👻XV : Going Back💀

182 11 5
                                    

A Killer's Steps


Chapter 15 : Going Back


ALLIAH POV

"Alli pwede umupo ka muna? Nahihilo ako sayo e!" Sabi ni Seb kaya inis akong napaupo sa tabi nila. Kanina pa kasi ako pasikot sikot sa harapan nila. Nasa bahay kami ngayon nagiisip kami ng pwedeng solusyon sa nangyayaring kababalaghan sa amin.

Kailangan naming gumawa ng paraan bago kami maubos isa isa.

"Seb. Sigurado ako! Si Rica yung nakita ko sa kotse. Sigurado ako doon!" naginginig sa sabi ko kaya biglang kumunot ang noo nila.

"Ibig mong sabihin Lil sis, si Rica ang may pakana ng lahat?" tanong ni Big bro. Oo nandito siya. Tutulong daw siya sa amin. Nag aalala siya sa kaligtasan ko at natutuwa ako dahil may kapatid ako na gaya niya.

"Di ko alam big bro. Pero di Imposibleng mangyari yun" sagot ko sa kanya saka ko hinawakan yung sintido ko at sandaling hinilot yun.

"Sigurado akong may kinalaman yon sa pag stay at paglalaro natin ng spirit of the glass sa lumang bahay niyo" Sabi ni Janneth kaya napatango kami.

"Ano?! Naglaro kayo mg spirit of the glass?! Alli ba't di mo sinabi?!" galit at pasigaw na tanong ni Big bro kaya napayuko ako saka ako nagsorry sa kanya.

Sa huli ay naiintindihan niya ako.

"Pero Alli. Ano nang gagawin natin? May naiisip ka bang plano?" tanong ni Lucas kaya napatango ako.

"Iisa lang ang naisip kong paraan" sabi ko sa kanila. Kitang kita ko naman sa kanila ang kasabikan nila sa plano ko.

"Ang bumalik sa bahay na yun at doon tayo maghanap ng solusyon" sabi ko dahilan kaya mapatayo si Knoxx sa sinabi ko.

"Ano?! Nababaliw kana ba Alli?! Maa-aring mapahamak lang tayo! Baka mas lalo lang nating magambala at baka mamatay tayo!" takot na sagot ni Knoxx.

"Knoxx! Huminahon ka! Sang ayon ako kay Alli. Kailangan nating labanan to! Maghanap tayo ng lunas! Kesa naman tumunganga lang tayo dito at hintayin natin na maubos tayo isa isa!" pasigaw din na sabi ni Liam kaya walang nagawa si Knoxx kundi ang di magsalita.

"Sang ayon din ako" sabi ni Mae saka siya lumapit sa akin kaya napangiti ako.

"Ako din" matapang na sabi ni Johara kaya nag mouth ako ng 'thank you' sa kanya.

"Pati ako" Si Janneth lalo akong napangiti.

"Count me" Si Jomelyn.

"Ako syempre" Seb.

"Ako din" sabi ni Lucas kaya ngumiti ako sa kanya. Isa nalang, tinitigan namin si Knoxx at hinihintay siyang magsalita.

"Sige na Bro. Kaya natin to" Matatag na sabi ni Liam kaya napabuntong hininga si Knoxx.

"Sige na nga. Wala naman na akong magagawa" isang iglap ay bigla kaming nag group hug. Barkada kami! Sama sama namin tong malalampasan.

"Sasama narin ako" napalingon ako kay Big bro na nakangiti sa amin.

"Para makasigurado, sasama na ako" sabi pa niya kaya agad ko siyang hinila saka sumali sa group hug namin.

***

Malakas na ulan kasabay ng kulog at kidlat ang sumalubong sa amin nang makarating kami sa dati naming bahay. 3:00pm palang pero madilim na dahil sa ulan.

Tama nadito na kami.

"Nahanda niyo na ba lahat?" seryosong tanong ko kaya napatango silang lahat kasabay ang malakas na kulog.

Ang tinutukoy ko ay mga flashlights at mga pagkain saka extra batteries, Pati natin lampara.

Dahil sa basement kami maghahanap. Doon namin nakita ang spirit of the glass kaya malakas ang kutob ko na doon kami makakahanap ng sagot sa mga nangyayari sa amin.

Nasa harap na kami ng basement ngayon at palakas parin ng palakas ang kulog. Pinapayungan ako ni Lucas habang binubuksan ko yung lock.

"Ah Alli? Di ba pwedeng ipagbukas nalang?" Natatakot na tanong ni Johara kaya marahan akong napailing.

"Di pwede Johara. Umaandar ang oras. Masasayang ang oras natin. Di natin alam ang pwedeng mangyari. Maa-aring isa nanaman sa atin ang mamatay" sabi ko kasabay ang pag unlock nung pad lock. Saka ako humarap sa kanila. Ang lakas padin ng ulan at ang dilim na.

"Tara na" sabi ko kaya sabay sabay kamung napatango at Bumaba na ng hagdan.

Medyo humina ang Tunog ng kulog at kidlat nang maisara na ni Big bro yung pinto sa basement at binuksan namin yung mga dala naming lampara at flashlight.

Yun ang ginamit namin. Naglibot libot kami kami gamit yun. Madaming lumang gamit ang nakadisplay.

May mga Paintings. Pero yung mga painting ang creepy! Yung parang tungkol sa mga mangkukulam at mga dolls. May mga mesa, upuan, at kung ano ano pa.

Patuloy lang kami sa paghahanap nang bigla akong mabunggo aa isang bagay. Inilawan ko yun at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong Isang malaking piano yun.

"Piano?" takang tanong ni Liam kaya napatango ako. Si Liam ang pinakamagaling magpiano sa amin pati si Janneth.

Marahan niyang pinindot yun ni Liam may tunog pero hindi lahat. Mga mga tiles na hindi na tumutunog. Dala siguro ng katandaan.

"Alli! Alli!" mahinang tawag ni Janneth kaya agad akong nagpunta sa kanya.

"Bakit?" tanong Ko nakita ko siya na parang may tinititigang painting.

"tignan mo to" sabi niya saka ako lumapit sa kanya at tinignan yung tinitignan niya. Ganun din yung iba sumilip din sila.

Nanigas ako sa nakita ko.

"Alli. Bat nandyan ka?" nagtatakang tanong ni Jomelyn. Di din ako makasagot.

Bakit ako nandun?

"Hindi. Imposibleng ako yan" sabi ko kaya nagets nila yung point ko.

"Kamukhang kamukha mo siya. Ang pagkakaiba nga lang ay yung damit niyo. Masyadong makaluma yung dating ni ateng" sabi ni Johara kaya napatango ako. Lumapit naman Si Lucas sa painting..

"Alicia Cruz" basa niya. Di ko napansin na neron palang pangalan sa gilid ng frame

"Alicia Cruz ang pangalan ng babaeng yan?" tanong ni Knoxx sabay sabay kaming nagkibit balikat.

"Pero lil sis kamukhang kamukha mo" sambit ni Big bro pero nakatitig parin ako sa painting.

Alicia Cruz.

Alicia.

Tama! Nakita ko ang pangalan na yan noong namatay si Aeroll.

Pero anong kinalaman nun sa amin? Bakit kami pinapatay isa isa?

At bakit parang

Ako itong nasa picture?

"Tara na Wala tayong mapapala kung tititigan lang natin ang painting na yan. Kailangan nating maghanap" sabi ni Mae kaya sabay sabay kamung napatango.

Maya maya pa ay naunang naglakad si Mae nang biglang...

"MAE!"

______________

Hala! Ano kayang nangyari kay Mae? At sino kaya si Alicia Cruz?

Killer's StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon