👻XXI : The Killer💀

176 13 12
                                    

A Killer Steps

Chapter 21: The Killer

ALLIAH POV

Magkahawak kamay naming tinatahak ni Lucas akong paalis sa kwartong pinasukan namin.

Dinig na dinig ko ang malalim na paghinga niya. Ganun din sa akin.

Pero di namin ininda yun. Basta makakalabas na kami.

Oo Tama sabi ni Lucas, nag message na daw sina Seb na nakita na nila yung daan palabas, at doon ay sa pintong pinasukan nila..

Nabalitaan na din namin ni Lucas na wala na pala si Liam at Knoxx.

Masakit? Syempre Oo. Yung makitang unti unting nauubos ang mga kaibigan mo dahil sayo. Alam kong dahil yun sa akin. Ako ang isinumpa! Dapat ako lang ang magdusa! Bat pa nadadamay ang mga kaibigan ko? Bat pa nadadamay amg pamilya ko? Kung ganito lang edi sana di nalang ako nabuhay sa kasalukuyang panahon.

Hawak na ni Lucas ang door knob ng pintong maglalabas sa amin sa kwartong pinasukan namin.

Sandali kaming naghabol ng hininga saka namin binuksan ang pinto.

"Jomelyn!" Malakas na sabi ko saka ako lumapit kay Jomelyn para i check lahat ng katawan niyang may Liam. Hawak siya ngayon ni Cjay at ginagamot siya ni Seb.

Yes di pa sila nakakalabas ni Mae. Hinitay niya kami dahil ang gusto daw nila ay sabay sabay kaming lumabas.

"Okay na ako " nanghihinang sabi ni Jomelyn saka siya dahan dahang tumayo. Tapos na kasi siyang gamutin ni Seb at ngayon ay inililigpit na ang mga gamit sa ginawa niyang paggamot.

"Sigurado ka?" nagaalalang tanong ni Mae at tanging ngiti at tango lang ang isinagot ni Jomelyn.

Inalalayan siyang patayuin ni Big bro saka kami nagtanguan at pumasok sa kwarto kyng saan pumasok sina Mae kanina.

"Ano 'To?" naguguluhang tanong ni Lucas nang makita namin ang Kwarto kung saan pumasok sina Mae .

"Salamin?" Pagsasagot ni Big bro kaya sabay sabay namin siyang tinignan ng masama.

"I mean bat ganito tong kwartong to" pagtatama ni Lucas kaya panandaliang napanganga si Big bro na parang nagets na niya ang ibig ipahiwatig ni Lucas.

"Oo Ganito na talaga to nung pasukin namin kanina" pagsasagot ni Seb sa tanong no Lucas laya saglit kaming napatango.

"Tara na" mahinang sabi ni Mae saka sila naunang maglakad ni Seb .

Nakakatakot.

Ang makita ang sarili mo sa salamin.

Feeling ko kasi parang may tumitingin sa amin. Na sa tuwing tumitingin ako sa salamin ay hinde ang sarili ko ang nakikita ko.

Parang nakikita ko si Alicia na nagmamakaawang iligtas ko siya.

Di ko maintindihan pero naguguluhan na talaga ako.

Pakiramdam ko ay may mga kailangan pa akong malaman.

May mga tanong pa akong kailangang masagot.

Pero di ko alam kung ano ang mga yun.

"May tatlong daan! Mag hiwa-hiwala-" di natuloy ni big bro ang sasabihin niya nang putulin siya ni Seb.

"Di na kailangan. Pare parehong daan lang ang tinutungo ng bawat sulok na yan. Sa tingin ko may mainam na dumaan tayo sa kanan" sabi niya kaya wala kaming nagawa kundi ang sumunod. Marahan akong tumabi kay Mae para sa mga tanong na nabuo sa akin.

Killer's StepsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora