EIGHT

61 30 9
                                    

"Alam mo badtrip ka!" Binatukan ako nung dalawa. Ang sakit. Iba talaga kapag ipinagsabay ang arm-ed forces. Gets ba?

"Ano ba!" Tinignan ko sila ng masama. Akalain mo nga naman nagmadali ko silang iniwan doon sa classroom tapos ngayon nahabol nila ako habang naglalakad lang. Ganon ba ako kabagal tumakbo?

"Bakit hindi mo sinasabi sa amin na magiging tutor ka na ni Syd?! At ano yung nabalitaan naming nakipag away ka kanina kay Olivia?! Huh!" Alam ko naman na mangyayari ito eh. Ang OA talaga ni Shanlie basta tungkol sa paborito niyang banda.

"At hindi mo man lang naikwento sa aming mga kaibigan mo?!" Okay ang ingay na nilang dalawa. Naglalakad kami ngayon palabas ng Legend High.

"Wala namang dapat ikwento. Ang mahalaga ay dapat maibalik ko na sa dati yung grades ko."

"Sa susunod kasi wag ka nang makikipag away mas lalo na sa mga walang kwentang tao."

"Nahiya naman ako sa pinaggagawa niyong dalawa." I rolled my eyes. Napasinghap nalang sila pero ilang sandali lang biglang nag liwanag ang mukha ni Crissy na para bang may naiisip na magandang ideya.

"Kung sumama nalang kami sayo? For sure kasama rin yung ibang ka membro niya." Napahilamos ako ng mukha dahil sa sinabi niya pero pinakalma ko ang sarili ko at pilit na ngumiti.

"Sure! Sure hindi kayo sasama! Dahil ayaw kong mag alaga pa ng mga isip bata." Inunahaan ko na sila sa paglalakad para hindi na nila ako kulitin pa.

Tumigil ako at lumingon sa kanila. "Bakla, sa kabila yung daan papuntang bahay niyo." Tinuro ko yung daan baka kasi mawala.

"Ang sama sama mo talaga!"

"Umuwi ka na! Baka hinahanap ka na ng tatay mong general! Shan ihatid mo na siya pauwi mamaya magahasa pa siya!" Sigaw ko habang tumatakbo.

Oo anak si Crisanto ng isang magiting na heneral sa ating bansa pero tanggap na siya ng pamilya niya ngayon dahil mas may lakas ng loob at mas matapang daw siya sa kaysa sa tatay niya dahil nagpakatotoo siya sa sarili niya. Sobrang swerte niya at nagkaroon siya ng pamilya na matatanggap siya ng buo. Syempre maswerte din ako dahil buo kami at masaya ng tinuring kong pamilya.

Hindi pa ako nakakalayo may nabangga akong isang bagay na matigas. Hindi ko alam kung bagay ba talaga yun kasi biglang nalang niya akong inalalayan para hindi matumba.

"Careful there." Wait, I know that voice. Boses ni Angus yun ah! Napamulat ako at napaayos sa salamin ko.

Balot na balot yung itsura niya. Naka face mask siya tapos naka sun glass at hoodie pa. Ano to winter? Tirik na tirik kaya ang araw. Iba talaga pag sikat mahirap gumalaw ng nakikita ng iba.

"Sobrang gwapo ko parin ba kahit wala ng makita sa akin kaya ganyan ang titig mo ngayon?" Agad akong natauhan at tinangal ang pagkayakap niya sa akin.

"Ang yabang mo naman!"

"Gwapo naman." Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin. "Alam mo Ms. delos Reyes-."

"Luna nalang." Singit ko.

"Okay, Luna sumama ka muna sa akin bili tayo ng ice cream." Akala ko kung ano ang sasabihin niya yun lang pala. Ayaw ko nga! Gusto ko ng umuwi! Taong bahay kaya ako.

"Bumili ka mag isa mo." Tumalikod na ako sa kanya pero hinatak niya ako sa ibang direksyon.

"Tara na!" Tumakbo siya habang hila hila ako papuntang park malapit sa bahay namin. Bumili siya ng isang dirty ice cream para sa akin at dalawa naman sa kanya.

"Kumakain ka pala nito." Sabi ko habang dinidilaan yung ice cream.

"Ano ba tingin mo sa akin? Sa amin?" Nakalahati niya na agad yung pang una niyang ice cream. Nandito kami sa medyo liblib na parte ng park dahil baka may makamukha sa kanya mahirap na. Sa school at bahay lang ata nila safe ito eh.

"Rich kid, maarte, walang modo, mayabang, walang galang, walang hiya katulad nung vocalist niyo." Nag igting ang panga ko.

"Easy bro! Hindi kami ganon pinalaki. May kanya-kanya lang kaming ugali at pinag daanan." Depensa niya.

"So idadamay niyo kaming lahat na nakapaligid sa inyo dahil lang sa sarili niyong problema?! Hindi niyo ba alam na may problema din kami." Sinuntok ko siya sa balikat. Sorry nalang sa fans club nila pero wala naman sila dito para sugurin ako kaya itotodo ko na ang pag suntok sa kanya.

"Amazona ka din pala! Aish!" Sabi niya habang ginugulo ang buhok niya pagkatapos ko siyang suntok suntokin.

"Bakit mo ba ako sinama sayo?"

"Kasi may salamin ka." Eh.

"Anong konek?" Bagay silang dalawa ni Shanlie. Pwede silang magdibate sa isa't isa ng mga walang kwentang mga salita.

"Wala gusto ko lang." Inubos niya na yung pangalawang ice cream niya.

"Sana tinanong mo muna kung gusto ko din."

"Mukhang gusto mo din naman. Tignan mo nga yang ice cream mo, tissue nalang ang natitira." Tinuro niya yung hawak ko. True dat. Tissue nalang nga ang natitira.

"Sino bang tatangi sa grasya?"

"Wala, gusto mo pa?" Tanong niya sa akin.

"Hindi na salamat."

"Eh bakit ka tumanggi? Kakasabi mo nga lang na hindi dapat tinatangihan ang grasya tapos tatanggi ka ngayon. Nako bad yun! Paparusahan ka ni papa Jesus." Ano to pinapaawa niya ako?

"Ang dami mong satsat. Busog na ako."

"Bakit ba gusto mo kaming turuan?" Lumabas din ang gusto niyang itanong kaninapa.

"Hindi naman sa gusto ko, wala naman ang choice kailangan kong gawin yun kasi napahamak ko yung sarili ko." Paliwanag ko sa kanya. Tumango tango naman siya.

"Ayun naman pala." Nagtaka ako sa reaksyon niya. Wala ba siyang nakitang kakaiba kanina sa akin? Sa ayos ko?

"Hindi mo ba napansin yung gulo gulo kong buhok?" Tumaas ang isang kila ko.

"Hindi, akala ko kasi regular look mo yun eh." Nag peace sign siya bago tumawa ng malakas.

Pinagsusuntok ko nanaman siya sa balikat hanggan mapagod ako. Ngayon na nga lang ako nakipag usap ng matagal sa lalaking hindi ko gaanong kilala sa hindi pa matino napunta ang laway ko. Mayroon siyang kinuha sa bag niya at inabot sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at naitapon ko yung bote buti nalang nasalo niya.

"Aahhh!! Bakit ang dami nila! Ilayo mo sa akin yun!" Tinulak tulak ko siya para mailayo sa akin yung mga bayag na yun.

"Mga langgam lang naman ito oh! Wag mong sabihin na takot ka sa mga langgam?" Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin.

"Eh peste yan! Ayaw ko sa mga peste. Kakagatin ka niyan ng masakit tapos kakainin ang dugo mo! Sobrang dami pa nala." Ayaw ko na. Bahala na siya sa buhay niya. Gusto ko nang lumayo sa mga langgam na yan!

"Uuwi na ako!" Tumayo na ako at kinuha yung gamit ko.

"Babye! See you when I see you!" Bagay na bagay talaga sila Shanlie sa isa't isa. Iniisip ko palang na maging cupid nilang dalawa hindi ko na kaya. Baka biglang sumabog ang mga bombang nasa ilalim ng lupa kapag nangyari yun.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon