NINE

57 30 10
                                    

Kailangan kong mapag-isa muna kahit sandali lang. Papunta akong library ngayon dahil ayaw akong tantanan ng dalawa, kailang ko ng katahimikan sa paaralang ito kahit sandali lang.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko habang nakikinig sa tugtog na nanggagaling sa earphones ko. Napahinto ako nung biglang tumunog ang second hand ko na cellphone. Text galing sa unknown number. Sino kaya ito?

Unknown number:

Magkita tayo mamaya. Don't be late.

End of Message

Tsk! Ang walang kahihiyan sa katawan na vocalist na kamuntik ng makasagasa sa akin. Wala talagang modo akalain mo ba namang paghuhulain niya pa ako kung sino siya, kung saan kami magkikita. Kung hindi lang dahil sa memorya ko baka isipin kong kidnaper pa ito o kaya naman scam.

Bahala siya diyan, hindi ko siya hahanapin. Hindi na ako magrereply sa kanya dahil sino ba siya para sayangan ko ng load? Kahit naka unli ako ngayon, sino ba siya?

Nagsimula na ako ulit maglakad pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko biglang may humila sa akin sa buhok ko at kinaladkad ako na parang isang bagay na balak ng itapon ng may ari.

"Ano ba!" Pilit ko ng tanggalin ang kamay niya sa buhok ko pero hindi ko magawa dahil sa lakas niya.

"Wag ka nang magpumiglas." Kilala ko yung boses na yun ah! Ano nanaman bang balak niyang gawin sa akin?

"Sambo ano ba?! Tigilan mo na nga ako, wala namn akong ginagawa sayo ah!"

"Sa akin wala pero sa prinsesa ko madami." Mas lalong humigpit ang pagkahawak niya sa buhok ko.

"Prinsesa? Oo nga prinsesa mo siya pero ikaw lang ba ang prinsipe niya?" Medyo sarcastic ang pagkasabi ko non. Alam ko namang si Olivia ang itinutukoy niyang prisesa ngayon. Iba talaga kapag gangster.

"Anong sinasabi mo?" Hinarap niya ako sa kanya. Galit na galit ang itsura niya na para bang anytime kaya niya akong sakalin hanggang mawalan ako ng hininga.

Hindi ako sumagot sa kanya dahil ayaw ko pang mawala sa mundo noh kawawa naman sila mama at papa kapag nawala ako pati na rin yung dalawa kong kaibigan, sila nalang ang mayroon sa akin kaya ayaw ko silang pahirapan.

May mga lumapit sa aming lalaki na gang member ni Simbo at may bimulong sa kanya.

"Boss naghihintay na po sina ma'am Olivia sa tagpuan." Tumango lang siya sa isang kasamahan niya. Nagulat ako nung bigla niya akong itulak papunta sa isa pang kasamahan niya.

"Wag mo yang hahayaang makatakas, tara na." Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa maabot namin ang isang lumang building sa likod ng Legend High. Dito ba yung tagpuan nila? Sa madilim at maduming lugar na ito? Ni hindi nga matiis ni Olivia na humawak ng dumi pumunta pa kaya diyan.

"Pasok na tayo." Utos ni Sambo. Ano ba?! Gusto ko lang naman ng katahimikan bakit hindi niyo man lang ako pag bigyan.

Nadatanan namin sila Olivia at yung mga alalay niyang pusit na hindi makagalaw sa kinatatayuan nila. Baka takot.

"Where the hell is Sambo?" Muntikan na akong matawa sa sinabi niya. Tumingin din ako sa paligid pero hindi ko makita si Sambo. Siguro nag camouflage lol.

"OMG!! May umaakbay sa aking multo! Ahhh!!" Shunga ba siya o talagang shunga nga siya? Si Sambo kaya yun.

"Olivia, si Sambo kaya yan." Sabi nung isang alalay niya. Nanlaki naman ang mata niya at napatakip siya sa bibig niya.

"Really?! Sambo andito ka na pala!" Ang galing talagang mag acting pero wala naman siyang maibubuga sa klase.

"Tama na ang lokohan, ano ba talaga ang kailangan niyo sa akin?"

"Pagbabayaran mo ang pag suspend sa akin ni Mr. Jones." Nagkubit balikat ako sa sinabi niya.

"Diba ikaw na rin ang nagsabi, si Mr. Jones ang nag suspende sayo at hindi ako kaya siya ang lapitan niyo, wag ako."

"Oo nga noh? Sambo bakit siya ang sasaktan natin eh si Mr. Jones naman ang ayaw magpapasok sa akin." Bingo! Nalilito nanam siya. Pero mas nanganganib ata ang buhay ko ngayon dahil may lalong dumiin ang tingin sa akin ni Sambo.

"Dahil siya ang dahilan kung bakit ka nasaktan at nasuspend." Sabi niya kay Olivia. "Kaya ngayon simulahan mo na siyang gantihan.

"Okay!" Ngumiti si Olivia kay Sambo bago lumapit sa akin."Hawakan niyo siyang mabuti." Utos niya, sinunod naman agad siya ng mga aso niya at isa isang hinawakan ang magkabilang kamay ko. Kinuha niya ang salamin ko at tinapos sa sahig at inapakapakan gamit ang high heels niya.

"Tigilan niyo na ako. Hindi na pa ba kayo nagsasawa na bullyhin ako?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko at tuloy-tuloy akong pinagsasampal sa magkabila kong pisngi hanggang namaga ito.

"Sambo, masakit na ang kamay ko." Pag reklamo niya kaya naman agad siyang nilapitan ni Sambo at pinaupo sa tabi.

"Kami na ang bahala sa kanya." Nahihilo na ako sa sobrang sakit na ng pisngi ko naging manhid na ito. Balak ba nila akong patayin?

Naglakad siya papunta sa isang water drum sinundan naman siya ng mga kasamahan siya kasama ako. Isa isa nila akong binitawan at tinulak sa direksyon ng water drum kaya natumba ako sa gilid nito.

"Pagod ka na ba nerd?" Natatawa niyang tanong. Pinilit kong ilabas lahat ng natitirang lakas ko para makapag salita.

"Dapat nga ako ang mag tanong niyan sayo." Inabot ko yung drum para makatayo ako. Mukhang namangha naman siya sa ginawa ko.

"Para sa isang nerd palaban ka rin ano?" Wala na akong pakealam sa mga sinasabi niya. Kailangan ko ng maka alis dito dahil baka hinahanap na nila ako sa bahay.

Sinubukan kong maglakad palabas kahit na iika ika pa ako. Walang ganang hinarangan nila ako para mapigilan ako sa paglabas sa abandonadong building na ito.

"Leaving so fast? Hindi pa nga ako nag uumpisa sa iyo, aalis ka na agad." Tinulak na naman ako ni Sambo sa balikat ko kaya tumama ang likodang bahagi ng katawan ko sa malamig na simento.

"Ilublob niyo siya sa tubig." Utos niya sa mga gang members niya sinunod naman agad nila ito at agad agad akong nilublob sa isang malaking balde ng tubig.

Sobrang lamig, sobrang tagal ng oras habang nasa ilalim ng tubig ang mukha ko. Ilang beses pa nilang inulit ang paglublob nila sa akin.

"Tama na yan!" Sinabunutan niya ako habang pinapaupo sa upuan. Inabot sa kanya ang isang gunting.

"Alam mo bang sobrang haba na ng buhok mo para mapansin ka ng Moonlighy Fire, kailangan na nating hatiin." Akala ko babae lang ang may binabagayang sabihin yan pero nagkakamali pala ako.

Nanghihina ako, nahihirapan akong huminga, nanlalabo ang mga mata ko. Nahulog ako sa kinauupuan kong silya.

"Sambo! Do you think we need to stop na? I feel awa for that nerd na." Ngayon lang ako nagpapasalamat na nakaka feel din pala ng guilt itong si Olivia.

"Hindi na natin kailangang huminto ngayon, Olivia. Papahirapan natin siya hanggang sa gusto natin." Giit ni Sambo. "Nerd, tumayo ka diyan." Natumba na nga ako papatayuhin mo pa ako?

Marahas niya akong hinila patayo pero nabitawan niya rin ako bigal. Hindi ko alam kung paano nang yari yun, ang tanging alam ko ay hindi ako bumagsak sa sahig bago ako mawalan ng malay. Pero may salitang hindi maalis sa isipan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

"You're late Ms. delos Reyes."

Chasing StarsWhere stories live. Discover now