PROLOGUE

313 94 32
                                    

At first everything sucks but you sunddenly realized you're only at the begining. It will always get better and better. It just happends to get worst sometimes before you go for your own best.

Please don't blink. If you do you'll miss half of everything thats going to happen. This is my story. Welcome.

"Luna, anak! Nandito na yung kaibigan mo!" Sigaw ni mama mula sa sala.

"Opo ma! Pababa na po!" Nagmadali akong nag ayos ng gamit at bumaba patungo sa kinaroroonan nila.

"Good morning bessy!!" Masiglang bati sa akin ni Shanlie.

"Good morning." Sagot ko sa kanya at binaling ko ang tingin ko kay mama na naglilinis.

"Ma naasaan po si papa?"

"Maagang umalis. May bago kasi siyang proyekto."

"Sige po aalis na po kami." Paalam ko sa kanya.

"Hindi na ba kayo kakain?"

"Kumain na po ako sa bahay kanina!" Singit ni Shan.

"Ikaw Lulu?" Tanong ni mama.

"Hindi na po baka ma-late na po kami."

"Sandali lang, magdala ka ng sandwich para hindi ka magutom." Sabi niya at gumawa ng sandwich sa kusina.

Pagkalabas niya sa kusina inabot niya sa akin ang isang paper bag na may lamang sandwich.

"Sige umalis na kayo at baka ma-late pa kayo sa klase niyo."

Nagpaalam na kami at naglakad na papuntang school. Habang naglalakad hindi maiiwasan ang pangungulit ni Shane sa akin buti nalang tumahimik siya noong tinuon niya ang kanyang mata sa cellphone niya.

Pero bigla naman akong napahinto sa paglalakad dahil bigla siyang sumigaw at nag tumalon talon.

"Ano ba Shan! Pati ba naman dito sa kalsada ikaw parin ang staring?!" Nilibot ang tingin ko sa paligid.

"Hay! Hayaan mo sila! Walang basagan ng trip." Tumingin siya ng masama sa mga taong nanunuod.

"Bat ka kasi nagkakaganyan?"

Inabot niya sa akin ang cellphone niya. "Tignan mo! Dali!!"

"Ano ba!" Tinakpan ko ang mga tainga ko.

"Tignan mo na kasi!" Pilit niya sa akin.

"Eh sa ayaw ko!" Para kaming shunga na nagsisigawan sa gitna ng kalsada.

"Eh sa gusto ko!!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba kasi yan?" Ngumiti siya ng malapad.

"Wag nalang pala. Alam ko naman na kung sino ang mga dahilan ng pawawala mo diyan."

"MOONLIGHT FIRE!!!!!" Dahil sa pagsigaw na yon nagsitigil lahat ng nasa kalsada.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now