👻Last XXIII : The Truth💀

227 12 3
                                    

ALLIAH POV

Pangmulat ng mata ko ay isang paraiso ang nakikita ko.

Isang magandang lugar na punong puno ng halamaan at puno.

Napakaganda.

Sa gitna ng magagandang tanawin ay nakita ko ang isang maliit na bahay.

Napakaganda punong puno mg bulaklak ang nakapalibot bahay na yun.

"Yan ang tirahan natin noon" napalingon naman ako nang may nagsalita sa likuran ko.

"Jomelyn?" nagtatakang tanong ko pero isang ngiti lang amg ibinigay niya sa akin.

"Yan ang time nung ipinanganak ka Alicia. Tuwang tuwa ako nun. Sa wakas ay magkakaroon na ako ng kapatid. Makakaramay at maalagaan. Kaya sa pagdating mo, nangako ako sa sarili ko na mamahalin at poprotektahan kita" sabi niya kasabay ang pagtingin ko sa isang bata nasa edad 14 na may hawak na baby.

Si Ate Layla.

Maya maya pa ay biglang nagdilim.

"Layla! Itakas mo na si Alicia! Delikado na dito!" Napalingon ako nang marinig kong nagsalita. Napatingin ako at nakita ko si Layla na tinatakbo ang 5 years old na bata sa gitna ng gubat.

"Yan yung time na pinapaalis tayo kasi inaatake tayo ng taong bayan" napalingon ako kay Layla na ngayon ay bakas sa mukha niya ang pagkalungkot.

"Itinakas kita at nagtago tayo sa gitna ng gubat buong gabi. Inalagaan kita at sinabing ok lang ang lahat" kita ko naman ang pagtulo ng luha niya.

Yun! Yun yung napanaginipan ko.

"Alicia bilisan mo!" Pagalit na sigaw sa akin ni ate. Kaya pinilit kong tumakbo kahit na sibrang hingal at pagod na ako. Bakit ba kasi kami hinahabol?

"Ate sina Ina? ano nang nangyari sa kanya?" umiiyak na sabi ko habang tumatakbo.

"Wala na sila Alicia. Malamang wala na" halos naiiyak na sabi ni Ate sa akin habang hawak ang kamay ko.

"Mga lapastangan! Bumalik kayo dito!" sigaw ng isa sa mga taong bayan na naghahabol sa amin.

Babagsak na sana ako nang hinawakan ako ni ate sa kamay at itinayo ako saka tumakbo.

Takbo lang kami ng takbo halos di ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ng paa ko dahil sa daan ako nakatingin.

Maya maya pa ay bigla nlang akong natumba. Nakita agad ako ni ate kaya dali dali niya akong pinasan.

"wag kang mag alala nandito si ate. Wag ka nang matakot" Sabi niya habang pasan ako sa likod. Natarakot ako. Unti unti na akong nawawalan ng malay dahil sa pagod nang marinig kong magsalita si ate.

"wag kang mag alala Alicia. Gagantihan natin sila"

"Matapos nun ay bumalik na tayo sa bahay. Pero huli na dahil tupok na ng apoy ang bahay natin at nakasabit sina mama at papa sa dalawang krus na halos di na makilala dahil tupok sila ng apoy" pagtutuloy niya. Sa di inaasahan ay napaluha din ako sa kanya. Di ko alam wala akong alam.

"Kaya lumayo tayo sa bahay na yun. Kinuha ko lahat ng yaman natin at nanirahan tayo sa bayan na para bang normal na tao lang. Pinrotektahan kita at inalagaan na parang nanay, tatay at ate mo. Ginawa ko lahat para sayo. Mahal na mahal kita Alicia" huminga siya ng malalim at tumingin ng panandalian sa akin.

"Pero nanaginip ako. Nanaginip ako na sa hinaharap ay mamamatay ka at ang magiging kasintahan mo" nanigas ako sa sinabi niya at napatingin ako sa kanya.

Killer's StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon