THIRTEEN

58 25 7
                                    

Days had passed at katulad nga ng sabi ni Syd babalik din siya sa dati at ginawa niya nga ng walang halong biro. Kada nag tu-tutor ako sa kanya lagi nalang siyang nagsusungit at high blood. Bad trip nga eh! Tinapon niya lang sa pagmumukha ko yung papel na may lamang tanong at walang pasabing umalis. Buti nga nasagutan niya lahat ng pinapasagutan ko sa kanya. At kung minsan wait, mali palagi niya akong hindi pinapansin mas lalo na sa klase.

Nandito ako ngayon sa classroom kasama ang mga maiingay kong classmates. Nagkwekwentuhan yung dalawa ako naman nag babasa ng libro habang naka headset. Walang tugtog. Gusto ko lang mabawasan ang ingay para mabasa ko ng maayos yung libro.

About pala sa nangyari, hmm.. magaling na ako. Back to normal na talaga. Pero hindi talaga mangyayari yun. Olivia and Sambo are gone. Oo wala na sila. Wala na sila dito sa Legend High dahil sa ginawa nila sa akin. Mas mabuti na iyon kaysa makulong sila, masyado pa silang bata para doon hindi pa nila kaya ang raponsibilidad na mabuhay mag isa sa isang bulok na selda.

Atleast nagkaroon ng kaunting katahimikan sa paaralang ito. Hindi lang ang Moonlight Fire na tinitilian parin hanggang sa banyo hanggang ngayon. Wala na ata talaga silang takas sa mga crazy fans nila. Well hindi ko naman sinasabing lahat ng fans ay crazy, may mga ganon lang talaga.

Bumukas ang pinto kaya napahinto ang lahat sa ginagawa nila at tahimik na umupo sa upuan. Tinanggal ko yung headset ko bago bilagay sa bag.

"Alright childern I have an announcement to make. The clubs will be open for all of you at noon, you'll not have afternoon classes for the registration. You will all participate this school year because this is you last year in high school so you should make the best of it. "Panimula ni Mrs. Thomas ang english teacher namin.

"Okay class, will discuss about our new lesson for today." Parang bulang lumipas ang oras. Hindi ko namanlayan na hapon na pala. Oras na para maghanap ng clubs. Two clubs ang maximum per person sakto lang para sa mga sasalihan ko.

"Saan kayo sasali?" Tanong ko sa dalawa.

"Sa sports club kung saan maraming boys." Masayang sabi ni Crissy. Tumango nalang kaming dalawa ni Shan sa kanya.

"Ako sa english and filipino club. Sa music club sa na ako kaso wala akong talent doon baka mapahiya pa ako sa harap ng Moonlight Fire, ikaw Lulu?"

"Music at arts club." Naglakad na kami sa kanya kanyang club. Inuna ko ang arts club kasi marami pang pila doon. Malamang dahil nandoon din ang MF.

Kaunti lang ang pila sa arts club kumpara sa ibang clubs kaya nakapasok ako agad sa club room nila. Lumapit ako kay Emma, ang dating club vice president ng arts club. Siya na siguro ang magiging president ngayon. Every year nagkakaroon ng mga bagong officers sa mga club para may chance din yung iba para mag lead. Hindi ako nagging isa sa kanila. Sino ba ang boboto sa akin na isang campus nerd.

"Hi Luna, mag paparegister ka ba?" Ngumiti siya sa akin. Naging kaklase ko na siya dati pero hindi kami close at lumipat siya ng section.

"Oo sana." Ngumiti din ako sa kanya.

"Sige mag fill up ka nalang ng form at member ka na dito. Just attend kung may meating kahit na sa importanteng events lang." Paalala niya sa akin.

"I will." Ngumiti ako ulit sa kanya bago kumuha ng form sa lamesa. Naglakad ako papunta sa isang bakanteng upuan. Doon ko sinimulang mag register.

Madadali lang naman yung mga tanong. Anong pangalan mo? Taon? Grade at iba pang common questions. Nung natapos ko na, tumayo ako at bumalik sa kinaroroonan ni Emma. Inabot ko sa kanya yung form.

"Welcome to the club!" Masaya niyang bati.

"Thanks, mauuna na ako."

"Sige magkita nalang tayo sa susunod." Kumaway ako sa kanya bago naglakad palabas ng club room.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now