ELEVEN

46 28 11
                                    

Lagi nalang sumasakit ang ulo ko. Hindi ko alam pero may nga lumalabas na imahe pero hindi ko maintindihan kung ano iyon.

"Masakit pa ba ang ulo mo?" Tumango ako.

"Magpahinga ka na muna uuwi lang ako sa amin, hinahanap na kasi ako ni daddy eh."

"Salamat Shan." Niyakap niya ako at pinahiga sa kama bago umalis.

Tumingin ako sa kisame at nag isip ng mga bagay na hindi ko naman kailangang isipin. May mga memoryang bumabalik sa isipan ko kahit na matagal ko na iyon binaon sa hukay.

Dito ako tumuloy sa tambayan ng MF pansamantala habang nagpapagaling ako. Si Mr. Jones na rin ang nag sabi na dito nalang muna ako para hindi na daw maabala ang mga kaibigan ko at saka nandito din naman siya pati si Syd. Siguro nandito sila hanggang sunday dahil tunuturuan niya na si Syd para mangalaga sa school.

Mga alas kwatro na ngayon ng hapon pero wala parin akong magawa dahil iniwan nila akong lahat dito mag isa. Wala namang katao tao sa school kaya wala akong makausap ecxept sa mga nag aayos ng classrooms para sa susunod na event dito sa Legend High. Ang boring, gusto ko sanang humiram ng libro ni Cedric kaso baka sabihin niya na pinapkealaman ko ang mga gamit niya.

Nakakagalaw naman na ako kaso hindi pa tuluyang nawawala ang mga maga ko sa pisngi at ang mga pasa ko. Well speaking of pasa nalaman na ng council ang nangyari sa akin kaya naman pinatawag si Olivia and friends pati na rin ang mga magulang nila buti nalang na napakiusapan ko si Mr. Jones na wag nang sabihin sa parents ko ang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari pero ang alam ko lang ay ako ang biktima dito kaya kailangan nilang magbayad sa ginawa nila.

Dati ayos lang sa akin ang nangungitya nila sa akin pati na rin ang pag sasampal, sabunot at tapilok dahil parte na rin yun ng gawain nila at kaya ko pa noong lumaban pero ngayon hindi ko na kaya ang mga ginagawa nila.

Napahinto ako sa pag iisip noong bumukas ang pinto at iniluwa nito si Syd. Binato niya sa akin ang mga gamot.

"May pain killers diyan hanapin mo nalang." Sabi niya habang naglalakad papuntang kusina para kumuha ng tubig.

"Salamat." Kinuha ko sa kanya ang baso ng tubig at uminom ng gamot.

"Inutusan lang ako ni dad."

"Okay.. pero salamat kasi tinulungan mo akong makalabas ng buhay." Tumaas ang kilay niya.

"How did you know na ako yun?"

"Alam kong ikaw ang nag sabi non."

"What?" Walang gana niyang tanong. Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko.

"You're late Ms. Delos Reyes." Ginaya ko ang pagka husky ng boses niya pero natawa nalang ako sa ginagawa ko. Epic fail!

"That's not even funny." Inayos niya ang buhok niya gamit ang palad niya sinyales na naiirita siya.

"Yes, it is!" Hindi parin ako tumitigil sa pagtawa.

"Tsk. Mukhang wala ka naman ng sakit, aalis na ako." Naglakad na siya patungo sa pinto pero pinigilan ko siya.

"Sandali! Wag mo naman akong iwan dito mag isa."

"Anong gusto mong gawin ko?" High blood na naman si manong.

Napahawak ako sa ulo ko na kunwaring nag iisip ng ipapagawa sa kanya. Mukha namang mas lalo siyang naiirita sa inaakto ko.

"Para naman may magawa ka, be my nurse for today."

"No." Mabilis niyang sagot. Naglakad ba ulit siya papuntang pinto pero pinigilan ko ulit siya.

"Hep! Kakasuhan na talaga kita." Banta ko sa kanya.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now