👻VII : Killed💀

232 10 13
                                    

Chapter 7 : Killed

ALLIAH'S POV

"Alicia bilisan mo!" Pagalit na sigaw sa akin ni ate. Kaya pinilit kong tumakbo kahit na sibrang hingal at pagod na ako. Bakit ba kasi kami hinahabol?

"Ate sina Ina? ano nang nangyari sa kanya?" umiiyak na sabi ko habang tumatakbo.

"Wala na sila Alicia. Malamang wala na" halos naiiyak na sabi ni Ate sa akin habang hawak ang kamay ko.

"Mga lapastangan! Bumalik kayo dito!" sigaw ng isa sa mga taong bayan na naghahabol sa amin.

Babagsak na sana ako nang hinawakan ako ni ate sa kamay at itinayo ako saka tumakbo.

Takbo lang kami ng takbo halos di ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ng paa ko dahil sa daan ako nakatingin.

Maya maya pa ay bigla nlang akong natumba. Nakita agad ako ni ate kaya dali dali niya akong pinasan.

"wag kang mag alala nandito si ate. Wag ka nang matakot" Sabi niya habang pasan ako sa likod. Natarakot ako. Unti unti na akong nawawalan ng malay dahil sa pagod nang marinig kong magsalita si ate.

"Wag kang mag alala Alicia. Gagantihan natin sila"

❅~✾ 🅜🅘🅢🅢 🅩 ✾~❅

"Alli gising kana?"

"Ay hinde! Tulog pa siya! Kita na ngang nakamulat na e, edi giging na!"

"Oa mo di naman ikaw kausap ko e"

"Gamitin kasi ang utak wag ang ngipin sa harapan"

"Common sense naman kasi hilain ko yang gilagid mo e"

"Tumigil nga kayo dyan! Liam at Aeroll pag untugin ko kayo dyan e" Kumurap kurap ako at nakita ko sina Seb, Liam, at si Aeroll na nasa harapan ko.

"Alli okay ka na ba?" Nag aalalang tanong sa akin ni Seb. Nilibot ko naman yung paningin ko at puro puti ang nakikita ko. May dextrose ding naka lagay sa braso ko.

"Nasaan ako?" tanging tanong ko. Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Liam.

"Wag kang tatayo. Nasa Ospital ka sa Manila" sabi niya. So nakauwi na kami?

"nakauwi na tayo?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. Sabay sabay naman silang tumango.

"nakita ka kasi namin na nakahiga sa sahig nun e kaya masyadong nag alala yung iba kaya napagdesisyonan na umuwi nalang ng Manila" pagpapaliwanag si Aeroll kaya nawala na ang kunot na noo ko.

"E Asan na yung iba?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang sina Liam at Aeroll.

"Sina Knoxx, Oliver, Lucas, Gio ay nasa baba at kumuha sila ng pagkain. Sina Mae, Johara, Jomelyn, Nisha at Janneth naman ay Nasa Doctor at kinakausap kung ano ang kalagayan mo" mahabang lintaya ni Seb kaya napatango ako.

"E si Jerianne?" tanong ko sabay sabay naman silang nagkibit kalikat.

"wala si Jerianne e. Umalis siya kaninang umaga sabi niya may nakalimutan daw siya. Pero hanggang ngayon ay di parin siya bumabalik" napatingin ako sa Orasan at 11:50 na ng tanghali. Nakaramdam naman ako ng gutom kasabay ang pagtunog nung tyan ko.

"Gutom kana ba?" Napatango ako sa tinanong nila.

"Hintayin nalang natin sina Hyung baka bumalik na rin sila" sabi ni Aeroll kaya napatango nalang ako.

Killer's StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon