👻III : New Friends💀

341 24 18
                                    

A Killer's Step

Chapter 3 : New Friends

ALLIAH POV

"Lil sis. Ready ka na ba?" sabi sakin ni big bro pero umiling lang ako saka tuloy parin sa pagiyak.

1 linggo na ang lumipas nang namatay si Rica. Di parin ako makapaniwala. Di ko kakayanin na wala siya sa buhay ko. Tinuring ko siyang ina at ate e. Bakit kasi ang aga niyang nawala?

"lil sis. Tama na, nakahanda na sa Van ang mga gamit natin." sabi ni big bro sa akin. Aalis na kasi kami sa lugar na to. Sabi kasi ni Daddy para daw madali kong makalimutan ang mga trahedyang nangyari sa amin sa lugar na ito. Ang pagmatay ni Ate Jasmin at ni Rica.

"Pero big bro... ayokong umalis ditto... ayokong iwan si Rica" umiiyak na sabi ko habang yakap ko yung litrato namin ni Rica. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya saka siya lumapit sa akin.

"lil sis. Napagusapan na natin ang tungkol dito diba? Kailangan na nating umalis. Halika na" wala na akong nagawa nang inilahad na ni big bro ang kamay niya sa akin. Umiiyak kong tinanggap yun saka ako tumayo.

Tahimik lang ako habang umaandar ang Van. Nakatingin lang ako sa labas.

Hanggang sa di ko namalayan ay makatulog na pala ako.

Nagising ako nang makarinig ako ng mga busina. Nasa Lungsod na ata kami e.

Mapatingin ako sa bintana. At tama ako nasa lungsod na nga kami. Kitang kita dito ang mga nagtataasang building at kita ko rin ang Building namin o ang kompanya ng Daddy ko. Tama nasa Manila na kami ngayon. Dito na ata kami titira.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa Bahay este Mansyon to be exact. Maya maya pa ay biglang bumukas ang gate kaya ipinasok na ni Daddy ang Van. Pagpasok palang nagkalat na ang mga maids at bodyguard na nakapalibot sa amin.

Hanggang sa bumaba na si Daddy

"Good Morning po Mr. Yuson" Sabi nung head maid. Bumaba na rin si big bro pero inalalayan muna niya akong makababa.

"Good morning din po Mr. Cjay and Miss Alliah" tumango nalang kami ni Big bro . Bubuhatin ko na sana yung maleta ko nang inunahan ako nung guard.

***

"lil sis! Lil sis! Ano ba! Lil sisssss!" nalaglag ako sa kama ko nang nakarinig ako malakas na sigaw.

"Big bro naman e! Inaantok pa ako!" reklamo ko sabay talukbong sa kumot ko. Ikaw ba naman ang sigawan sa tenga mismo hays! Inaantok pa talaga ako! To naman kasing si Big bro e! Ang aga agang mambulabog!

"ano ba!" Daing ko nang hilain na nga niya ang kumot ko. Dapat hinigpitan ko kapit ko doon.

"inaantok ka diyan. Late ka na oh!" tamad kong tinignan yung Alarm ko.

"big bro naman e! 8:00am ang klase ko! 6:00am pala oh!" sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Ang aga aga niyang manggising. Kainis naman oh!

"ikaw oo, Pero ako maaga ako ngayon! 7:00am klase ko. Kailangan mo nang sumabay sa akin or else maglakad ka papunta sa new school mo" sabi niya sabay ngisi. Big bro naman e!

"Augh! Oo na!" gigil na sabi ko sabay sabunot sa sarili ko saka ako sumeretso sa Cr para maligo.

Bago kasi ang school ko ngayon. Alangang doon ako papasok sa dati e sobrang layo nun. Hayst!

"ok narin" Sabi ko sa sarili ko habang tingin sa salamin. Tinitignan ko kasi kung ok yung uniform namin. At itinali ko paitaas yung buhok ko gaya ng nakasanayan ko.

Tamad kong kinuha yung bag ko saka ako lumabas ng kwarto at pumunta sa garahe at sumakay sa kotse para makapunta sa school.

Killer's StepsWhere stories live. Discover now