TWENTY

40 7 0
                                    

"Luna! Wait up!" Narinig kong sigaw ni Angus mula sa likuran ko.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad ko. Kakagaling ko lang mula sa library. nagbasa ako para sa next lesson namin. Kahit na school festival ngayon nag-aaral parin ako. Pake niyo ba?!

"Luna! My friend, mon ami! Wait lang sabi."

Lumingon ako sa kanya ng may kasamang masamang tingin.

"Ano ba?!" Tanong ko sa kanya.

"Bad trip ka men?" Tanong niya naman sa akin.

"Bakit ba fungus?!" Tanong ko ulit sa kanya.

Fungus ang tawag ko sa kanya magka rhyme kasi sa pangalan niya. Minsan niya na akong tinawag ng lunatic para bumawi pero pinagbantaan ko ang buhay niya natakot naman siya kaya kampante na ako ngayon na hindi na mauulit ang pagkakataon na iyon.

"Bakit ka ba galit? Ha?!" Sinabayan niya akong maglakad.

Dumaan kami sa mga booths. Balak ko sanang pumunta sa cr kaso sumabay sa akin itong unggoy na ito.

Nitong nakaraang buwan paminsan minsan ko nakakasama itong si Angus kapag wala siyang magawa or trip niya lang akong asarin.

"Magtatanungan nalang ba tayo?!" Inis kong tanong sa kanya.

May ibang nagtitinginan na sa amin. Para kasi kaming abnoy na nagtatanungan dito sa gitna ng madaming tao.

"Sino bang nauna?!" Sigaw niya sa akin.

Agh!!!! I hate this guy!

"Aish! Kailan ka ba hihinto kakatanong?!" Padabog akong tumigil sa paglalakad at tumingin sa kanya. Sira na nga ang araw ko dahil sa kupal na vocalist na yun! Sisirain na ng ugok niyang kaibigan.

"Sino bang nagsimula?!" Halata na naiirita na din siya.

'Hala! Bakit nag aaway yung babae at si Angus?'

'May girlfriend na pala si Angus.'

'LQ ba sila?'

'Ang ingay naman nila. Kaloka!'

'Ang gwapo ni papa Angus!'

'Pre, sino yung babae? Bago ba siya dito?'

'Hindi sila bagay.'

Napahinto kaming dalawa nang tukmol na ito sa pagbabangayan dahil sa mga nagbubulungan sa paligid.

Yan na! Yan na! Spot light angain.

Napansin ni Angus na medyo natahimik ako kaya hinila niya na ako.

"Tsk ngayon ka pa nahiya nung kung kailan chinichismis ka na nila."

Pinaupo niya ko sa isang bench habang siya nakatayo lang doon sa tapat ko habang tumilingon sa magkabilang gilid niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Gusto mo ng ice cream? Masarap yung benta nila doon oh." Turo niya sa kaliwa kung saan puno ng mga nagbebenta ng pagkain.

Naalala ko ang nangyari kanina. Biglang namula ang pisngi ko.

"Bat ka namumula? May sakit ka ba?" Tanong niya.

"Wa-wala ito. Sige bili ka na ng ice cream." Umiwas ako sa kanya ng tingin.

"Sige, hintayin mo ako dito ah." Medyo natawa siya, hindi ko alam kung bakit.

"Bilisan mo fungus! Madali akong mainip." Bulyaw ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing StarsWhere stories live. Discover now