👻XVI : Crystal💀

179 14 4
                                    

A Killer's Steps


Chapter 16 : Crystal


ALLIAH POV

"Ahh!" sigaw ni Mae kasabay ang paglaglag niya sa nabutas na sahig.

"MAE!" isang malakas na sigaw namin nina Janneth, Jomelyn at Johara saka kami nagpunta kung saan parte yung butas kung saan siya nahulog.

Agad naming sinilip yung butas. Napakalalim at napakadilim.

Agad namang nagpunta sa amin si Liam, Seb, Big bro, Knoxx at Lucas para tignan yung butas kung saan nahulog si Mae.

"Yung Flashlight!" Sigaw ni Seb kasabay ang pagbigay ni Johara nung flashlight sa kanya. Alam kong nag aalala siya kasi Girlfriend niya si Mae. Kahit ako nag aalala din.

Agad na inilawan ni Seb yung Butas. Pero walang epekto. Napakalalim! Sobrang dilim. Halos di mo mailawan yung ibaba. Mukhang napakataas nung pinaglaglagan ni Mae.

Masyadong malakas ang kulog at kidlat kaya halos di namin madinig ang isa't isa kaya dapat kaming sumigaw.

"Jusko! Sana okay lang si Mae!" Nagaalalang sigaw ni Johara kaya napatingin ako sa kanya.

"Gumawa tayo ng paraan! Di tayo pwedeng tumunganga lang!" Sigaw ni Seb kaya nagsitanguan kami.

"Pero paano?!" malakas na tanong ni Big bro.

"Alam ko na! Lubid! Kailangan natin ng lubid!" agad naman naman naming naintindihan ang ibig sabihin ni Knoxx kaya agad kaming nagsitanguan saka kami nagkalat para maghanap ng makapal at matibay na lubid na gagamitin namin para makababa kami.

AUTHOR'S POV

Samantala.........

Agad napahawak si Mae sa ulo at katawan niya nang maramdaman niya ang sakit. Masyadong mataas ang pagkakabagsak niya.

"Ouch!" daing niya nang makatayo siya at maramdaman niya ang sakit sa buong katawan niya. Agad niyang minulat ng tuluyan ang mga mata niya. Pero puro kadiliman lang ang nakikita niya. Umupo siya ulet sandali at hinanap sa pinagbagsakan niya yung flashlight na hawak niya.

Nang mahanap niya yun at agad niya itong pinailaw.

"Ahh!"

Isang malakas na hiyaw ang binigay niya nang makita niya ang dalawang mata na nakatitig sa kanya. Napabuntong hininga siya nang malaman niyang painting lang pala yun.

Agad niyang nilapitan yun at kinilatis ang mukha. Kumunot ang noo niya nang makita niyang dalawang babae pala yun.

Ang kamukha ni Alli at may isa pa siyang kasama.

"Alli! Johara! Jomelyn!" sigaw niya nagbabakasakaling marinig siya ng mga kasama niya. Inilawan niya kung saan siya bumagsak nagbabakasakaling nandun sila pero nabigo siya.

Masyadong mataas at halos di umabot ang ilaw ng flashlight niya dahil narin malapit nang malobat yun. Wala rin siyang dalang Battery dahil nakay Janneth yung battery, Siya ang may hawak 'nun.

Napahawak siya sa nagkabilang braso niya nang makaramdam siya ng kakaibang lamig.

"Mae.." nanigas siya sa kinatatayuan niya nang maramdaman niya ang kakaibang lamig na nanggaling sa tenga niya.

Kinakabahan at dahan dahan siyang lumingon sa likuran niya.

Napahinga siya ng maluwag nang ilawan niya ang likuran niya at wala naman siyang nakita doon. Tanging isang malaking bisekleta lang.

Killer's StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon