👻XX : Flashback💀

153 10 6
                                    

A Killer's Steps

Chapter 20 : Flashback



ALLIAH POV

Nang makapasok na ang mga kasamahan namin ay saka kami pumasok ni Lucas.

Sabay naming sinindihan yung lampara at flashlight na hawak namin ni Lucas..

Napanganga ako sa nakikita ko.

Room of Violin ba to? Kasi naman. Ang buong kwarto ay punong puno ng Violin. Iba't iba ang klase at lahat sila ay magaganda.

Iba iba rin ang mga style at nakakamanha sila isa isa.

"Anong klaseng lugar to" Manghang sabi ni Lucas nagkibit balikat ako saka ko hinawakan yung isang Violin.

Di ko Alam pero may naghuhudyat sa akin na kunin yun.

Nakatitig sa akin si Lucas habang hawak ko yung Violin.

Feeling ko nakatugtog na ako nito. Pero wala akong matandaan nung kabataan ko na tumugtog nito.

Di ko maintindihan.

Nagsimula akong nagtugtog.

Nagulat ako dahil parang bihasa na talaga ako sa pagtugtog nito.

"Alicia Di ganyan ang pag hawak ng Violin! Dapat ganito" napangiti ako habang tinuturuan ako ni Ate Layla magviolin.

"Paano po ba dapat ate?" masayang tanong ko. Ngumiti naman siya saka siya lumapit at tinuruan ako.

"Ganito yan Alicia. Yung kanang kamay mo ang dapat ihawak dito. At ang kanang kamay ang hahawak sa mahabang ito at dyan ka makakagawa ng tunog" nakangiting pagtuturo sa akin ni Ate Layla kaya ngumiti ako saka tumango sa kanya.

"Salamat Ate"

"Alli!? Ayos ka lang?!" Isang iglap napatingin ako kay Lucas na niyuyugyog ako

"Ah. Ahhh!" Impit na sigaw ko nang biglang sumakit ang ulo ko. Parang binibiyak. Parang may kung anongg pinupukpok doon.

"Alli?! Alli aning nangyayari say-- ahh!" sigaw din ni Lucas at hinawakan din ang ulo niya.

Anong nangyayari? Bat ganito?! Ahh! Ang sakit! Ahhh!

Isang iglap ay nakakita ako ng puting liwanag.

"Alliah" Napalingon ako at nakita ko si?

"Rica?" Nagtatakang tanong at isang maikling ngiti lang ang binigay niya sa akin.

"Alliah ay hindi Alicia. Nakahanda ka na bang lakbayin ang nakaraan mo?" Nakangiting tanong niya pero naguguluhan ako. Anong nakaraan?

"Nakaraan? Anong nakaraan? Anong pinagsasabi mo? Asan si Lucas?" sunod sunod na tanong ko sa kanya pero isang ngiti lang ang ibinalik niya sa akin kasabay ang pagliwanag ng buong paligid.

Ang sakit sa mata!

"Alicia! Halika!" Napalingon ako sa boses ng babae. Ang ganda niya Nakita ko ang siguro ay kaedad ko na babae na tinatawag ang batang siguro ay nasa limang taong gulang pa lamang

"Ate! Wow dala mo ang paborito kong Pang musika" Natutuwang sabi ng bata yun. Ang cute niya pero pamilyar siya. Parang.

Ako.

"Alam mo ba Alicia? Nakapaglakbay ako ng kauting panahon sa hinaharap! At alam mo kung ano ang tawag nila sa bagay na to?" kitang kita ko ang pagka exite sa batang yun na Si Alicia pala.

Killer's StepsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora