👻XIX : Alicia Cruz💀

180 8 16
                                    

A Killer's Steps

Chapter 19 : Alicia Cruz

AUTHOR'S POV

Sunod na pumasok sa ikalawang pinto sina Knoxx, Cjay, at si Jomelyn.

Sabay sabay nilang binuksan yung mga dala nilang flashlight.

Saglit silang namangha sa nakikita nila.

Isang silid na punong puno ng mga paintings ang nakikita nila ngayon.

Iba't ibang klase ng paintings na alam nila na nanggaling pa noong sinaunang panahon.

Halos umikot na ang mga ulo nila kakalibot sa silid. Bawat painting ay may parang kwento sa loob loob dahil di nila maipaliwanag ang hiwagang nararamdaman nila tuwing tititig sila sa bawat isa sa mga painting na tinititigan nila. Punong puno iyon ng hiwaga.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad sa pasilyo habang tinititigan ang bawat isang painting na nakikita nila. Nangunguna sa paglalakad si Cjay dahil siya ang pinaka matanda sa tatlo.

Maya maya pa ay napatigil si Cjay kaya sabay na napakunot noo ang dalawa sa likuran niya.

"Kuya Cjay. May problema ba?" tanong ni Knoxx.

"Oo, may dalawang pinto. Saan naman dito ang daan?" tanong ni Cjay na di naman nagawang sagutin ng dalawa.

Nagkatinginan silang tatlo hanggang sa bumuntong hininga si Cjay sa kanila.

"Sige na, Knoxx at Jomelyn. Sa unang pinto kayo magpunta. Ako na dito sa ikalawang pinto" nakangiting sabi ni Cjay na ikinabahala naman ng dalawa.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Kuya?" tanong ni Jomelyn na may halong pag aalala. Tumango naman si Cjay bilang sagot saka siya ngumiti sa dalawa.

Napatango din ang dalawa. Saka sila sabay na pumasok aa unang pinto.

Dinig na dinig ni Cjay ang pagsarado ng dalawa sa pintong pinasukan nila.

Huminga muna ng malalim si Cjay saka niya pinihit ang pintong nasa harapan niya at pumasok.

Agad na pumasok si Cjay sa kwarto. Bawat sulok ay dinaanan niya ay inilawan gamit ang flashlight pero nabigo siya dahil wala naman siyang nakitang pinto o pasilyo. Isang Simpleng kwarto lamang yun na punong puno ng kagamitan.

Akmang aalis na sana si Cjay nang biglang mapako ang tingin niya sa Pinakamalaking Painting.

Kakaiba ang painting na ito dahil bukod sa lahat ng Painting na nakita niya sa buong bahay, ito ang pinakamalaki.

Nilapitan niya yung Painting. Saka dali dali niyang binuksan yung dala niyang lampara dahil kulang ang ilaw na naibibigay ng flashlight sa kanya.

Nang masindihan niya ang lampara ay agad niya iyong iniharap sa malaking painting na nasa harapan niya.

Ganoon na lamang ang pagkagulat nita nang makita niya ang taong nasa painting.

"Lil sis?" nagtatakang tanong niya. Tama dahil ang painting na nasa harapan niya ay kamukhang kamukha ng kapatid niya. Ang pagkakaiba nga lang ay ang pananamit ng dalaga na halatang sinauna na.

Nabaling ang tingin niya sa Nakaukit sa may ibaba ng painting.

Agad niyang nilapitan yun at binasa.

Sa Painting, nakalagay doon ang pangalang "Alicia Cruz" Ang kapanganakan na "August 4, 1876" at ang araw ng kamatayan "November 30, 1896" Ngunit ang mas nagpalito kay Cjay ang nabasa niyang "Third Generation White Witch" Sa gilid nito.

Killer's StepsWhere stories live. Discover now