👻Epilouge : The New Beggining💀

219 18 8
                                    

A Killer's Steps

Chapter 24 : A New Beggining

ALLIAH POV

Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ko.

Tapos na lahat. Nasa bahay na ako. Nandito na ako. Nagiisa.

Sa isang iglap ay biglang tumulo ang mga luha ko.

Wala akong nagawa kundi tumayo na.

Ginawa ko ang morning routine ko.

Habang naliligo ako napatingin ako sa bintana. Nakita ko yung balat ko sa tiyan.

Dito ako binaril noon kasama si Lucas.

100 years ago...

Napabuntong hininga ako saka ako nagpatuloy sa paliligo.

Nagpapalit na ako nang makarinig ako ng ingay sa baba.

"Paano namAn magkakaingay e magisa lang ako?" tanong ko sa sarili ko. Nagsuot ako ng uniform at bumaba.

Pero nanlaki ang mga mata ko na sa nakita ko.

"Alliah! Buti naman gising kana anak halika na at kumain na!" sigaw ni






Mommy?

Sa sobrang saya ko ay mabilis pa sa isang minutong bumaba ako ng hagdan at niyakap siya ng mahigpit.

O lord heto ba?
heto ba yung sinabi ni ate Layla?

Mabubuhay ako ng payapa at kasama sila.

"A-anak? Anong nangyayare sayo?" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Wala naman po mommy namiss lang kita" sabi ko saka ako mgumiti sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Nakoo! Ang bunso ko namiss agad ako e lagi naman akong nakikita" sabi niya saka ako niyakap at. Ni-sway pa. Hay mommy kung alam mo lang na namatay ka nung 5 years old ako noon.

"Ay ang daya naman yan! Ba't si mommy lang? E kay daddy?" napatingin ako at nakita ko si daddy na napanguso sa akin. Natawa naman ako saka ko siya niyakap.

"Lil sis! Ke aga aga naririnig kita dyan!" sigaw ng tao sa itaas kaya nakangiti akong tumingin.

"Big bro!" sigaw ko saka ako tumakbo at niyakap din siya.

"Akala ko iniwan mo na ako big bro" halos maiyak na sabi habang yakap yakap siya kita ko naman ang pagkalito sa mukha niya.

"Ha? Iiwan? Baket naman? Mommy! Anong nakain ni Bunso! Kinakabahan ako ah!" sigaw ni big bro kaya pinalo ko siya sa balikat.

"'To naman anong akala mo sakin" masayang sabi ko saka ko pinunasan yung luha ko at tumingin sa kanya. Kaya lalong nalito si kuya.

"Mommy! Na po-possesed na si lil sis!" sigaw niya at tumakbo palayo sa akin kaya hinabol ko siya.

"Nako! Ang aga aga naghahabulan nanaman kayo" napatigil ako at nakita ko si ate Jasmin na naka pameywang sa baba at katabi nina Mommy at daddy na natatawang nakatingin sa amin.

Agad akong bumaba at sinunggaban sila ng yakap.

"Ate" nakangiting sabi ko habang yakap yakapa siya.

"Live your life Alicia" nakangiting sabi niya sa akin kaya tinignan ko siya at nakita kong kumindat siya.

"Ate Layla?" Amaze na tanong ko at marahan siyang tumango at Niyakap ako.

Killer's StepsWhere stories live. Discover now