FOUR

93 43 10
                                    

What a day! Yun lang ang masasabi ko sa nangyari noong isang araw. Let's just forget about that. Keep moving forward.

As of now nag lalakad na ako pababa ng mahiwagang hagdan. Oo mahiwaga talaga ang hagdan namin dahil dito ako laging napapahamak.

Gaya nga ng sabi ko mahiwaga ito kaya natapilok ako habang naglalakad ako papaba. Take note naka rubber shoes lang ako. Baka gutom lang yan!

"Good morning!" Bati ko sa kanila mama at papa pagkababa ko.

"Good morning nak." Bati din ni papa.

Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi bago umupo sa upuan.

"Sabado ngayon, may pupuntahan ka ba?" Tanong ni mama habang naghahain ng mga pagkain.

"Mayroon po, sinasama po ako ni Shan sa isang concert."

"Ganon ba? Mag iingat kayo doon baka atakihin ka nanaman ng hika mo." Pag aalala ni mama.

"Wag niyo na po akong alalalahanin kaya ko na po ang sarili ko."

Pagkatapos naming kumain nagbasa ako ng libro sa itinayong garden ni mama. Mas gusto kong magbasa sa mga garden kaysa sa library. Mas fresh, mas maganda ang view tapos open area kaya pwede kang magliwaliw.

Tahimik lang akong nagbabasa na parang walang iniinda. Dinadamdam ko ang bawat pagkatao ng nasa librong binabasa ko. Pero natigil ako nung may sumulpot sa likod ko.

"Luna! Halika na! Late na tayo!"

"Akala ko ba 8 pm yung concert eh 8 am palang naman."

"Kahit na! Marami nang tao doon! Yung iba nga doon na natulog eh."

"Shanlie naman, masyado pang maaga. Makakasingit pa tayo doon."

"Last concert na kaya ng Moonlight Fire. Kaya sige na please! Lets go na!" Malungkot niyang tigon.

"So iiyak ka na niyan? Bat kasi hindi nalang si Crisanto?"

"Ayaw ko ng kaagaw. Gusto ko ako lang."

"Ang tanong, sa iyo ba sila? Gusto ka na nila?"

"Dalawang tanong yun beks." Tinaas niya ang tatlong daliri niya.

"Shunga! Tatlo yan eh!" Dinuro ko ang mga daliri niya.

"Hanggang kailan ba tayo maglolokohan?" Tumayo na ako.

"Sige sasama na ako sa isang kondisyon. Ilibre mo ako ng fries at ice cream."

"Yun lang pala. Tara na!" Hinila niya na ako papasok ng bahay para magpaalam sa kanila mama at papa.

"Tita! Tito! Mauna na po kami ni Luna!" Kahit kailan talaga feel at home tong babaeng ito.

Tumakbo na kami papunta ng McDo para bumili ng french fries at ice cream pero sa kinamalas malasan nga naman. Sobrang haba ng pila. Ano ito? May nagpapamigay ba ng relief goods?!

Sumabay na kami sa pila. Mga sampung minuto na kami naghihintay wala parin kami sa gitna. Teka nga! May sumisingit ba?

Nakita ko sila Olivia kasama si Sambo at yung mga palaka niyang alalay. Si Sambo ang tinuturing na school gangster. Akala niya ang cool niya pero ang pangit niya naman. Mas maitim pa nga siya sa black eh! Pag titignan mo yung picture niya kahit na ilagay mo sa pinakamataas yung brightness ng cellphone mo, dude! Wa-epek!

Lumapit sila sa isang babae na mukha ding nerd na kagaya ko. Dalawang costumer nalang bago siya susunod na kuhanan ng order. Nagsalita si Sambo pero hindi ko marinig dahil sa ingay ng mga tao. Mukhang natakot yung babae kaya umusog agad siya at pinasingit sila Olivia.

"Shan, tingin ka sa kanan mo may makikita kang dark forest na may kasamang wild animals." Kinalabit ko si Shanlie na nasa tabi ko ngayon. Na gets naman niya angad ang sinabi ko.

"Oo nga, sa lahat pa ng lugar dito pa sila pupunta. Over populated na nga dito mag dadagdag pa sila ng pollution." Sagot niya habang nakatingin sa kanila.

Buti nalang bumilis na ang pagdaloy ng pila at mabilis kami nakarating sa harap na cashier. Natapos kami sa pag oorder ng hindi kami napapahamak o nagkaroon ng kahit anong galos sa katawan.

Nahagilap nanaman ng mata ko sila Olivia na mukhang nagkakasiyahan habang papalabas ng mcdo. Nagpapasalamat ako dahil hindi nila kami nakita dahil alam kong mapapahamak nanaman kami pag oo. Tanong ko lang, bakit kaya sa mcdo sila pumunta diba maarte yun? Bumuntong hininga ako at binalik ko ang tingin ko doon sa cashier na naglalagay ng pinamili naming pagkain.

Pagkatapos ng lahat nakalabas din kami sa wakas! Dumeretso na kami sa isang coliseum na pag gaganapan ng concert. Kagaya sa McDo hindi ko sukat akalain na halos umabot na sa pinto ang pila. Ngayon lang ako nakapunta sa ganito kalaking concert.

"Sabi ko sa'yo eh! Dapat mas maaga pa tayo!" Pagmamaktol ni Shanlie.

"Balak mo ba akong pahirapan? Buti nga pumayag akong sumama sa'yo at maging supportive na kaibigan."

"Feeling ko tapos na yung concert ng Moonlight Fire hindi pa tayo nakakapasok." Malungkot niyang saad.

"Wag ka ngang OA. Hindi naman magsisimula yan kung hindi na nakakapasok lahat."

After 123456789 years na paghihintay hindi parin sapat yun para makapasok kami sa loob pero may nafefeel ako na lalabas na.

"Shanlie, punta lang ako ng comfort room."

"Sige, bilisan mo baka mawala ka pa."

Patakbo akong maglakad kakahanap ng comfort room. Wala akong mahanap! Tumakjo ako ulit pero sadyang wala talaga akong makita kaya lumapit ako kay manong guard para magtanong.

"Kuya pwede pong magtanong?" Panimula ko.

"Nagtatanong ka na iha. Ano yun?" Pilosopo pala si kuya.

"Saan po dito yung cr?"

"Mukhang kailangan mo talagang mag cr, eh kay lamig dito pinapawisan ka pa." Who you ka ba kuya?!

"Ah, eh mainit lang po talaga. So saan po yung cr?" Medyo naiirita na ako.

"Banda doon!" Tinuro niya ang kaliwang daanan. Wow naman kuya nice answer!

"Salamat po!" Tumakbo na ako hanggat kaya ko pa. Sa sobrang laki ba naman nitong lugar na ito sa tingin ko hindi ko na mahahanap pa ang cr dahil lang sa binigay na impormasyon ni manong guard.

Pero sabi nga nila, pag hindi pa happy wala pang ending! Tama ba yung sunabi ko? Basta! Nahanap ko na rin sa wakas ang confort room. Agad agad akong pumasok. Natapos din ang paglalakbay ko mula sa ehipto patungong inidoro.

Kakatapos ko lang ilabas lahat ng sama ng loob ko nung may narinig ako ng kaluskos ng pinto at sunod sunod na pag bagsak ng mga gamit at pagpatay ng ilaw.

"Sino yan?!" Nagaalangan kong tanong. Nagmamadali kong hinanap yung alcohol ko pero hindi ko mahanap. Napamura nalang ako sa isip ko.

Nagtanong ako ulit kung sino iyon pero wala sumasagot. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang pintong nasa harapan ko ngayon pero hindi ko pa tuluyang nabuksan yung pinto may bigla nalang may humawak sa kamay ko at humila sa akin. Isinandal niya ako sa malamig na pader. Napapikita ako sa sakit ng pagkabagsak ng ulo at likod ko.

Ramdam ko ang hininga niya sa sobrang lapit ng mukha niya. Nararamdaman ko din ang titig niya kahit na nakapikit ako.

"That smells disgusting." Napamulat ako agad dahil sa boses na iyon. Walang hiya ka Syd!!

Chasing StarsWhere stories live. Discover now