Malaman ko ang buong pagkatao mo" do I have to ignore the fact that he STALKED me in my facebook Account.

Killer's StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon