FOURTEEN

43 20 8
                                    

Beauty and the beast. Such a beautiful story. Sana isang araw maintindihan din ng mga tao ang totoong pahiwatig ng kwentong yun. Sana isang araw hindi lang sa panlabas na itsura nakikita ng tao ang kagandahan. Sana sa isang araw hindi lang sa salita ipinapakita ang pag mamahal.

Sana isang araw makita ko na rin yung taong mag mamahal sa aking ng walang kapantay. Ng walang malamang dahilan kung bakit. Dahil walang rason para hindi mag mahal ang isang tao.

Kasalukuyan akong nasa rooftop slash mini garden slash tutor place namin ni Syd. Hinihintay siya. Mag kakalahating oras na akong naghihintay sa lalaking yun, hindi parin siya dumadating. Yan tuloy kung saan na ako naabot ng pag eemot ko.

Nakaupo ako ngayon sa swing, dahan dahan kong ginagalaw ito gamit ang mga paa ko habang nakatingin sa kawalan. Sa tingin ko dito lang ako makakahanap ng katahimikan at magandang view sa buong school. Kung minsan kasi over papulated na yung library may lalo na sa mga panahon na nagsisipag ang mga estudyante.

Tumanaw ako sa malayo. Hinanap ko kung saan nakatayo si papa ngayon pero masyado nang makulimlim ang langit at masyado nang malayo ang lugar kung saan siya ngayon. Naalala ko tuloy yung mag amang Jones. Ang weird pero ang ganda ng relasyon nila sa isa't isa. Namiss ko tuloy si papa. Isang bwan na simula nung huli ko siyang nakita.

Lagi nalang pumapasok sa isip ko ang lalaking iyon. Nitong nakaraang araw nag iba na rin ang pag tungo nila sa Moonlight Fire. Parang nasasanay na sila sa prisensya ng MF sa Legend High pero hindi parin nawawala ang mga war freak nilang fans.

"You're early." Napalingon ako sa nagsalita.

"Yup. Maagang natapos yung klase ko ngayon." Tumayo ako at umupo doon sa upuan na nasa tabi ng bag ko. "Lets start. Para hindi na tayo maabutan ng ulan." Inabot ko sa kanya yung mga mga sasagutan niya. "Naturo ko na sa'yo yan last time. Kailangan mo lang sagutan yan para maka uwi na tayo."

"Why is this so many?" Reklamo niya habang nagsasagot siya.

"Wag ka nang mag reklamo. Sasagutan mo na nga lang eh." Pinaghirapan ko kaya yang gawin kagabi. Hindi na nga ako nakatulog dahil diyan tapos bubungangahan niya nanaman ako.

"Okay." Tipid niyang sagot bago niya pinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Bibili lang ako ng pagkain." Paalam ko sa kanya. Tumango lang siya ng hindi nakatingin sa akin.

Binuksan ko ang pinto bago bumaba ng hagdan. Binuksan ko ulit yung isang pinto para makalabas ako. Naglakad na ako papuntang cafeteria habang nag uunat. Wala na masyadong taong natira dito sa senior high school department. Yung may mga klase nalang.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Ang dami nilang inaayos para mas mapaganda ang Legend High.

Pagdating ko doon wala na ding masyadong tao sa cafeteria. Bumili ako ng cheese cake at tubig bago bumalik sa rooftop.

He was still doing his work. Hindi niya napansin na bumalik na ako. Umupo ako sa inupuhan ko kanina at tahimik na kumain ng cheese cake.

"Need help?" Tanong ko nung napansin ko na medyo natatagalan na siya sa isang tanong.

"No, I know all of this."

"Okay sabi me eh." Pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko habang sumusulyap sa kanya paminsan minsan.

Mukhang napansin niya na madalas akong sumusulyap sa kanya kaya tumigil siya sa pagsusulat at tumingin sa akin.

"Will you stop that?!" Iritado niyang tanong.

"What?" Pagmamaang-maangan ko habang pinipigilan kong ngumiti. Hindi ko maiwasan dahil nakakatawa ang itsura niya.

"Nothing." Ginulo niya ang buhok niya. Padabog siyang nagsulat. Mahina akong tumawa.

Ilang sandali lang huminto na siya sa pagsusulat. Inabot niya sa akin yung papel bago tumayo.

"Aalis na ako." Paalam niya pero pinigilan ko siya.

"Wait lang! Hintayin mo ako." Huminto naman siya at hinintay ako sa tabi ng pinto. Binilisan ko ang pag aayos ng gamit ko dahil umaambon na. At malala pa, wala akong dalang payong. Aish!

Sabay kaming lakad pababa ng hagdan. Pinalibutan kami ng katahimikan. Nakinig nalang ako sa patuloy na paglakas ng buhos ng ulan.

Ilang sandali lang tumunog ang cellphone ko. Pinagpatuloy parin namin ang paglalakad habang sinasagot ko ang tawag.

"Hello po." Bati ko.

"A-anak." Narinig ko ang pagsinghot ni mama.

"Ma? Ano pong nangyari? Bakit kayo umiiyak?" Tumingin ako kay Syd na tahimik lang nakikinig.

"Luna, ang papa mo... na-nabagsakan ng mga bakal sa construction site." Napahinto ako. Napahinto rin si Syd sa tabi ko. Mas lalong lumakas yung hagulhol sa kabilang linya.

"Nasaan po kayo?" Nanginginig kong tanong. Huminahon muna siya bago ulit siya nagsalita.

"Papunta na ako ng hospital kung nasaan siya ngayon."

"Sige po. Susunod na po ako. Mag iingat po kayo." Binaba ko na ang telepono ko.

"Kailangan ko nang umalis." Paalam ko bago tumakbo palayo sa kanya pero hindi pa ako nakakalayo, napahinto ako sa pagtakbo. Sa isang iglap basang basa na ako sa ulan.

"Don't run away from me." Nilingon ko siya. Naglalakad na siya papalapit sa akin. Hindi ko na naramdaman yung ulan. May hawak pala siyang payong.

"I have to go." Pagmamadali ko.

"Ihahatid na kita. Baka magkasakit ka pa." Hinawakan niya ang kamay ko bago maglakad patungo sa sasakyan niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nung nakapasok siya ng sasakyan inabutan niya ako ng twalya.

"Sana sinabi mo nalang nawala ka palang dalang payong." Inaasar niya ba ako?

Nag text si mama sa kung nasaang hospital si papa ngayon. Saktong nagtanong si Syd.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Pangasinan." Nilagay ko sa likod ko ang twalya.

"What? That's a two hour drive from here." Kumunot ang noo niya.

"Sige ako nalang mag-isa." Bababa na sana ako kaso pinigilan niya ako.

"No. Ihahatid kita."

"Gagawin din pala, ang dami pang arte." Bulong ko sa sarili ko.

"I'll some food first so we can eat later." Pag iiba niya ng topic.

"Magpapalit na rin ako. May extra ka bang damit na pwede kong hiramin? Wala kasi akong dala." Nahihiya kong tanong.

"Mayron diyan sa back seat. Kunin mo lang yung itim na bag diyan." Sabi niya habang nakatingin sa daan.

Humarap ako sa backseat at kinuha yung sinasabi niyang bag. Ang bigat. Punong puno ng damit.

"Balak mo bang maglayas?" Tanong ko sa kanya.

"Tsk." Ang sungit talaga niya.

Dumaan kami sa isang fastfood chain para bumili ng pagkain at magpalit. Sinagot niya na ang lahat ng pagkain na binili namin. Salamat naman. Nagtitipid kaya ako.

Ilang minuto na akong na akong nakatingin sa bintana habang siya tahimik na nag dradrive. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon