SIXTEEN

49 13 4
                                    

Its been two days since that day I hugged him again. Two days had passed. Ngayong araw kami bumalik ng Legend High naiwan doon si mama para bantayan si papa. Kinailangan na naming bumalik dahil marami pa kaming hahabulin. Hanggang ngayon hindi parin nagigising si papa. Kagabi, hinatid ako ni Syd sa bahay.

Lagi kong sinasabi sa utak ko na magigising si papa kaya positive vibe lang. Ayaw ko namang malasin buong araw. Kaya kami bumalik ng Legend High ay dahil may mahalaga daw na anouncement si Mr. Jones. Tinawagan niya si Syd kahapon.

Si Syd nga pala, akala ko uuwi na siya two days ago pero pinilit niya na sabay nalang daw kami para maka tipid raw ako. Wala naman akong magagawa dahil sinabi niya na kaya tapos na agad ang usapan. I hate it everytime his bossy but sometimes he is just being practical.

Naglakad ako papunta sa Open Space ng Legend High kung saan nagkukumpulan ang mga estudyante. The Open Space is massive but all of the students are occupying a large part of it. Napansin kong lahat ng estudyante dito sa LH ay nagsamasama sa iisang lugar mula pre school hanggang senior high school.

"Luna! Right here!!" Sigaw Shanlie kaya naman napalingon ako sa direksiyon nila.

Kumaway kaway siya sa akin. Ganon din ang ginawa ko sa kanya bago ako patakbong lumapit sa kanila. Bumati ako sa kanila, bumati din sila sa akin.

"Salamat bumalik ka na. Alam mo ang lungkot dito dahil wala ka." Umpisa ni Shan.

"Kaya nga, isa pa wala din si fafa Syd ko." Diniinan talaga ni Crissy ang salitang 'ko' habang nakatingin sa aming dalawa ni Shan.

"Tumahimik ka nga Crisanto! Hindi siya sa'yo. Hindi kayo talo!" Bulyaw ni Shan sa mukha ni Crissy.

"Oo alam ko! Hindi kami talo pero mahal ko siya!" Bawi ni Crissy sa kanya.

"Hindi maaari dahil ako ang mahal niya!" Ano ito? Telenovela?

"Hindi ka niya mahal!" Kunwaring sinampal ni Crissy si Shan. Umakto naman si Shan na nasasakta.

"Nag live show pa kayo sa harapan ko." Literal na live show talaga dahil marami nang nakatingin sa direksyon naman at ayaw ko ng ganon. My friends like some spotlight but I don't. Ang hanap ko lang ay kapayapaan at katahimikan in english peace and quiet.

May pumalakpak kaya naman napatingin kami doon. Si Angus ang pumapalakpak humiyaw pa nga eh. Ang daming tao pero nakita ko parin yung mga kasama niya dahil nagbibigay sila ng daan para sa kanila.

Kasama niya sina Jett, Cedric at Syd in short Moonlight Fire pero mahaba parin kaya MF nalang. May kasama silang dalawang babae na maganda at cute. Siguro mga aroung grade eight or nine sila.

"Ang galing! Powerpuff Squad talaga kayo." Powerpuff Squad? Really?

"Ano na naman bang naisip mo at natawag mo kaming ganyan?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

"Eh kasi tatlo kayo at dalawa kayong pero may sabit na isa." Turo niya kay Crissy. "Kaya imbes na Powerpuff Girls edi Powerpuff Squad nalang."

"Okay." Tipid kong sagot. Ang haba kasi ng sinabi niya. Napatingin ako sa dalawang babae nakangiti ngayon habang nakatingin sa amin.

"Ah si Natalie nga pala kapatid ko." Turo niya sa cute na babae. Chubby yung mukha niya pero may pagka payat siya. "Ito naman si Scarlett, step sister ni Syd." Ang ganda niya para sa isang nagdadalaga. Ang ganda ng facial features niya. Parang may kamukha siya pero hindi ko lang sigurado kung siya nga iyon.

Teka! Wala naman kaming nabalitaan na kinasal na ulit si Mr. Jones. Hinayaan ko nalang ang mga katanungan ko na manatili sa isipan ko.

"Hello!" Sabay nilang sabi.

"Nice to meet you!" Bati ni Shanlie sa kanila.

"Ang cute cute niyo." Nanggigigil na sabi ni Crissy.

"Kayo din po." Si Scarlett.

"Yan?! Yang pagmumukhang yan?!" Protesta ni Shan.

"Hey, don't shout at my sister." Singit ni Syd. Nag pease sign nalang si Shan sa kanya.

Maya-maya pa dumating na din si Mr.Jones. Umakyat siya sa napakalaking stage na may background na logo ng LH.

"Good morning my fellow students. I'll just get straight to the po because you need to attend your respective class. Next week we will our school festival. A week long school festival. Where every clubs and year level must have a booth or own event in that particular week. Later in the afternoon all of you will start preparing until tomorrow. You only have a day and a half so there is no time to waste." Nilibot niya ang tingin niya sa lahat ng estudyante. "If you have questions I'll be in my office." Pagkatapos nun naglakad na siya paalis at nagsibalikan na kami sa kanya kanya naming klase.

Hapon nandito ako ngayon sa clubroom ng Music club o kung minsan tinatawag din itong glee club. Pinatawag kasi nila ako. I dunno. Kanina nagpunta na ako sa Arts club para maghanda ng booth para sa school festival. Hindi naman ako isa sa mga club officers kaya wala na akong gagawin pagkatapos nun.

"Ang Moonlight Fire ang mag oopening number susunod si Clea, Dan, Jade para sa solo performance." Umpisa ni Bryce, President ng Music club. Kaunti lang kami kumpara sa dami ng member ng Music club.

"Freya at Gio kayo ang susunod kay Jade. Susunod naman sina Ken at Fey." Lumingon si Bryce sa akin at ngumiti.

"Luna susunod ka sa kanila. Don't worry kasama mo sa stage si Syd. He will guitar for you after that you're gonna sing with Moonlight Fire. All of you will sing or play at the last day of our festival. Bukas na po tayo magprapractice. Thank you. You may go now."

That was fast. Hindi ko akalain na pakakantahin ako ni Bryce sa harap ng mga tao and worst dalawang beses pa. I like to draw eyes but I don't like people's stare. Because they judge easily.

Lumapit sa akin ang MF. Jett and Angus gave me a smile while the two just stared at me. Minsan nagiging creepy na yung tingin ni Cedric sa sakin dahil kada titingin siya parang may nakita siyang kakaiba o may hinahanap si sa akin.

"Luna sabay na tayong bumalik sa classroom." Sabi ni Jett. Nag alangan naman akong sumagot sa kanya.

"Ah eh.. sige." Nahihiya kong banggit.

"You're so cute." Sabi niya. Kumindat pa siya sa akin nang biglang nagdabog si Syd. Ano bang problema nun?

"Dude back off, she's off limits." Biglang namang sabi ni Cedric at umalis siya ng walang pasabi. Pati rin pala si Cedric may problema din.

Ang weird talaga ng lalaking yun. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa utak niya. Masyado siya misteryoso para malaman ko.

Chasing StarsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora