👻VIII : How She Ends💀

201 12 0
                                    

A Killer's Steps

Chapter 8 : How She Ends


AUTHOR'S POV

"Ang hangin dito" mahinang bulong ni Jerianne sa sarili nang makatapak siya sa rooftop.

Maaga siyang nagpaalam sa kaibigan para magpunta sa rooftop. Napansin niya kasing maganda ang araw ngayon kaya naisipan niya ang magpunta sa rooftop at di naman daw niya pinagsisishan.

Nagset siya ng tugtog sa speaker na dala niya at nagpatugtog. Merong napapa hum lang siya at meron ding napapasayaw aiya. Lalo na kapag ang paboritong kpop song na ang naipapatugtog sa speaker niya. Napapangiti naman siya tuwing napupunta sa kamay niya ang attension niya.

Andun kasi yung sing sing ng mahal niyang si Oliver na binigay sa kanya.

Maya maya pa ay may natanggap siyang message. Dahilan kaya napatigil sa pagtugtog ang cellphone niya na nakaconnect sa speaker.

Agad naman niyang tiniignan yun.

From : Unknown

Jerianne

Napataas ang kilay niya sa nabasa niya.

"pinagtitripan nanaman siguro ako" mahinang bulong niya saka di ininda yun saka nagpatugtog ulet

Maya maya pa ay naramdaman niya ang malakas na pagihip ng malamig na hangin. Kumunot ang noo niya dahil maganda naman ang sikat ng araw ngayon

"Ano nanaman kayang nangyari sa panahon" inis na sabi niya. Well lagi naman ata siyang galit.

Mamaya pa ay biglang bumukas ang pinto sa rooftop. Dinig na dinig niya ang pagbukas nun. Dahilan kaya napalingon siya sa pinto na wala namang niluluwang tao.

"Sino yan?" Tanong niya pero tanging hangin lang ang maririnig sa labas ng pinto kaya lalong nainis.

"Sino nga yan?! Labas ka! Suntukan gusto mo?!" matapang na sabi niya.

Lumapit siya sa pinto na inis na inis. Tinignan niya kung may tao pero kumunot ang noo niya na wala naman. Tanging hagdan lang ang makikita.

Aalis na sana siya at hahayaan na nakabukas ang pinto pero nagulat siya nang pag alis niya ay bigla nalang yung nagsara. Isang malakas na pagsara.

Nagsimula na siyang kabahan.

"S-sino yan?" nanginginig na sabi niya. Di na niya alam ang nararamdaman niya tanging takot nalang.

"M-Mae?" kinakabahang tanong niya. Wala siya narinig. Isang tahimik na hangin lamang ang narinig niya dali dali siyang tumakbo sa bag at mga speakers para tawagan sina Mae.

Pero walang signal.

Nagulat siya sa pag angat ng isang kahoy. Isang kahoy na gagamitin para sana sa festival na gagawing bahay-bahay para sa mga booths.

Kitang kita ang matalas na dulo nito. Napatayo si Jerianne nang makita niya ang pag angat nito. Yung tipong parang nangyari nung nagpunta sila sa bahay nina Alli. Ang pag angat ng kusilyo. Pero kahoy ngayon.

Nanginginig niyang binalikan ang cellphone niya at dali daling tinawagan sina Mae pero wala talagang signal.

Iyak na siya ng iyak. Lalong lumalamig sa paligid na para bang may katabi lang siya. Dumidilim ang paligid. Pero di naman dapat.

Wala na siyang nagawa. Nakarinig siya ng isang footstep.

Papalapit sa kanya. Lalo siyang kinabahan. Wala sa sariling pumunta siya sa records.

Saka sinabing.

"Guys... Tulungan niyo ako... Papatayin niya ako.. Guys" sabi niya habang punong puno ng luha ang cellphone niya. Iyak soya ng iyak. Patuloy ang pagdinig niya ng footsteps. Agad niyang tinanggal ang memory card ng cellphone niya saka niya tinapon kung saan. Yun ang naisip niya para walang makakuha nun.

Napapikit siya sa takot. Nakaharap sa kanya ang kahoy. Na nagbabadya nang tumapon sa kanya.

Naramdaman niya ang paghinto ng footsteps. Nanginginig niyang binuksan ang mata niya kasabay ang pagdapo ng kahoy sa tyan niya.

Isang malakas na hiyaw ang lumabas sa bibig niya sanhi ng sakit. Napalingon siya sa taong nakatayo sa harap niya. Pero walang silbi dahil malabo ang paningin niya. Nakaputi. Pinipilit niyang tumakbo ngunit bigla bigla itong susulpot sa harapan niya. Di pangkaraniwang tao.

"Hinde. Hinde to tao" bulong niya sa sarili. Hangang sa nahimatay na siya at nawalan ng buhay dahil sa dugong nawala sa kanya.

isang kutsiyo ang lumutang sa ere na at Paulit ulit itong sumaksan sa tyan ni Jerianne at pinutol pa ang kaliwang kamay.

Hanggang ang tao o kung tao man ang kumuha sa kamay ni Jerianne at itinapon sa ibaba kasunod ang katawan nito.

ALLIAH POV

"Pwede ka nang lumabas" sabi ng doctor kaya nag bow na kami saka ko inayos lahat ng gamit ko. Pero isang butil ng luha ang tumulo mula sa mata ko. Umiiyak nanaman ako.

Di ko kasi matanggap. Si Jerianne ang pinka close ko sa kanilang lahat. Pero bakit ganun? Bakit siya namatay ng basta basta?

Sino naman ang gagawa sa kanya nun?

Napakabrutal niya. Paglabas ko ng Hospital ay di ako dumiretso kina kahit nakita ko sila. Sa halip ay nagpunta ako sa rooftop. Kung saan nalaglag si Jerianne. Kitang kita ko ang mga yellow lines na inilagay ng mga pulis dahil hanggang ngayon ay ininbistigahan parin yun.

Aalis na sana ko ng luhang luha nang may napansin aking bagay sa sulok. Masyadong maliit.

Isang...

Memory card.

Agad kong kinuha yun saka ako bumaba.

sinalubing ako ng mga kaibigan kong babae at sabay sabay kaming umiyak. Napansin ko rin ang mga boys na sobrang lungkot at dinadamayan si Oliver na ngayon ay umiiyak. Di siya masisisi dahil girlfriend niya si Jerianne.

Tinext ko na si Big bro na sunduin nalang ako sa funerarya kung saan kami pupunta.

Sabay sabay kaming huminga ng malalim saka kami pumasok sa funerarya.

Sabay sabay kaming napaiyak nang makita namin ang malamig na bangkay ni Jerianne na inilalagay na sa kabaong.

Ilang minuto pa ang lumas ay nasa labas lang kami at iniintay nalang namin ang paglabas ng bangkay.

Bigla namang dumating si big bro. Agad ko siyang sinunggaban ng yakap.

"B-big bro I'm so.. sorry" umiiyak na sabi ko. Nasabi ko na kasi lahat sa kanya. As in lahat ng nangyari.

"It's okay lil sis. At least safe ka" tango ako ng tango habang tuloy tuloy na bumubuhos ang mga luha ko. Hanggang sa makakalma na ako at humiwalay. Humarap naman si big bro sa mga kaibigan ko saka nagbow at nagsorry about what happens.

Dumaan ang ilang araw at dumating na ang araw kung kailan ililibing si Jerianne. Wala kaming tigil sa pagiyak nang makita naming ibinababa na siya sa hukay. Mas lalo akong naawa si Oliver.

Alam kong mahal na mahal niya si Jerianne.

Pero wala na si Jerianne. Wala na ang isa kong kaibigan.

Naalala ko yung memory card pero di pa siguro ngayon ang time para tignan yun.

Pero ano nga bang nangyari? Sinong may gawa sa kanya nito? Bakit di makatarungan?

Kung sino man siya.

Anong pakay niya?

❅~✾ 🅜🅘🅢🅢 🅩 ✾~❅

Sorry sa matagal na update guys😭😭

Pramis babawi talaga ako. Pramis ko yan

Killer's StepsWhere stories live. Discover now