👻IV : Dead💀

279 19 19
                                    

A Killer's Steps

Chapter 4 : Dead


ALLIAH POV

"Ang saya naman at may bago sa grupo" kumento ni Giovanni saka siya nagtatatalon. Ok? Medyo bata

Napangiti nalang ako sa mga ikinikilos nila. Salamat at nandito sila, at may kaibigan ako

Sa gitna ng pag uusap nila, nakita kong may lumapit.

Si Adrian kitang kita ko parin yung pagsunod nung babae sa kanya. Nakita ko naman si Adrian napasulyap siya sandali kay kina Mae, Jomelyn at Johara.

"Uy mga bro! Nanjan na si coach. Practise na daw tayo" Lumungkot naman ang mga expresyon nila sa balita ni Adrian samantalang ako ay seryosong nakatingin sa babae na nakasunod kay Adrian.

"Ah oo nga! Alis nadin ako! May Tennis practise pa ako e" paalam din ni Nisha saka siya umalis.

Napansin kong napatingin naman si Adrian sa akin.

"may problema ba sa akin miss?"

Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita siya.

"ah-eh wala" nauutal na sabi ko sabay yuko. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan? Natatakot?

"Sige na Jerianne alis na kami" Paalam ni Oliver saka niya hinalikan sa pisngi si Jerianne saka sila umalis ng mga kasama niya.

Napatingin muli ako kay Adrian.

Sana wala lang yun.

***

"Bye" nakangiting sabi ko kina Johara saka ako pumunta sa mansyon namin. Kumatok ako at pinagbuksan naman ako nung head maid.

"Good Afternoon ma'am" bati nito sabay yuko. Yumuko nalang ako pabalik.

"Nanjan na po ba si Daddy? E si Big bro?" sunod sunod na tanong ko. Pero umiling lang sila.

"Wala pa po sila" Yumuko namn ako saka ako pumasok at nagpunta sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at tumalikod sa pinto saka ko tinanggal yung sintas ko ng sapatos sa kanang paa ko.

Nagsapatos kasi ako nung nagvolleyball practice kami kanina..

Nakarinig naman ako ng pagbukas at pagsarado ng pinto kasabay ang pagkita ko sa anino ni big bro sa pader na kaharap ko.

"Nakakainis ka talaga big bro! Iwan ba naman ako sa tapat ng school mo? Di makatarungan yun!" Inis na sabi ko sa kanya sabay tanggal nung sapatos at medyas ko sa kanang paa at isinunod ko naman yung sintas ko sa kaliwang paa.

Di naman siya sumagot. Aba! Ganun?

"Ano di ka sasagot? Ganyan ah! Isusumbong kita mamaya kay Daddy!" Iritang sabi ko sa kanya. Haist!

Natapos ko narin ang pag tanggal sa sapatos ko kaya inis na nilingon ko siya.

"isusumbong talaga kit-" di ko natuloy ang sasabihin ko. Asan na siya?

Lumingon ako sa likuran ko nagbabakasakali kung nandoon pa yung anino pero wala.

Baka naman pinagtitripan ako ni big bro.

"Big bro naman! Labas kana! Isuusumbong talaga kita kay Daddy!" inis na sabi ko kasabay ang pagbukas ng pinto.

"Lil sis! Im home! Sorry nga pala kanina ah? Late na talaga ako e! Nag overtime pa kami ngayon tsk" inis na sabi niya sabay tingin sa relo niya. Halata sa mukha niya ang pagkainis at pagod.

"B-big bro" nanginginig na sabi ko sabay ang pagupo niya sa kama saka niya tinanggal yung sapatos niya. Imposible kasing maid yung pumasok dito kasi lahat ng maid bamin ay naka bistida at yung nakita ko kanina ay lalaki. Lalaking anino. Hindi rin pwede na mga body guards dahil di sila pinapapasok ng bahay.

Killer's StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon